Chapter 33

274 9 3
                                    


The next days came up blurry and fast. Parang noong nakaraang linggo lang ay tambay ako sa bahay dahil di ako pinapayagang lumabas ni Nay at Theo, pero ngayong babad nanaman ako sa trabaho.

Ang daming naiwang paperworks sa mesa ko. Buti nalang naiintindihan ako ng boss ko dahil sabi nga niya, hindi ko naman daw ginustong magkasakit.

Theo and I were civil after we had that talk. Hindi kami nagtatalo lalo na sa harap ng anak namin at iniiwasan na rin naman yung mga topic na madalas cause ng away namin.

I sighed as I read the contract infront of me. Kararating lang nito kaninang umaga and I don't whether to sign this or not.

It's contract regarding the project sa Sta. Ana na gustong ipahawak sa kumpanya namin. My boss just gave me this contract and I don't know kung tatanggapin ko ba.

"Have you signed the contract?"

I glanced at Mara who just came inside my office. Sumunod na rin yung dalawa. I guess, sila din yung kinuha na kasama ko dahil napag alamang galing kami ng Sta. Ana.

Ngumiti ako sakanila at umiling. I don't know if I'm ready to go back. May masasakit pa rin kasi akong ala-ala sa lugar na yon.

"Hindi ko alam." Sabi ko.

Lunch came and Theo just barged inside my office. Nadatnan niya akong nakasubsob ang mukha sa table ko.

"You alright? Iuuwi na kita kung pagod ka na." I felt him beside me, caressing my back.

Umiling ako at nag-angat ng tingin sakaniya. My heart started beating so fast when I met his dark eyes.

I suddenly wondered if those thing didn't happen when we were still in Sta. Ana. Paano kung hindi niya ako niloko? Paano kung hindi niya ako ginago noon? Masaya kaya kami?

Things happen for a reason. I always keep that in my mind. And for some reason, gusto kong maniwalang may magandang paglalagyan lahat ng nangyari sa amin noon.

We were both hurt. We both suffered. We were both in pain. We were lost.

I smiled at him. And for some things, I wonder why my heart still go frenzy over him. Bakit siya pa rin yung mahal na mahal ko?

"I'm fine, Theo."

Huminga siya ng malalim at naglapag ng paperbag na sa tingin ko ay naglalaman ng pagkain. Pinanood ko lang siya habang inaayos yon. I wanna hug him, hindi ko alam pero gusto ko siyang yakapin.

"Theo." I called him.

Hindi siya lumingon dahil abala siya sa pag-aayos ng pagkainan ko. "Hm?"

Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. "Can you give me a hug?"

Ibinaba niya yung hawak niyang disposable spoon and fork bago ako tinitigan. He looked shocked and confused pero sa huli ay lumapit din sa akin.

I was sitting on my chair habang nakatayo naman siya sa harap ko. This will be the first time na mayayakap ko siya after seven years. I don't know, but I suddenly felt giddy.

Ibinuka niya ang braso niya para makayakap sa akin. Dahil nga nakaupo ako, hanggang baywang niya lang ako kaya doon nalang ako yumakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa tyan niya.

"I'm so tired and sleepy..." Bulong ko.

Natawa siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. "You're giving me a hug. Should I expect for you to give me a chance now?"

I rolled my eyes. Hindi niya naman makikita yon dahil nakasubsob ako sa tyan niya. Kinurot ko rin ang tagiliran niya at natawa siya doon.

"Try harder."

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now