Kyle's revelation part 2
Lumipas ang mga oras natapos na ang ginagawa nila kay Berry. Ngayon nakahiga nalang si Berry sa lap ni Yael tapos yung kapatid naman niya dumudugo yung tagiliran.
"Aahhhh!" Sigaw ng kapatid niya habang nakahawak sa tagiliran.
Pinipilit ni Yael na makawala kaso hindi kinaya "Yael.." tawag sa kanya ni Berry at garalgal na yung boses niya.
"Berry patawarin mo ako kung hindi ako nakinig sayo. Patawarin mo ko sa mga ginawa ko. Masyado kong pinairal ang deal natin kaya hindi kita nagawang pakinggan"
"Hindi ba sinabi ko sayo na mag iingat ka?"
Nagseselos ako sa nakikita ko. Tangina Yael napakagaling mo!
"Berry hindi ko kayang makita ka na saktan nila kaya sumama ako sa kanila pero hindi ko alam na lolokohin nila ako. Sorry Berry.. sorry dahil sakin kaya nangyare ito sayo"
"Yael pagod na ako.." mapifeel mo sa boses ni Berry na nanghihina na siya at hindi niya na kaya.
"Please Berry wag ka munang sumuko. Malapit na sila Berry kaya maghintay pa tayo"
Kapag nailabas ko si Berry dito Yael sinisigurado kong hindi na pinsan ang turing ko sayo.
Halos mamatay si Berry dahil sa kagaguhan mo! Pati ba naman babaeng gusto ko, gusto mo rin!
"hindi ko na kaya Yael. Nahihilo na ako at masakit na ang katawan ko"
"Berry pwede ba wag muna! Gusto pa kitang makasama alam mo ba yon?"
Gustong makasama? Ano ka sinuswerte Yael? Ang galing mo naman!
"Y-yael nakakapagod na.. ayoko na ng ganito.."
May tinanggal siyang bracelet "kung sakaling makalabas ka dito, ibigay mo ito kay Lucian. Pakisabi sa kanya mag iingat siya palagi"
Tangina may Lucian pa at sino pang poncio pilato yan?
"Berry ano ba? Makinig ka naman sakin!"
Maya maya nagsidatingan na sila. "Ilayo niyo na sila tapos asikasuhin niyo na yung bomba" sabi ni Joy
"Hindi! Ayokong sumama sa inyo! Bitawan niyo ko!" Pagpupumilit ni Yael.
Binuhat din nila yung kapatid ni Berry "Bilisan niyo para makaalis na tayo dito!!"
"BERRY!!"
"BERRY BABALIK AKO!! HIHINGI AKO NG TULONG PARA SAYO!!"
Sigaw ni Yael habang papalayo kay Berry. Iniwan nila si Berry na walang malay at inactivate yung bomba na nilapit pa ng lalake sa ulo niya.
Nung makalabas sila tsaka kami lumabas sa pinagtataguan namin at sinuntok ko yung lalakeng naiwan dito.
"Wala kang karapatan para gawin yan!" Sabi ko at nahablot ko yung batuta na ginamit kanina tsaka hinampas sa ulo niya.
"Kyle itakas mo na siya bilisan mo!" Sabi ni Grace kaya binuhat ko na si Berry na parang sako ng bigas.
"Tara na!" Sabi ko at tumakbo na palabas.
"Hindi kayo pwedeng umalis!" Sabi ng lalake at nahawakan si Grace sa buhok.
"Grace!!" Tawag ko sa kanya
"Ok lang ako. Itakas mo na siya Kyle. Hindi niya deserve mamatay" sabi niya at umiiyak.
Napansin ko na tumutulo yung dugo ni Berry sa katawan ko hanggang sapatos niya kaya tinanggal ko yon at binato sa lalakeng nakahawak kay Grace kaya nabitawan niya. Napahiga yung lalake at tatakbo na sana palapit sakin kaso hinawakan siya sa paa.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
عاطفيةThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...