Kanina pa ako nakatingin sa reflection ko sa salamin dito sa kwarto. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong isuot, kung ito ba o yung isa? Parang mas maganda kasi kung yun—"Lianna! Kanina ka pa dyan? Ano? Nahimatay ka na ba sa kaba? Huwag kang OA, babae ka, ipapakilala ka palang bilang nobya hindi asawa!"
Umirap ako sa sinabi ni Nanay. Kanina niya pa yon sinasabi at paulit-ulit nalang talaga.
Inayos ko nalang ang buhok ko at kinuha ang sling bag ko. Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko roon si Theo na nakaupo sa sofa namin.
Nang makita ako ay agad siyang ngumiti at dumalo sa akin. Si Nanay ay panay ang kantyaw sa amin, si Tatay ay seryoso lang.
"Alagaan mo ang anak ko. Sinasabi ko sayo wala akong pakialam kahit anak ka pa ng presidente." Nagsimula nanaman si Tatay sa banta niya.
Tumango lang si Theo. Yung braso niya nasa baywang ko nanaman. Pinatakan niya ako ng halik sa noo.
"Ang ganda mo." Bulong niya.
Inayos ko yung polo niya. "Ang gwapo mo."
Umiling lang siya at sabay na kaming lumabas ng bahay. Pinatunog niya yubg kotse niya na nakaparada lang malapit sa amin.
"Iba nanaman kotse mo? Iba talaga kapag mayaman?" Panga-asar ko. Ayaw niya kasi ng tinatawag siyang mayaman. Sabi niya raw, tatay niya yung mayaman, hindi siya.
Umirap lang siya sa akin at pinagbuksan na ako ng pinto. Pagkasakay ko akala ko isasarado niya na yubg pinto pero nanatili siyang ganon ang pwesto. Yung isang kamay ay nakahawak sa pinto ng kotse, yung isa ay sa kabilang gilid ko.
"Bakit?" Tanong ko.
He tilted his head on the side. Para bang may iniisip siya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sakaniya.
"Damn. Ang ganda ng girlfriend ko." Bulong niya bago dumukwang at patakan ako ng halik sa labi.
When he pulled away, he was smiling. "Ang ganda ganda."
Hindi ko alam kung binobola niya ba ako pero mukha naman siyang seryoso. Pero nahihiya na ako. Syempre dapat kunwari, dalagang pilipina.
"Bolero." Sabi ko sabay irap. Tumawa siya.
Tignan mo na! Binobola nga ako!
"Alis na tayo. Baka hindi ako makapagpigil...."
Whatever, Theodore.
Nang sumakay siya ay agad niyang pinaandar ang sasakyan niya. Kanina pa ako tingin ng tingin sa salamin ng cellphone ko.
I am wearing a pink off-shoulder dress. I paired it with my white sandals. Okay naman tignan yung dress ko kasi maputi naman ako. Pero yung buhok ko, hindi ko alam kung nakatali ba dapat.
"Theo, anong mas maganda? Nakatali yung buhok ko o nakalugay?" Tanong ko habang nagmamaneho siya.
Sinulyapan niya lang ako at umiling. May multo ng ngiti sa labi niya.
"Kahit ano. Maganda ka pa rin naman." Sabi niya.
"Yung totoo kasi, ah. Anong mas gusto mo?"
Tumawa siya bago sumagot. "Gusto kong nakatali yung buhok mo pero masyadong nakakaakit yung leeg mo kaya ilugay mo nalang."
Napanganga ako sa sagot niya. Kahit kailan ba wala siyang matinong sagot sa mga tanong ko?
"Ang manyak." Sabi ko.
Tinawanan niya nalang ulit ako. Kaya ayun, nilugay ko nalang yung buhok ko. Maya-maya ay nakarating na rin kami sa bahay nila.
Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa bahay nila— este mansyon nila. Hindi nga ito yung unang beses na nakapunta ako dito, pero nagugulat pa rin ako.