74

28 8 0
                                    

Berry's POV

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad "kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Yael

"Hindi pa nga eh" sabi ko habang nakapout

"Tara labas tayo para makapaggrocery tayo" sabi niya habang nakangiti.

Ang sarap sa pakiramdam Yael kasi kasama kita ngayon. After all these years ngayon lang ulit ako naging masaya at sobrang gaan ng loob ko ngayon

"Sure gusto ko magluto ngayon eh" sagot ko sabay ngiti.

Naglakad kami papunta sa exit ng resort para mamili ng ingredients.

May bukas pa kasi na mga store dito sa labas kaya dito na rin kami bumili ng mga pamalit dahil di muna kami babalik ngayon. Nagdecide kasi kaming dalawa na bukas nalang kami babalik.

Binayaran ni Yael yung mga pinamili namin using his credit card tapos naisipan namin  tumambay muna saglit sa may dagat kasi gusto pa namin magpahangin. Hindi na kami nakapagdate dahil parang wala naman kaming mapupuntahan pero gusto naming sulitin tong gabing to.

Umupo kami dito sa may sand kahit madilim na tapos nakasandal ako sa dibdib niya habang nakatingin sa moon na nagsisilbing liwanag namin.

"Yael.." tawag ko sa kanya

"Hmm?" Humarap ako sa kanya "sobrang namiss kita" sabi ko sa kanya tapos hinalikan niya ako sa cheeks

"Akala mo ikaw lang? Ako rin kaya Berry. Miss na miss na miss kita kaya sobrang saya ko kasi finally nagsama na tayo" niyakap ko siya

"Paano na bukas?" Malungkot na tanong ko tapos ngumisi lang siya "Berry wag mong isipin yung mangyayare bukas. Isipin mo walang hahadlang sating dalawa ngayon at malaya tayong gawin ang lahat ng gusto natin ngayon" may kinuha siyang ponytail sa plastic na dala namin tapos tinalian niya yung buhok ko.

"Ang ganda  mo talaga kaya baliw na baliw ako sayo eh" natawa ako sa kanya kaya kumuha din ako ng ponytail sa plastic tapos tinalian yung buhok niya sa taas.

"Ang gwapo mo Yael kaya kahit anong gawin ko ikaw pa rin ang love na love ko" sabi ko sabay hinalikan siya pero smack lang.

"Ikaw talaga Berry hahaha tara na nga nagugutom na ako" sabi niya tumayo na siya tapos inalok yung kamay niya sakin.

"Ayoko nga" sabi ko tapos inirapan siya "ahh ganon ayaw mo?"

"Oo ayoko" sabi ko sabay crossed arms.

Lumuhod siya sa harap ko tapos binuhat ako ng pangbridal then yung mga dala namin hawak niya pa rin

"Yael ibaba mo nga ako" sabi ko "no. Just imagine papunta na tayo sa honeymoon natin" sabi niya kaya bigla akong namula

"H-honeymoon ka diyan. Ibaba mo nga ako"

"Let's go wifey" ngumisi siya tapos naglakad na

Oo nga mukha nga kaming magcouple na papunta na sa honeymoon langya kasi tong lalaking to eh.

Hindi na ako nagsalita then papunta na kami sa front desk para magcheck in ng ibang kwarto habang buhat pa rin ako.

"Miss do you have available room for us?" Tanong niya tapos napansin ko na parang natulala yung babae dahil sa gwapo yung kasama ko

"I-isa lang po available na room sir" sagot niya kaya natawa si Yael

"That's what Im asking nga kasi we're going to check in to one available room lang" sabi niya

Binigyan si Yael ng key kaya umalis na kami. Nakita ko na kukunin pa sana ng babae yung number niya pero tinaas ko yung kamao ko tapos pinandilatan siya ng mata kaya umatras.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon