Tahimik akong pumasok sa hotel room na tinutuluyan ni Theo. Siya na ang nagbitbit ng bag ko kahit hindi naman yon mabigat.Nahihiya pa rin ako. Letse naman kasi! Pinsan niya pala yon tapos di niya sinasabi sa akin! Ang sabi niya lang schoolmate niya tsaka kakambal ng barkada niya. Nakakainis!
Naupo ako sa kama at tulala lang sa sahig. Wala akong masabi. Gusto ko mang mag open ng topic pero nakakahiya talaga. Napakaselosa naman kasi.
"Baby..."
Ngumuso ako at tumingin sakaniya. He's smirking at me, damn it! Natutuwa pa talaga siya sa ganito, ah?
"Let's stalk about your jealousy. Hindi naman ako galit." Sabi niya.
Alright. Gusto ko ring mabawasan yung ganitong nararamdaman ko. Ayokong maging selosa dahil baka magsawa lang din siya.
"Okay. I'm really sorry, Theo. Hindi ko naman kasi alam dahil hindi niya rin naman nabanggit sa akin. Nakakahiya tuloy!"
He chuckled before walking towards me. Naupo siya sa mismong harapan ko. I pouted to lessen the embarrassment, baka kasi ma-cute-an siya sa akin.
Iniligay niya ang mga takas na buhok sa likod ng tainga ko at ngumiti sa akin. "Lian, ikaw lang. I hope you could hold on to this pero babe, ikaw lang talaga. Mahal na mahal kita na hindi ko kayang tumingin sa iba pang mga babae. Tangina, igglue ko na nga mga mata ko sayo, e."
I bit my lower lip to stop myself from smiling. Masyado naman kasing nakakakilig itong lalaking to. Bakit ganito? Sinalo niya ba lahat ng pinaulan ni Lord na kakiligan noon?
He held my hands and kissed it while staring at me. "When I say I love you, I mean it. When I say ikaw lang, ikaw lang, Lian."
I smiled at him and cupped his face. I kissed him with all my heart. I felt him responding to it so we ended up in bed, clothes off and panting.
"Do you understand me now, Lian?" He asked me while he was lying with me on our bed.
Itinaas ko ang comforter para matakpan pa lalo ang katawan ko. "Yes. I'm sorry for being a jealous girlfriend."
"I understand that. But always remember what I told you, Lian." He kissed my forehead before I was in deep sleep again.
Nagising ako ng hapon ng araw din na yon. May suot na akong t-shirt pero magulo pa rin ang kama. I looked around before getting up.
I'm so hungry. Where's Theo, by the way?
Nag-shower muna ako bago nagpalit. I just wore my denim shorts and white crop top. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok bago lumabas.
I dialled Theo's number. After few rings, I heard him on the other line.
"Good afternoon, baby." He chuckled.
"You did not wake me up, you idiot!" Inis na sabi ko sakaniya.
I can still remember, I told him to wake me up for lunch pero ayon, iniwan ba naman ako sa kwarto.
He laughed again on the other line. "You were so tired. I have a heart, Lian. By the way, nandito ako sa office. Liam's with me."
I sighed. "Sure. Aakyat na ako."
I made my way to his office. Binati pa ako ng ilan sa mga staffs niya na nakakaalala sa akin. Yung iba, bago lang din.
"Siya yung girlfriend ni Sir? Ang ganda!" Bulong nung isa na sa tingin ko kagagaling lang sa room service.
"Oo. Bagay sila ni Sir. Tsaka balita ko, taga dito daw talaga yan. Engineer pa!" Sagot naman nung kausap niya.
I smiled inwardly. Nahihiya na ako sa compliment nila, ah. Para hindi namang magmukhang suplada ako, ngumiti ako sakanila bago pumasok ng elevator.