42

22 7 0
                                    

Alexa's POV

"Ate paload nga" sabi ko dito sa tapat ng tindahan.

"Ate paload po" sabi ko shuta parang walang naririnig ah jojombagin ko dede nito

"Ate paload!" Sigaw ko at humarap na siya

"Anong load mo?" Tanong niya sabay pacute sakin. Sorry siya kahit lalake ako tingnan di ko siya kayang patulan.

"Reglur thury (regular 30)" maarteng sabi ko. Langya ka eh

"Ha?"

"I said Reglur thury" sabi ko sabay irap. Napansin niya ata na beki ako and wala akong pake

"Ano nga ulit?" Sabi niya sabay kutkot ng tenga

"Ay shuta bingi ka gh0rl? Regularrr tarti buset!" Sigaw ko at padabog na nilagay yung pambayad sa harap niya

Niloadan niya naman ako then bago ako umalis inirapan ko muna siya ng bonggang bongga. Kainis bingi bingihan di naman siya nakaheadset.

Ayoko sana magpaload kasi nakawifi naman kaso damuhong Addie hindi manlang sagutin yung tawag ko sa messenger kaya napilitan ako na magpaload.

Pupunta kasi ako sa kanila sana ngayon para ibalik yung kotse niya kahapon. Langya yan eh kapag ganyan na iniiwan yung kotse niya sakin papakuha ang galing!

Pero napag isip isip ko na siya nalang kumuha kasi mag aalaga ako kay Zane bb ko hihihi.

Tinawagan ko si Addie then sumagot naman "oh sis~" bungad niya "hoy babae kunin mo na yung sasakyan mo. Kagabe kasi binibigay ko na yung susi sayo pero ayaw mo pa" sabi ko

"Di naman kasi ako umuwi sis. Andito ako kila Yousten natulog kagabe" sabi niya at napangisi ako "so anong feeling sis?" Malanding tanong ko. Langya ka Addie agad agad naman yan ah jusko hihihi

"Feeling ng ano?" Tanong niya

"Humiyaw ka ba kagabe? Soundproof ba yung wall ni Yousten? Gumamit ba ng protection?" Sunod sunod na tanong ko.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Hay nako Addie ayan tayo sa deny eh. Sige maang maangan pa sa first night na ehem ehem!" Sabi ko

"......" biglang siyang nanahimik

"Hoy Addie don't tell me na nangyare na nga jusko ninang na ako ah" sabi sabay malanding nagtakip ng bibig

"......" aba punyeta hindi na nagsalita.

"Hoy Ad----" pinatayan niya ako ng tawag. Bwiset na yon parang kahapon lang na sinabi kong mas malaki, mas masarap shutaaaa!

"Hoooooonnnnn!" Sigaw ni Tommy kaya pumasok na ako sa bahay then nagpunta sa tapat ng pinto ng c.r

"Ano yon?!" Sigaw ko rin

"Ikuha mo nga ako ng boxer sa drawer. Nahulog yung kinuha ko eh" sabi niya then nagpunta ako sa kwarto. Nakita ko na gising na si Zane pero gumagapang lang sa kama kaya nilapitan ko.

"Owemjiii gising na ang baby naminnnn~" sabi ko then kinurot yung pisngi niya "good morningggg~" sabi ko then humalik sa leeg niya.

"Ambango bango talaga ng baby ni mommy"

"HOOONNNEEE!!" Narinig ko na namang sumigaw si Tommy kaya kumuha na ako ng boxer sa drawer then bumaba muna sa sala.

Pumunta ako sa tapat ng c.r "ito na bwiset ka!" Sigaw ko tapos sinipa yung pinto tapos sumilip siya "galit ka ba hon?" Tanong niya

"Oo!" Sabi ko sabay irap pero ngumisi lang siya

"Tara dito" sabi niya at hinila ako sa loob ng c.r

"Tommy!" Suway ko "matagal na nating hindi nagagawa yung chuchu natin" sabi niya then napangiti ako tapos pinalo siya "ene be~"

Nako medyo matagal tagal to and feeling ko makakailang rounds kami hihihi

Addie's POV

"Sino yung tumawag?" Sabi ni Yousten na bagong gising lang. Dito kasi ako natulog kagabe pero woy take note yung sinasabi ni Alexa hindi namin ginawa yon. Tsaka na kapag kinasal na hahahhaa

Nakatalikod ako sa kanya habang nakahiga tapos siya naman nakayakap sa waist ko then yung baba niya nakapatong sa balikat ko.

Ampogi pogi ng baby ko talaga kahit tulog. Pinagmamasdan ko yung mukha niya nang may mapansin ako na bigote sa baba niya pero di naman ganun kahaba noh hahahha.

"Yousten tinatamad ka na naman ba mag ahit?" Tanong ko then tumango siya habang nakapikit.

"Mag ahit ka doon mamaya ah" sabi ko then nagnod na naman siya.

"Bangon na tayo" sinubukan kong bumangon pero niyakap niya lang ako lalo para mapahiga ulit.

"5 mins by" sabi niya pero pinalo ko yung kamay niya

"Gumising ka na nga diyan anong oras na Yousten!" Sita ko kaso tulog pa rin siya.

"Gigising ka o---" di ko natuloy dahil bumangon siya kaagad "gising na ako baby" sabi niya tapos natawa ako.

Ang sasabihin ko sana is gigising ka o pipingutin kita.

"Bat ka bumangon agad?" Natatawang tanong ko "baka sabihin mo gigising ka o iiwanan kita" sabi niya na mas lalo akong natawa.

"Baliw ka talaga Yousten!" Sabi ko

"Don't call me Yousten" sabi niya then lumapit sakin "ayoko nga. Yun naman talaga name mo eh" sabi ko

"Baby tawag mo sakin diba?" Tanong niya tapos nakapout pa

"Yousten nalang para mas maganda" sabi ko

"Isa Addie!"

"Youstennnn~"

"Baby yon"

"It's Yousten!"

"Isa pang tawag ng Yousten at gagawa talaga tayo ng baby ngayon" sabi niya.  Biglang uminit yung pisngi ko kaya lumingon ako sa kabilang side.

Puta naalala ko na naman yung sinabi ni Alexa sakin sa tawag kaninaaaaaa!

"Oh bat natahimik ka?" Tanong niya tapos pinaharap ako sa kanya pero pinalo ko yung kamay niya.

"Kasi ampanget mo!" Sabi ko sabay irap

"Yun ba talaga o yung sa baby?" Nakangising tanong niya at mas lalo akong namula sa sinabi niya.

Napahawak ako sa pisngi ko buset!!!

"You're blushing Addie" sabi niya kaya tinakpan ko yung mukha ko

"H-hindi k-kaya" sabi ko habang nauutal pa

"Hahahahaha don't worry expert ako dyan. Dati nung highschool tayo, mahilig ako manood ng por----" tinakpan ko yung bibig niya

"Subukan mong ituloy Yousten at babaon to sa lalamunan mo" sabi ko sabay taas ng kamao

Tinanggal niya yung kamay ko tapos niyakap ako "hahaha oo na pero totoo ex---" kinurot ko yung tagiliran niya ng malakas kaya napaaray siya.

Tumayo ako then tumalikod sa kanya "kumain na nga lang tayo"

Lumabas na ako ng kwarto tapos sumunod siya. Nagpunta kami ng salas tapos nakita namin si Tito "good morning po tito" bati ko sa kanya

"Good morning din Addie" sabi niya sabay ngiti tapos humigop ng kape.

Naghilamos kami ni Yousten sa c.r tapos sabay kaming nagtoothbrush.

Napatingin ako sa salamin dahil ginagaya ako ni Yousten "gaya gaya" sabi ko sabay irap

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon