Hindi naman ako tanga para hindi ma-gets yung sinabi niya. Lalo pa at may pahalik halik pa siya sa kamayna nalalaman."W-what are we what?" Tanong ko ulit. Hinila ko yung kamay ko. He chuckled at that.
"I told you I like you." Sabi niya.
Oo, narinig ko siya kahapon na sinabi yan. Although, hindi ako sigurado kung totoo nga, I still feel jealous. Pero ngayon na harap harapan niyang sinasabi sa akin, umurong yata ang dila ko.
Pero baka kasi pinagttripan lang ako nito. Sampung buwan siyang nawala tapos babalik pa siya dito at sasabihing gusto niya ako? Ano speed lang?
"S-stop joking." Sabi ko.
Huminga siya ng malalim at inabot ang baba ko. I could feel the stares of everyone in this place.
Inangat niya ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. Gusto ko yong ganon, yung nakatingin kami sa mata ng isa't-isa para malaman kung nagsasabi nga siya ng totoo.
"I am not joking, Lian. Ten months without you is hell, baby." He whispered.
I bit my lip. Bumaba ang tingin niya doon bago ibinalik sa mga mata ko. I wanted to read him, pero hindi ko magawa.
"I like you. What's so hard about that?"
Hinawakan ko ang kamay niya at agad na tinanggal ang pagkakahawak niya sa baba ko. I pouted and avoided his gaze.
Pakiramdam ko ang init lalo dahil sa biglang mga sinasabi niya. Tumayo ako at tumapat sa electric fan para mapakalma ko ang sarili ko.
Nakatingin lang siya sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay sinenyasan ko siyang mauna ng kumain.
"Mauna ka ng kumain. I'm just gonna calm myself." Sabi ko.
Tumango siya at nagsimula ng kumain. What the hell, Lian? Bakit ba ganito ang nararamdaman mo? Dapat itatak mo sa utak mo na badtrip ka sakaniy dahil iniwan ko niya doon sa dalampasigan ten months ago! Hindi ka dapat kinikilig dito.
Huminga ako ng malalim bago dinukot yung panyo sa bulsa ko. Napatingin sa akin si Theo habang kumakain siya.
After that, umupo na ulit ako sa harap niya. I started eating peacefully. Patapos na siya kaya nagmadali ako.
"Lian." Tawag niya.
Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko bago tumingin sakaniya. "Hmm?"
"Can I court you?"
Nabulunan ako. Oo, tangina. Pakiramdam ko bumara yung kanin na nilunok ko sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya.
Inabot ko yung tubig. Nasa gilid ko na si Theo at naramdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa likod ko.
"Shit, I'm sorry. Dapat pala, pinalunok ko muna yung nasa bibig mo." Sabi niya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin. Ngumiti lang din naman siya sa akin.
Bumalik din siya sa upuan niya ng kumalma na ulit ako. Sinugurado ko ng walang laman na ang bibig ko dahil sa paraan palang ng titig niya, alam ko ng uulitin niya nanaman yung tanong niya.
"Seryoso ka ba dyan, Theo?" Tanong ko. "Mahirap akong ligawan."
Tumawa siya. "Ten months without is hell, Lian. Nagawa ko na ngang magtanim at magsunong ng balat para sayo, dito pa ba ako susuko?"
Tangina, yung puso ko.
Nag-iwas ako ng tingin when I caught seriously looking at me.
"I will prove myself to you, Lian. Kahit gaano pa katagal. No pressure."