"Saan tayo, Lian?"Umirap ako kay Toby. Kanina pa siya tanong ng tanong kung saan kami pupunta.
"Just shut up and fucking trust me." Inis na sagot ko sakaniya.
Napasimangot siya sa naging sagot ko. Sumandal lang siya doon sa upuan niya.
Sa sobrang bait ni Mayor sa amin, after magpasa nung tatlo ng design nila para sa projec, binigyan niya kami ng one week break. Magkakasama kaming lima— including Theo na inimbitahan ni Toby.
Ako ang nagdrive dahil hindi ko sinabi sa mga boys kung saan kami pupunta. Sa Mara lang ang sinabihan ko.
"Chill ka lang kasi Toby." Sabi ni Mara habang nakasandal siya doon sa balikat ni Eugene, nakapikit ang mata.
I smiled at them. Silang tatlo ang nasa likod. Si Theo nasa tabi ko at natutulog yata. Busy rin kasi siya ng iang araw kaya niya pinatos tong offer ni Toby na sumama sa amin.
Sabi niya pa nga, hindi raw siya sumama dahil sa akin. Sumama daw siya para makapag unwind daw siya. Pero naririnig ko silang nagu-usap ni Toby tungkol sa kung paano niya ako babantayan.
Gusto ko sanang isama sila Nanay sa trip na ito kaya lang hindi pumayag yung dalawa. Ako nalang daw ang magpunta. Sayang naman daw kasi ang kita nila sa palengke kapag wala sila ng isang linggo.
Hindi naman talaga kami lalabas ng Sta. Ana, sa Anguib lang kami pupunta kaya tawang tawa talaga ako ng makita ang dalang bag ni Toby kanina.
"Anak ng tokwa ka, Liana! Sabi mo magreresort tayo!"
Tumawa ako ng malakas. Nagising tuloy si Theo kaya nagsorry ako sakaniya. Pero si Toby pinaulanan ako ng mura.
"Putangina Liana! Ang laki ng dinala kong bag!" Reklamo niya.
Nilingon siya ni Theo. Hindi niya siguro naririnig na naga-away kami ni Toby kanina pa.
Tawa ng tawa si Mara. Si Eugene naman ay badtrip din dahil malaki ang dalang bag.
"Tangina, di nako maniniwala sayo next time." Sabi ni Eugene, natatawapa. Si Toby talaga yung mura ng mura sa akin.
Nang maipark ko ang kotse ay naunang bumaba si Mara, sumunod naman yung dalawang lalaki na mukhang excited ba ulit. Matapos lang akong murahin.
"I missed ten months of your life, huh? Now, you drive well. Nakatulog ako ng mahimbing ng walang inaalala na baka ibangga mo tong Vios ko."
Sinamaan ko ng tingin si Theo. He chuckled and pulled me in for a kiss on my forehead. And I felt my heart beating so fast again.
This is really his effect to me.
Bumaba na siya dala ang bag niya. Kinuha niya rin ang sa akin. Sumunod na rin ako sakaniya at pumasok na sa loob para makuha na yung room na nireserve namin.
"Good morning, Ma'am! Welcome!"
Binati ako ng guards at receptionist. I smiled at them.
"Reservation, Ma'am?" Tanong sa akin nung isang receptionist. Tinignan ko yung apat na nandoon sa sofa. Si Theo kausap si Toby at Eugene at nagtatawanan. Si Mara naman may kausap sa phone.
"Yes. Liana Patrice Resuardula." Sabi ko bago ko ulit nilingon sila Theo.
"3 rooms po, Ma'am?" Tanong ng receptionist habang nakatingin sa computer.
Tumango ako. May pinapirma lang siya sa akin bago inabot ang susi ng tatlong kwarto.
May isang lalaking maghahatid sa amin sa lwarto namin kaya tinawag ko kaagad yung apat na agad din namang sumunod.