Chapter 7

255 8 0
                                    


"Congratulations to us, Engineers!"

Ngumiti ako sa mga kasama ko habang nakataas ang shot glass namin. Katatapos lang ng inspection kanina at yung machine na dinesign namin? Malapit ng mairelease.

"Nakakatuwa. Parang kailan lang nung nagrereklamo tayong masakit na ang ulo natin dahil dito." Tumawa si Toby.

"Oo nga. Tapos tignan mo ngayon, grabe nakakatuwa!" Tumili pa si Mara  habang pumapalakpak.

Huminga ako ng malalim. Alak yong iniinom nila, juice lang yung sa akin. Kukurutin ako ni Nanay kapag uminom ako.

Ang saya lang na ngayon, may achievement na akong nagawa sa buhay ko bilang isang Engineer. Nakatulong na ako sa mga katulad ni lolo na magsasaka.

Pero bakit parang may kulang pa rin?

Sampung buwan. Sampung buwan na mula ng huli kong makita si Theo. Mukha namang palagi ko siyang nakikita kasi nga magkamukha sila ni Mayor, pero iba pa rin pala talaga.

Pagkatapos ng gabing yon, kinalimutan ko na siya. Ngayon ko nga lang ulit naalala, e. Sana pala hindi ko na naalala.

"Anong balak? Ano, Lian?"

Napaangat ako ng tingin kay Eugene. Nakangisi siya sa akin.

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

Ngumisi siya bago lumingon sa likuran ko. Nacurious ako kaya lumingon din ako.

"Gwapo yan, oh." Tinuro niya yung lalaking naka T-shirt na itim at nakapantalon. Nakikipag tawanan pa doon sa mga kasama niya.

Umiling ako. Sabing wala akong oras sa mga ganyan, e. Nang umalis si Theo ay agad din akong niretuhan nitong tatlo ng mga lalaki. Hindi ko ba alam, ang laki ng problema nila sa pagiging single ko. Hindi yata nila alam na ang saya saya maging single.

Palibhasa hindi nila dama.

"Ayoko." Sabi ko bago ko inubos yung juice sa baso ko. Nagkantyawan pa silang tatlo.

"Magmove-on ka na kasi kay Theo." Tumawa si Toby. Nag-apir sila ni Eugene.

Hindi nalang ako umimik. Hahaba lang ang usapan kapag pinatulan ko pa. Nang medyo maramdaman ko na lasing na nga yung tatlo ay pinatigil ko na.

Kailangan ko pang humingi ng tulong doon sa dalawang kasama dito sa iniinuman namin para lang maidala yung dalawang lalaki sa kotse ni Toby.

"Diyan nalang, Kuya. Salamat, ha?" Sabi ko doon sa kuya na umakay kay Toby at Eugene.

Hawak ko sa baywang si Mara. Medyo matino pa kaya hindi ako nahirapan. Tinawanan niya yung dalawa sa likod.

"Kaya mo mag-drive, Engr?" Tanong nung kuya. Tumango ako.

Nagpaturo ako kay Toby na magdrive ng kotse dahil nagbabalak akong bumili ng kotse noon. Kaya lang, inuna ko munang pinaayos ang sa bahay dahil mas importante yon kesa sa kotse.

Nakaipon din naman kasi ako. May natira pa noon sa scholarship ko, tapos nung nagtrabaho ako, malaki rin ang bayad. Tapos nag part time job pa ako kaya ang laki rin ng naipon ko.

"Oo, Kuya. Salamat, ah?" Sabi ko kay Kuya pagkatapos kong ayusin ang seatbelt nong tatlo.

Kinuha ko ang susi sa bulsa  ng pantalon ni Toby. Nagulat ako ng bigla niyang tinampal ang kamay ko.

"M-may girlfriend ako..."

Natawa ako don. Alam ko gago, hindi ako sulutera at hindi kita type. Feeling nito.

Buti nalang at madali lang makuha yung susi. Umikot ako at sumakay sa driver's seat. Ganito naman palagi, e. Juice lang iniinom ko kapag nagyayaya sila ng inuman. Kailangan may manatiling matino.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now