Malamig pa rin talaga yong pakikitungo sa akin ni Theo. Magkakasama kaming tatlo ngayon sa mall pero silang dalawa lang ni Liam yung nag-uusap."Tss. Pabebe." Bulong ko habang tumitingin sa mga nakasabit na damit.
Bibilhan kasi ni Theo si Liam ng mga bago nitong damit. Ewan ko ba, hindi naman pala-labas yang anak niya pero kung bilhan niya ng damit ay akala mo naman araw-araw tatambay sa mall.
Napatingin ako sa pinto ng fitting room ng lumabas doon ang anak ko. He's wearing a blue polo shirt na may maliit na bulsa sa left side. Ang gwapo talaga nitong anak ko.
Inayos pa ni Theo yung damit niya bago iniharap doon sa malaking salamin. May binulong si Theo kay Liam dahilan para matawa ang anak ko.
Umirap ako. Oh, edi kayo. Kayong dalawa na magkasundo. Inilalayo talaga nitong si Theo yung anak ko sa akin, e. Baka nga sinisiraan nako nito, hindi pa ako nagmamalay.
Hinayaan ko nalang muna sila doon at pumunta sa women's wear. Nilibot ko ang tingin ko doklon para maghanap ng mga pang-office attire ko.
Ngumuso ako ng makita ang isang white fitted dress na tingin ko'y hanggang taas lang ng tuhod ko ang haba non. It's an off-shoulder dress. Minsan naglalagay naman ako ng blazer kaya tingin ko babagay din yon doon.
Kinuha ko yon at bumalik sa kila Theo. Tinignan niya ako pero naagaw ng damit na hawak ko yung atensyon niya.
"Can you hold this for me?" Inabot ko sakaniya ang bag ko pero hindi niya yon kinuha.
"Ano yan?"
Umirap ako. "Damit. Pahawak na muna ng bag ko, please. Susukatin ko lang."
Huminga siya ng malalim na halatang nabbwiset nanaman sa akin. Ano nanaman bang ginawa ko sakaniya at umiinit nanaman ang ulo niya sa akin?
"Saan mo naman gagamitin yan? May party ka bang pupuntahan?" Tanong niya.
Nasa loob yata ng fitting room yung anak namin kaya malakas ang loob niyang magsimula ng away. Huminga ako ng malalim, nagpipigil na makipag sagutan sakaniya.
"Office attire—"
"Hindi ka magsusuot ng ganyan sa office. Para kang tanga—"
"Ano? Bakit? Sino ka para pagbawalan ako? Ang epal mong gago ka!" Tumalikod na ako sakaniya dahil sa sobrang inis.
What the fuck is wrong with this guy, seriously? Napaka-OA niya. Akala mo naman kung sino.
"Ako ang tatay ng anak mo kaya—"
"—kaya wala kang pakialam sa isisuot ko. Kahit pa pumasok akong naka-bra at panty, wala ka dapat pakialam."
Hindi ko na siya nilingon at lumapit nalang doon sa saleslady na medyo malapit lang sa fitting room. Pinahawak ko sakaniya yung bag ko, buti nalang mukha siyang mapagkakatiwalaan.
Hindi naman ako nahirapan sa pagsuot non. Dahil nga sa fitted ang nakuha ko, talagang naeexpose yung kurba ng katawan ko pati na rin ng dibdib ko. Napangiti ako. Lumaki lang naman to pagkatapos kong magpabreastfeed kay Liam.
Hindi muna ako nagpalit. Gusto ko kasi yung opinion ng ibang tao dahil baka bias yung mata ko. Porke maganda ako sa paningin ko, ayos na. Yun pala mukha ng tanga.
"Miss, maganda ba? —"
"Ang panget kaya magpalit ka. Ayoko niyan."
Napatingin ako sa nagsalita. Hindi yon boses babae. Sumama ang itsura ko ng makita si Theo na nakasandal sa may dingding, sa harap mismo ng pinto ng fitting room. Hawak niya yung bag ko.