"Where do you wanna go for our first anniversary?"Kumunot ang noo ko sa tanong ni Theo. We are inside our room. Naglalaptop ako at siya naman ay may binabasang mga papel.
I left the door open kasi nandoon sila Nanay sa labas. And I think it's okay that way dahil baka kurutin ako ni Nanay sa singit kapag ginawa ko yon.
I removed my stare from my laptop at lumipat yon kay Theo na abala pa rin sa pagbabasa noong mga papel. I think that it's for his business.
"What?"
Nagulat naman ako sa tanong niya. First anniversary agad e mauuna pa ang Christmas at New Year.
Bumaling siya sa akin. "Let's go out of town for our first anniversary."
"Don't you want to spend it here in Sta. Ana? We can spend our next anniversaries in other places. I want the first one to be here, though. I want it special, e." I suggested.
Marami naman magandang lugar dito sa Sta. Ana e. Namely, Nangaramoan Beach, Mapurao Beach tapos yung falls pa. Gusto ko muna sana dito.
"You want that?" He went closer to me na.
Idinipa ko ang dalawang braso ko para makayakap siya sa akin. Natawa ako ng para siyang bata na agad na sumugod ng yakap habang ibinabaon ang mukha sa leeg ko.
"Merry Christmas!"
I smiled while looking at my parents. Ngayon ko lang sila nakitang ganito kasaya. Siguro kasi ito yung unang beses na marami kaming handa na pang Noche Buena. Sinabihan ko na nga yung mga kapit-bahay namin na kung gusto nila, pwede silang sa bahay nalang din mag celebrate.
Lumapit sa akin si Tatay at niyakap ako ng mahigpit. Ngumiti ako habang ganon ang pwesto namin.
"Natutuwa ako. Natutupad mo na ang pangarap mo..." Sabi niya habang pinagmamasdan ang mga handa sa mesa. Si Nanay busy na maghain ng pagkain dahil may mga kapit-bahay kaming sa bahay na rin nag celebrate.
When I was a kid, hindi ganito karami ang Noche Buena namin. Since then, I've always dreamed of this kind of celebration. Yung maraming pagkain. Ngayon, natupad ko na.
"Proud na proud ako sa iyo, anak."
It was satisfying to hear that.
Katatapos ko lang kumain ng makareceive ako ng tawag. Ngumuso ako at nagpipigil ng ngiti ng makita kung sino iyon.
"Merry Christmas!" I greeted him as soon as I answered the call.
I heard him laugh on the other line. "It's Christmas but I am missing you so bad."
Theo's in Manila. Doon sila nag celebrate, though they'll be back before New Year so he's going to spend it here with me.
Natawa ako ng marinig sa background si Ate Maan. We're close now. Kapag busy si Theo at wala akong masyadong ginagawa sa office ay tinatakas niya ako at niyayayang pumunta ng plaza.
"Merry Christmas, Lian! Wish ko sayo ngayong pasko, magising ka na sa katotohanan at mawala na ang epekto ng gayuma ng kapatid ko —"
She wasn't able to continue his words when I heard Theo cussing her to death. Saka lang ulit natahimik ng makarinig ako ng kalabog ng pinto.
Pikunin talaga tong si Theo.
"I love you." Sabi ko sakaniya pagkatapos ng sandaling katahimikan.
I heard him sigh. "I love you too. And I'm fucking missing you."
Umiling nalang ako. We talked again for a couple of hours. Natagalan dahil ayaw paawat ni Theo, gustong magdaldal.
Pagkatapos kong makipagchikahan sa boyfriend ko ay nagtext ako kila Mara. I greeted them a Merry Christmas and they all replied to me, greeting me too.