"Engineer, yung hard copy daw po.""Engineer, kailangan daw po nung file name."
"Engineer, saan daw po nakalagay yung unang project—"
Huminga ako ng malalim at tumayo. Tinatawanan ako nila Mara dahil nagkalat sa loob ng opisina ko ang mga tauhan ni Mayor dahil kailangan niya raw yung mga files para bukas.
"Teka lang, chill kayo, isa-isa lang." Sabi ko bago ginawa ang mga kailangan nila.
Tumawa yung mga tauhan ni Mayor. "Sorry, Engr. Si Mayor kasi, e. Mamaya magagalit nanaman si Sir Theo kasi pinahihirapan ka."
Kumunot ang noo ko habang may kinakalikot dito sa laptop ko. "Bakit nagagalit?"
"E kasi, Engr, kapag pagod ka nitong mga nakaraang araw sinasabi ni Sir Theo na huwag kang masyadong bigyan ng projects..."
Napa-angat tuloy ako ng tingin sakanila. Yung tinutukoy yata nila ay yung huli kong project bago kami nagpunta sa Anguib. Umiling nalang ako.
Isa isa kong binigay yung kailangan nila. Pagkatapos ay sabay-sabay pa silang lumabas ng office.
Sumalampak ako sa upuan ko at huminga ng malalim. Pinikit ko ang mata ko para sana magpahinga saglit. Pero bigla akong nakatulog. Nagising nalang ako ng marinig ang boses ni Theo sa loob ng opisina namin.
"Kanina pa ba siya natutulog?" Rinig kong tanong niya.
"Oo, Theo. Daming kailangan sakaniya kanina, e." Si Mara yon.
Hindi muna ako bumangon. Pinakikinggan ko lang yung usapan nila.
"Si Daddy talaga." Sabi ni Theo. Narinig ko ang yapak niya paounta sa mesa ko. Gusto ko ng magmulat pero parang trip ko yata mag tulog-tulugan.
Naramdaman ko ang haplos niya sa buhok ko. Maya-maya ay naririnig ko ng bumubulong siya sa akin. Niyakap niya pa nga ako mula sa likod.
"Kawawa naman ang baby ko. Tulog ka muna, baby. Babalik ako mamaya tapos dadalhan kita ng pagkain." Hinalikan niya ang ulo ko. "May meeting lang akong pupuntahan."
Gusto kong tumayo at yumakap nalang sakaniya pero hinihila nanaman ako ng antok. Pero bago pa ako makatulog ulit, narinig ko ang bulong niya sa akin.
"I love you. Mahal na mahal na mahal kita."
Pag gising ko ay parang naging mas energetic yata ako. Kinulit-kulit ko si Toby na busy sa project niya kaya pikon na naman sa akin.
Si Mara doon sa gilid ay kanina pa ako tinatanong kung anong nakain ko at bakit daw sobrang gulo ko pero di ko siya pinapansin. Eugene's busy with his project din.
"Tangina, tatawagan ko na talaga si Theo!"
Tumawa ako ng kinuha ni Toby yung cellphone niya. Akala ko talaga tatawagan niya si Theo pero bigla niyang binaba yung cellphone niya.
"Oh, ano? Akala ko tatawagan mo? Wala. Weak ka pala, e!" Tumawa ako.
Sinamaan ako ng tingin ni Toby at ipinakita ang cellphone niya. "Wala na akong load!"
Tumawa ulit ako ng mas malakas bago bumalik sa mesa ko. Naaawa na ako sakanila. Tutulungan ko nalang sila mamaya.
May sinave lang ako sa laptop ko bago bumalik kay Toby. He groaned in annoyance when he saw me walking towards him.
"Pucha, naglilihi ka ba!?!" Inis na tanong niya.
Binelatan ko siya. "Gago. Kung maglilihi man ako, si Theo ang paglilihian ko."