Chapter 24

236 10 0
                                    


"Liam, tara na."

Ngumiti ako ng makita ang anak kong pababa na ng hagdan. Nakasuot na ito ng puting polo at dark blue na shorts, it's his first day in school.

"Tara na, Mommy." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas. Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Nanay.

"Wait, baby, let's say babye to lola first.." Hinila ko ulit siya papasok sa loob. Sumimangot siya. Excited naman ang baby.

"Nay, alis na po kami. Ihahatid ko na si Liam sa school tapos papasok na rin ako.." Sabi ko.

Bumitaw si Liam sa akin at tumakbo papuntang kusina.

"Lola, babye na po. I'll just give you a flying kiss because I'll be late na!"

Natawa ako sa sinabi ng anak ko. Late ka dyan, wala namang demerit kapag nalate ang Grade 1 pupil.

Maya-maya ay bumalik na siya at hinawakan ang kamay ko. Inayos ko ang bag niya dahil nahuhulog iyon sa balikat niya. Ang likot naman kasi.

"Liam, behave sa school, ah?" Paalala ko sa anak ko.

"Yes, Mommy. But can I just write Liam Resuardula instead of my whole name, Mommy?" Sumimangot siya.

This kid. Ang tamad tamad magsulat pero excited pumasok.

"No, you should write your whole name." Sabi ko.

Hindi siya umimik at sumimangot lang. Seven years ago, I never thought I could be this happy again. Akala ko noon, hindi na mabubuo pa ulit yung basag basag kong pagkatao.

But when I gave birth to Liam, parang nagkaroon ulit ako ng reason to live. I know I was really selfish back then, kaya ngayon, kahit anong hingi ng anak ko, binibigay ko.

Isang bagay nga lang ang hindi.

"Mommy, what if my teacher asks me about my Daddy?" Tanong niya bigla.

Humigpit ang hawak ko sa steering wheel at huminga ng malalim. "Liam-"

"I saw a lot of movies kasi. When the pupil introduces himself, they always talk about their parents. I can always tell naman na you're an engineer, a very successful engineer. But how about my Dad?" Tanong niya.

Hindi ako umimik. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Hanggang ngayon, may galit pa rin ako sakaniya at ayaw ko na siyang makita pa dahil kaya ko namang buhayin mag-isa si Liam.

"I'll just tell them my Dad is in another country?" Tanong niya.

Tumango ako ng marahan. Damn, Lian. How can you be this selfish?

Hinatid ko si Liam hanggang sa room nila. Natawapa nga ako ng mapansin na may isang batang babae doon na namumula ang pisngi ng makita ang anak ko.

Well, proud naman akong sabihin na gwapo ang anak ko. He got my lips, but hegot his father's eyes, nose and even his skin. Hindi ko pwedeng itanggi yon. Liam is spitting image of his father.

Pagkatapos ko siyang maihatid sa school ay dumiretso ako ng office. Agad akong binati ng guard ng makita ako.

"Good morning, Engr! Hindi mo kasama si Liam?" Tanong niya.

Nung summer kasi, sinasama ko si Liam dito. Si Nanay kasi noon ay medyo nagkakasakit kaya hindi maalagaan si Liam. Kumuha ako noon ng personal nurse niya.

"May pasok na. Grade 1 na, e." Sabi ko. Tumango naman si Kuya Guard.

Naglakad ako papuntang elevator at binati naman ako ng ibang mga empleyado. Ngumiti lang din ako sakanila. When I got inside the elevator ay hinilot ko ang ulo ko.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now