Chapter 21

217 9 1
                                    


Sobrang naging busy na kami ni Theo four months after our first anniversary. Pero si Theo yung tipo ng lalaki na hindi pumapayag na hindi kami nagkakaroon ng oras sa isa't-isa.

From time to time, he would text me his whereabouts, ganon din ako. Kapag may free time siya, sabay kaming naglalunch. Sobrang hands-on na rim kasi niya doon sa construction.

I sighed when I heard ny phone ringing. Akala ko si Theo yon pero si Ate Maan pala.

"Hello?" I answered the call.

"Hi, Lian! Busy ka ba? Yayain sana kita sa plaza, e." Sabi niya sa kabilang linya.

Wala naman akong gagawin dahil katatapos lang din ng project ko at briefing kanina.

"Wala naman, Ate."

Tunawa siya. "Sige, I'll fetch you nalang. Let's surprise Theo on his birthday."

Pagkababa niya ng phone ay saka ko lang narealize. It's Theo birthday on Friday! Shit, muntik kong makalimutan. Wala na yata akong kwentang girlfriend.

Sinundo nga ako ni Ate Maan. Bumili kami ng pang surprise kay Theo. Ang sabi ni Ate Maan sa akin ay huwag ko daw munang babatiin si Theo sa Friday. Tapos kapag nasa site na si Theo, iddecorate namin yung kwarto niya.

"How about this?" Itinaas ni Ate Maan yong isang polo shirt. Regalo niya raw sa kapatid niya.

Tumango ako at nag thumbs-up sakaniya. Gusto rin ni Theo ng mga ganong style ng damit.

Busy si Ate na humanap ng pangdagdag na regalo kaya napatingin ako sa kung saan-saan. Natigil lang doon sa stall ng mga binebenta na relo.

Nagpaalam lang ako kay Ate na may titignan lang tapos dumiretso na ako doon sa stall na nakita ko. Naisipan kong regaluhan siya ng relo. Hindi ko alam kung bakit, basta relo.

Pumili lang ako nung maganda at sakto sa budget ko. Sakto rin na nakita ni Ate Maan yung box na hawak ko.

"Wow... nice nice!" Sabi niya.

Kabado pa ako sa mga susunod na araw. Kapag nagdadaldal si Theo ay hindi ako masyadong nagsasalita. Baka kasi madulas ako or something doon sa surprise namin.

Kaya ng sumapit ang Friday ay hindi ko talaga siya binati. Hindi nga ako nag good morning sakaniya, e. Hindi ko sinasagot ang tawag.

Di na rin ako nagulat ng biglang nasa opisina ko na siya pagpasok ko. Nang makita ako ay agad akong dinaluhan, kabado pa. Gusto ko tuloy matawa.

"Baby, may problema ba? Hindi mo sinasagot ang tawag ko..."

Umiling lang ako at ngumiti sakaniya. Sana kaya ko pang tiisin to hanggang mamayang hapon. Naaawa na ako kay Theo, shit na yan.

Umalis din siya after non. Though, sabi niya susunduin niya ako mamayang hapon. Pero ang usapan namin ni Ate Maan ay siya na ang magsasabi kay Theo na siya na ang susundo sa akin.

Binabad ko lang yung sarili ko sa work. Nang dumating si Ate ay agad din kaming umalis. Pagdating namin sa kwarto ni Theo ay nagdecorate na kami agad. Panay pa ang silip namin sa labas at baka biglang umuwi yon.

"Kailangan niyo ng tulong?" Biglang pumasok ang Mama nila sa kwarto ni Theo.

Agad akong dumalo sakaniya at nagmano. Ngumiti siya sa akin. "Gumaganda ka lalo, hija.."

Natawa nalang ako at nagpasalamat. Tumulong si Tita sa decoration tapos mamaya maya tumulong na rin siya doon sa kusina sa paghahanda ng pagkain.

6 pm came and I was sweating bullets. Sa sobrang kaba na baka epic fail to, pero tiwala lang.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now