Chapter 10

263 11 0
                                    


"Pwede bang sabay tayong mag-lunch?"

Napaangat ako ng tingin kay Theo ng magtanong siya. Tinuro ko pa ang sarili ko para kumpirmahin kung ako ba ang tinanong niya. Tumango siya.

"L-lunch?" Tanong ko ulit. Tumango siya.

Nahihiya ako. Pagkabalik kasi namin kahapon sa munisipyo, nakasalubong namin si Mayor, nagtatanong kung anong nangyari sa bunso niya at bakit daw namumula ang balat. Syempre si Theo, hindi ako ilalaglag non pero nahihiya pa rin ako.

Kaya ngayon, sinusubukan ko na iwasan siya kaya lang sumama pala siya sa amin sa inspection doon sa sakahan.

"Lian, tawag ka doon. May tinatanong kasi si Mang Rico kung paano daw yung sa isang machine." Gusto kong pasalamatan si Eugene dahil sa pagtawag niya sa akin.

Kaya lang pag lapit ko sakaniya ngumisi siya at kinurot ang tagiliran ko.

"Issa prank!"

Nanlaki ang mata ko. Issa prank? Prank? Nice one, huh?

"Sinave lang kita doon. Halata ka, Ate Girl." Tumawa siya at umakbay sa akin. Sabi niya kakausapin namin si Mang Rico hanggang sa matapos ang inspection para di ako gambalain ni Theo.

Hindi na ako kumportable sa kaniya. Narinig ko kasi yung sinabi niya kahapon bago siya naligo. Kagabi, yun ang laman ng utak ko kaya bangag ako ngayon dahil wala nanaman akong matinong tulog.

"Engr! Pinapatawag po kayo ni Mayor!"

Agad kaming naglakad ni Eugene papunta doon kay Mayor. Nang makita kami ay agad niya kaming tinawag.

"Narito nga pala ang mga engineers na tumulong sa atin na makadevelop ng bagong machine na talaga nga namang malaking tulong sa inyo..."

Pinalakpakan kami ng mga nandoon. Nakangiti pa si Aling Ester sa akin at kumaway. Kumaway din ako pabalik sakaniya.

"Siyempre, ang kanilang leader na si Engr. Resuardula na talaga nga namang nag effort ng husto para makatulong sa inyo..." Pagpapatuloy ni Mayor.

Nakatanggap kami ng maraming pasasalamat nong araw na iyon. Pagkatapos din ng inspection ay dumiretso na si Mayor sa City Hall dahil may meeting pa raw siyang dadaluhan. Naiwan kaming apat doon— lima pala, kasama si Theo.

"Lian." Tawag niya.

Gusto kong pumikit ng mariin tapos magpalamon nalang sa lupa. Siniko pa ako ni Toby.

"Uy Li, tawag ka." Bulong niya.

Huminga ako ng malalim bago humarap kay Theo na mariing nakatingin sa akin. Parang nanlambot yung tuhod ko sa paraan ng pagtitig niya.

"P-po?"

Narinig ko ang halakhak ni Eugene sa likod ko. Gusto ko silang sakalin, e. Bakit kasi hindi pa kami umalis kaagad?

"Lunch?" Tanong ni Theo.

Huminga ulit ako ng malalim bago tinuro ang mga kasama ko.

"Kakain kami s-sa labas..." Sabi ko.

Nilingon sila ni Theo. Si Mara agad na tumikhim.

"Ay Sir actually," Nilingon ko siya dahil alam ko na yung tono ng boses niya. Good Gosh, Mara, wag mo naman akong traydurin.

"Hindi kami makakasama sa lunch. Sinabi ko na nga kay Lian kaya lang nagugutom na daw talaga siya. May ipapasa pa po kasi kaming sample, e. Naipasa niya na kasi yung kaniya kaya free na siya."

Gusto kong suntukin ang kaibigan ko dahil sa pinagsasasabi niya. Pinandilatan ko siya ata agad naman siyang ngumisi sa akin.

Traydor ka, traydor!

Hear the Cries of the Waves (Cagayana Series #1)Where stories live. Discover now