Chapter 6

258 8 0
                                    


Sa loob ng dalawang linggo, nanibago ako dahil sa trabaho. Kailangan ko ng magising ng alas singko para magprepare ng breakfast dahil 8 am ang pasok ko.

Two days pagkatapos ng meeting namin ni Mayor ay ipinatawag niya muli ako para maipakita niya sa amin ang sakahan.

Nakilala ko na rin ang tatlo pang makakasama ko sa project na ito.

"Engr. Resuardula."

Nilingon ko si Engr. Lacosta ng tawagin niya ako. Nakatapat ako sa laptop ko dahil nagsisimula na ako sa design na ipinapagawa ni Mayor.

Ngumiti ako sakaniya. "Po?"

Binigyan kami ni Mayor ng Office sa Munisipyo. Nagulat pa nga ako, e. Pwede namang sa labas nalang namin gawin ito pero sabi niya mas maganda raw na sama sama kami para sa mga ideas namin.

"Mayroon ka bang flash drive dyan?" Tanong niya sa akin. May virus nanaman siguro yung flash drive niya.

Tumawa ako. "Virus nanaman?"

Narinig yon ng mga kasama namin kaya pati sila nakisali.

"Delete delete din kasi, Engr." Panga-asar ni Engr. Cuesta sakaniya. Tumawa lang si Engr. Robildo.

Mabait naman yung tatlong kasama ko na Engineers. Madali rin silang pakisamahan kaya hindi ako nahihirapan na maglahad ng ideas sakanila kasi pinakikinggan talaga nila ng mabuti.

Inabot ko yung bag ko. May extra flash drive yata ako dito. Bumili kasi ako bago magsimula sa trabaho tapos binigyan din ako ni Theo ng isa pa.

Speaking of Theo, hindi ko rin yon nakikita tatlong araw na, ah. Ghinost na ba ako ni friendship?

"Oh, Engr. Wag mong lalagyan ng virus, ah?" Tumawa ako.

Sumimangot naman si Engr. Lacosta bago binalik ang tingin sa laptop niya. Ganon na rin ang ginawa ko. Binabad ko yung sarili ko sa laptop ko hanggang sa matapos kami.

Sinarado ko ang laptop ko at tumayo para kumuha ng tubig. Ngumiti ako kay Engr. Cuesta.

"Tubig?" Tanong ko sakaniya.

Umiling siya. "Puro tubig na laman ng tyan ko, Lian."

Tumawa nalang din ako. Kanina ko pa siya nakikita na pabalik balik sa dispenser, e. Uhaw na uhaw na yata siya.

"Alright, let's call it a day!"

Tumayo na si Engr. Robildo sa upuan niya. Tapos na ang office hours. So back to first name basis na ulit kami

"Lian, saan ka?" Tanong ni Mara, si Engr. Cuesta.

"Uwi na ako, Mara." Ngumuso ako. "Magluluto pa ako ng hapunan nila Nanay."

Pumalakpak si Toby, si Engr. Lacosta, tapos tumawa si Eugene, si Engr. Robildo. "Sana all, masipag na anak."

Tumawa ako sa sinabi nila. Masaya talaga sila kasama. Bukod kasi sa kaedaran ko, madali nga talagang pakisamahan.

"Hatid ka na namin." Iminuwestra ni Toby ang kotse niya. Sasabay din si Eugene at Mara sakaniya, siya lang kasi ang may kotse.

Tumango nalang ako sumunod sa kanila. Si Eugene ang nasa harap tapos dalawa kami ni Mara sa likod.

Pag magkasama talaga yung dalawang lalaki, ang ingay, e. Tatawa-tawa lang kami dito ni Mara.

"Ikaw, Lian? Wala kang boyfriend?" Tanong ni Mara sa akin.

Umiling ako. "Wala."

"Ha? E diba nanliligaw sayo yung bunso ni Mayor?" Tanong ni Toby. Ngumisi sa akin si Eugene.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now