61

20 8 0
                                    

Yael's POV

Nakarating na kami sa tapat ng bahay kaya bumaba na kami tapos nakita ko na nandoon si mom sa may pinto patakbo sa gate "Yael!" Bungad niya nung pagkabukas ng gate tapos niyakap ako.

Hinalikan ako ni mom tapos napatingin siya kay Sabrina "who is she Yael?" Tanong niya sakin.

"My---"

"Im Sabrina po, Wave's girlfriend po" sagot agad ni Sabrina kaya nilingon ko siya. Ngumiti si mom "good thing na sumama ka kay Yael. Hali kayo pasok na sa loob" sabi niya then pumasok kami "nagluto ako ng maraming pagkain dahil namimiss talaga namin kayo ni Kyle at syempre reunion na rin natin diba" sabi ni mama then binuksan yung pinto tapos pumasok kami.

Nakita namin na nasa sala si Kyle tapos si Berry tumutulong sa pagprepare ng mga plato. Lumapit kami sa may sofa tapos umupo kami ni Sabrina.

"Kyle andito na si Yael with his girlfriend" sabi ni mom then tiningnan kami ni Kyle "I already know her tita" sabi niya tapos nginitian si Sab pero pagdating sakin naging seryoso na siya.

"Stella tawagin mo na sila at kakain na tayo" sigaw ni lola sa kusina

"Oh tara na sa kusina para matikman naman ng mga bisita natin yung mga luto ko" sabi ni mom tapos sumunod kami.

Marami ngang niluto si mom at nakahanda yon sa malaking round table kaya umupo kami.

Ganito ang set up namin

Si Lola | Mom | Kyle | Berry | Ako | Sabrina

Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya kasi katabi ko lang siya.

Nagpray muna si mom then after nun nagsipag sandok na kami ng pagkain. "Mabuti naman at hindi kayo busy ngayon" nagsalita si mom

"We're always free tita" sabi ni Kyle habang nilalagyan yung plato ni Berry ng kanin. Uminom muna si Berry ng tubig.

"Wave paabot nga nung adobo" sabi ni Sab kaya kinuha ko yon na nasa tapat lang ng plato ni Berry then nagkatinginan kami kaso umiwas kaagad siya ng tingin kaya inabot ko na yon kay Sabrina.

"Sabrina since kailan pa kayo ni Yael?" Biglang tanong ni Mom na biglang kinasamid ni Berry. Napalingon kami sa kanya tapos napansin ko na nabasa yung damit niya. Kukuha na sana ako ng napkin kaso epal na Kyle to dahil kinuha kaagad yung box ng napkin tapos kumuha siya para ipunas kay Berry.

"S-sorry po" sabi niya

Sinamaan ko ng tingin si Kyle "okay ka lang?" Tanong niya tapos nagnod si Berry then napatingin siya sakin.

"Excuse me po. Pupunta muna ako sa c.r" sabi ni Berry tapos tumayo para pumunta sa c.r

Nagkatinginan kami ni Kyle tapos sinamaan niya ako ng tingin kaya kinuyom ko ang kamao ko sa sa ilalim ng lamesa. Alam niyo yung parang kuryente sa pagitan namin ni Kyle na anytime pwede ko siyang suntukin.

"Yael" nilingon ko si mom kaya nanlambot yung kamao ko.

Nahalata ata kami ni mom dahil iba yung tingin niya saming dalawa. Dumating si Berry at umupo ulit sa gitna namin ni Kyle.

"Sorry po ulit" sabi niya pero nginitian lang siya nila mom.

"Sige na kumain na kayo" sabi ni Lola kaya kumain na kami pero tae talaga napapatingin pa rin ako kay Berry.

"So hija mabalik tayo sa tanong ko kanina. Since kailan pa kayo ni Yael?" Tanong ni Mom

"Mom stop it" pigil ko sa kanya

"Why Yael? Girlfriend mo naman siya diba Sabrina?" Sabi niya tapos nanahimik kami.

"Oo nga bakit ba ayaw mong pag usapan yan Yael since andito na rin naman sila tita" parang nang iinsulto si Kyle sa sinabi niya

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon