Chapter 17

208 9 0
                                    


Wala nga ako sa sarili ko maghapon dahil sa sinabi ni Theo. Gusto ko siyang sapakin dahil may trabaho ako pero pre-occupied ako dahil sa mga sinabi niya kanina.

Napasabunot ako sa buhok ko. Kasalanan talaga to nung lalaking yon! Nakakainis!

Hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan ko yong kinapa sa may dibdib ko. Ah, ano ba to?

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Kailangan kong mag focus. May meeting mamaya kaya dapat hindi ako ganito ka-pre-occupied.

"Okay ka lang?"

Napatalon pa ako sa biglang pagsulpot ni Mara sa likod ko. Kumunot ang noo niya sa akin bago kinapa ang noo ko.

"May sakit ka ba? Kanina ka pa mukhang wala sa sarili, ah." Dugtong niya pa.

Umiling lang ako at gumilid dahil mukhang nakaharang ako sa dispenser. Pumikit ako ng mariin.

Halik lang yon, Lian. Halik lang yon. Normal lang naman yon kasi diba kayo naman. Halik lang—

"Anong halik?"

Napamulat ako sa gulat. N-narinig niya? Napalakas ba yung sabi ko?

"H-ha?" Umatras ako dahil nakangisi na si Mara sa akin ngayon.

"Naghalikan na kayo? First kiss mo yon kung sakali." Tanong niya habang nakangisi sa akin.

"H-ha? W-wala! Hindi n-no!"

Ay pucha, bakit ganito ako magsalita? Nabubulol na ba ako?

"Normal lang na maghalikan kayo. May relasyon kayo tsaka di na kayo bata. Susunod na dyan sa kama—"

Naalala ko nanaman yung sinabi ni Theo sa kotse. Anak ng tokwa naman, Mara, oh!

"Gago, hindi!" Tumaas yung boses ko kaya tinawanan ako ni Mara.

"Anong hindi? Epal ka." Sabi niya. "Alam mo naman siguro yong ibig kong sabihin, wag mong sabihing wala kang alam pagdating sa ganon?"

Namula ang pisngi ko. Hindi naman sa wala akong alam. Nakapanood ako ng ganon dahil sa mga siraulo kong classmates nong college ako. Pero bakit ba ako tinatanong ni Mara? Parang tanga naman to.

"May alam naman ako pero—"

"Oh, edi chill ka lang. Pero darating din kayo dyan. Dapat magready ka na. Yung mga katulad ni Theo, nako, iba yung galawan sa kama—"

"Tangina naman, oh!" Inis na sabi ko sakaniya.

Tumawa lang siya at tinapik ang braso ko. Umirap ako sakaniya bago naunang lumabas at bumalik ng office.

Mag focus ka na, Lian. Wag kang papadala doon sa sinasabi ni Mara. Trabaho ka muna.

Pinilit kong magtrabaho ng maayos kahit na minsan naiisip ko ulit yon dahil panay ang titig ni Mara sa akin, nang-aasar.

Nang tawagin kami na pumunta sa office ni Mayor dahil doon gaganapin yung meeting, ay dali dali kaming nag-ayos.

"Maayos ba yung suot ko?" Tanong ni Toby habang inaayos yung damit ko. Ewan ko ba dito, lagi niyang tinatanong kung maayos yung suot niya tuwing may meeting kami.

"Mukha ka ng tao. Don't worry." Sabi ko.

Umirap lang siya sa akin at di na nagsalita dahil malapit na kami sa office ni Mayor. Yung secretary niya ang kumatok para sa amin.

"Good morning po, Mayor." Bati namin.

Ngumiti siya sa amin. Sa totoo lang, mabait naman si Mayor, e. Strikto lang talaga lalo na kaag sa trabaho. Pero sobrang responsable niya. Hindi ko nga yan nakikitang humawak ng pera, e. Lalo na kapag sa pondo. Parang allergic siya doon.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now