4

67 30 0
                                    

Yousten's POV

Nasa office ako ngayon habang nakaupo at pinagmamasdan yung picture frame niya sa ibabaw ng table ko.

Heto na ako ngayon guys isang successful businessman na ako ngayon. Ayoko man iwanan si Addie last year pero wala akong choice kung hindi gawin at tapusin ang mga kailangang trabaho sa company.

Tumawag ako sa parents ni Addie kanina at kinakamusta ko palagi ang kalagayan niya. Hindi pa kasi ako pwedeng umuwi ngayon dahil may mga proposals pa ako na tinatapos. Para naman sa future naming dalawa ni Addie to eh. Siya lang naman ang inspiration ko sa pagtatrabaho.

Alam niyo nung una nagtaka talaga ako kung bakit parang hindi nanghihinayang si Jiro sa baby nila ni Addie pero ganito ang nangyare.

*Flashback*

Nasa kwarto ako ni Addie habang sila tita nagpahinga muna dahil galing sila sa libing ni Berry. Umiiyak din ako nung nalaman kong wala na siya dahil syempre naging malapit na rin sakin si Berry.

"Pre kumain ka muna"

Narinig kong sinabi ni Jiro at may dala siyang pagkain.

"Sige pre ikaw muna kumain. Wala pa akong gana eh"

"Yousten naman Jiro na nag alok ng pagkain sayo tumanggi ka pa? Ilang araw ka na nagbabantay at hindi pa kumakain baka mamaya makalas ka na niyan ampayat mo pa naman"

Natawa ako sa sinabi niya sakin kaya siniko ko ang sikmura niya.

"Gagu ka Jiro may laman pa naman ako hindi naman ako buto buto"

"Baliw malapit ka na sa nilagang buto buto?"

"Nang aasar ka ha? Isusungalngal ko sayo tong sapatos ko" sabi ko at tatanggalin sana yung sapatos ko pero pinigilan niya.

"Joke lang Yousten pinapatawa lang kita kasi para kang ninakawan ng ulam sa sobrang stress ng mukha eh. Tingnan mo oh yung mga mata mo puro malalaking eyebags na"

"Atleast pogi pa rin ako atsaka model kaya ako ng brief so meaning yang eyebags na yan nakakatulong sa akin yan kapag photoshoot"

"Anlakas naman ng hangin ng electric fan"

"Oo aba baka bigyan pa kita ng aircon Jiro magsabi ka lang"

"No thanks di ko na kailangan niyan"

Nagtatawanan kami dito tapos binuksan na namin yung mga pagkain na dala niya at umupo muna sa tapat ng lamesa.

Habang kumakain kami may bigla akong naalala.

"Jiro diba buntis si Addie? Edi nakunan siya nung binaril siya sa tagiliran?" Curious na tanong ko.

Natawa siya

"Ikaw naman masyado kang nagpapaniwala sa naririnig mo. Wala ka bang tiwala kay Addie?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi ka manlang ba nanghihinayang Jiro? Baby yun hindi laruan lang"

Maya maya kumuha siya ng cellphone at tripod tapos tinutok niya sa aming dalawa

"Yousten hindi buntis si Addie hahahahaha it's a prankkkkk!"

Sabi niya sa harap ng camera tapos tawa ng tawa.

"Look at your face Yousten para kang ninakawan ng piso hahahhaa"

Tumingin ako sa camera at nakita ko na nakalive pala siya. Tumayo ako at binatukan siya.

"Tarantado ka nagagawa mo pa akong i-prank sa hinaba haba ng panahon na paniwalang paniwala ako sa panloloko mo"

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon