I swear, sa paraan pa lang ng pagtitig sa akin ng tatlo kong kaibigan, alam ko na ang tumatakbo sa isip ng mga yon."Stop it." Sabi ko.
Huminga ng malalim si Mara. "You know, I tease you about him a lot. Pero alam ko naman yung feeling mo na ayun nga..."
Hindi na ako kumibo. Pinagbuntunan ko nalang ng inis itong laptop ko. Finishing touches nalang.
Tumahimik na rin sa wakas si Mara at yung dalawa. Lunch time came, sabay sabay kaming bumaba. Medyo maraming tao sa munisipyo, hindi ko alam kung bakit.
"Ang gwapo talaga nung bunso ni Mayor, ano?"
Umirap ako sa narinig kong bulong. Malakas naman kasi pang dinig ko, pero mas malakas kasi yung boses nung babae kaya hindi ko alam kung bulong pa bang maitatawag yon.
Sabay sabay din kaming lumabas sa munisipyo. Ibinato sa akin ni Toby yung susi ng kotse niya.
"Li?" Tumawa ako sakaniya.
Alam ko na, e. Kapag mas pinaikli niya pa yung nickname ko.
Tumango ako at pinatunog na ang kotse niya. Si Mara ang nasa harap tapos yung dalawa nasa likod ulit.
"Saan tayo?" Tanong ko habang pinapaandar ang sasakyan.
"Dati, Li."
Tumango ako at nag drive na papunta sa lagi naming kinakainan. Mahal don, pero pag si Toby nagyaya, libre na.
Saglit lang ang drive papunta doon. Naunang lumabas sila Toby at Eugene bago ako. Si Mara naman may kinukuha pa sa bag.
"Oh, shit. Lian, sa iba nalang tayo!"
Nagulat ako ng bigla akong higitin ni Eugene. Tumawa si Mara at Toby.
"Ha? Wag na, dito na." Sabi ko at bumitaw sakaniya.
Nauna na akong pumasok. Nagugutom na rin ako. Narinig ko na rin sila sa likod ko.
"Theo's here. Malapit pa talaga doon sa pwesto natin." Bulong ni Mara.
Yun ba yun? Kung bakit nagmamadali si Eugene na umalis? Akala ko naman kung ano. Tumango lang ako kay Mara.
Nagpresinta yung dalawa na umorder. Sila na daw bahala at bayad naman ni Toby kaya dumiretso na kami ni Mara sa table na lagi naming inuukupa.
Nahagip ng tingin ko si Theo na nakamasid lang sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto ko sanang magtanong kung anong problema niya, e. Kaya lang may kausap.
Naupo ako sa pinakadulong bahagi ng mesa, malapit lang sa bintana. Si Mara nasa harap ko.
"Jake's not answering my calls..." Inis niyang sabi bago ibinaba ang phone. Malakas yon kaya napalingon samin yung nasa katabi naming table. Sila Theo.
Tumawa ako. "Chill, Mara. Baka naman busy."
Hindi nalang siya nagsalita. Nilabas ko ang phone ko para maglaro ng game doon. Ang tagal naman nung dalawa.
"Lian!"
Napaangat ako ng tingin ng tawagin ako ni Toby. Hinihingal pa siya, e. Panigurado kilala nako ng lahat dito dahil sa lakas ng boses nito.
"Ano? Ang ingay mo."
Tumawa siya. "Naubusan na ng cola. Ano nalang?"
"Kahit ano, sprite, tubig basta maiinom." Sabi ko nalang. Tinawanan ako ni Mara.
Tumango si Toby tapos patakbong bumalik sa pila. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalaro.
Naglalaro din yata si Mara sa cellphone niya dahil nakita ko ang pag pindot pindot niya sa cellphone niya.