Chapter 27

232 11 0
                                    


Ako ang sumundo kay Liam ng hapon din ng araw na iyon. Kinakabahan ako na baka bigla siyang kunin sa akin ni Theo.

"Mommy!" He called me.

Ako na ang tumakbo sakaniya. I grabbed his bag and held his hand. Mabilis akong naglakad papunta sa kotse ko. Pinasakay ko siya doon at sinuot ang seatbelt niya.

"Hi baby." Sabi ko pagkapasok ko ng kotse. I kissed his cheek.

Mabilis akong nagdrive pauwi sa amin. Hawak ko rin ang kamay ni Liam ng pumasok kami sa bahay.

"Lola! I'm here!"

Tumakbo ang anak ko papunta sa lola niya. Si Nanay ay mabilis din namang niyakap ang anak ko. I smiled at them.

See that? That's also the reason why I don't want Theo to take my son away from me.

Tears pooled my eyes again. Nakapagdesisyon na ako kanina. For my son, I will let him meet his father. Kahit mahirap para sa akin.

Ayoko siyang mawala sa akin. And if meeting his father is the only way to keep him with me, gagawin ko yon.

Nagdinner kami ng sabay-sabay. Pagkatapos ay umakyat na ulit si Liam sa kwarto niya. Naiwan kami ni Nanay sa kusina.

"May problema ka."

It wasn't a question. But a statement.

Napahagulgol agad ako ng sabihin yon ni Nanay. I opened up everything to her. Niyakap niya ako habang pilit na pinapatahan.

"I don't wanna lose my son, Nay." Sabi ko.

Mahigpit ulit akong niyakap ni Nanay. "Anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero nanay ka na, anak. Hindi na dapat sarili mo ang iniisip mo. Huwag mong ipagdamot sa anak mo ang pagkakaroon ng ama."

I hugged her tighter. "A-ayoko lang na masaktan pa ulit.."

"Huwag mong isipin ang sarili mo. Isipin mo ang anak mo. Kahit ako, galit din naman ako kay Theo. Pero wala tayong magagawa. Bali-baliktarin man natin ang mundo, siya pa rin ang ama ng anak mo."

Hinaplos ni Nanay ang buhok ko. "Hindi mo siya pwedeng pagkaitan ng karapatan, Lian. Nang dahil sa ano? Nasaktan ka niya noon? Ikaw lang yon, Lian. May anak ka na ngayon. Isipin mo ang anak mo bago ikaw."

Hindi ako nagsalita umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap kay Nanay. I don't know what to do anymore.

"Kaya kong palakihin ng mag-isa ang anak ko." Sabi ko.

Huminga ng malalim si Nanay. "Oo, kaya mo. Pero kaya mo bang makita ang anak mong nangungulila sa ama niya araw araw? Kaya ba ng konsensya mo?"

That hit me so hard. Sobrang selfish ko. Sobrang selfish ko nga talaga. Nasasaktan ako pero hindi ko naisip na mas lalong masasaktan ang anak ko.

Tama nga si Theo. Anong klase ba akong ina?

Tangina, napakawalang kwenta ko. May anak na ako't lahat lahat pero sarili ko pa rin yung iniisip ko. Sa halos pitong taon, tinanim ko sa utak ko na kaya kong buhayin ang anak ko ng hindi man lang iniisip ang mararamdaman niya.

Huminga ako ng malalim. Tama si Nanay, kailangan ng anak ko ng tatay. At kahit anong gawin ko, Si Theo yon.

Maaga akong nagising kinabukasan. Ako ang naghatid kay Liam, gusto ko siyang sabihan tungkol sa gusto kong mangyari.

I want him to meet his father.

Gusto kong bumawi sakaniya at kung ito yon, gagawin ko. Para sa anak ko.

"Liam?" Tawag ko sakaniya.

He was busy with his robot. Maliit lang yon at laging nasa sasakyan ko. When he's bored while I'm driving, lagi niya yong nilalaro.

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now