Sabrina's POV
"Wave ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya
"Wala" sabi niya habang nakatingin lang sa lamesa
"Wala? Imposibleng wala! Simula nang makita mo yung Matilda na yon iba na kinikilos mo!"
"Pwede ba Sabrina? Kahit ngayon lang sana tumahimik ka na? Kahapon ka pa talak ng talak diyan eh" sabi niya at sinamaan ako ng tingin.
Alam niyo mabait naman ako sa mabait eh but when it comes na si Wave na ang pinag uusapan? Madamot ako!
Nag iiba ugali ko kapag nasa ibang tao ang atensyon niya. Mabait naman ako sa kanya nung una eh not until siguro nung nangyare sa park? Simula nun nag iba na siya sakin. Hindi niya na ako masyadong kinakausap kahit anong lapit ko tapos nung valentines nag effort ako gumawa ng surprise para sa kanya pero anong ginawa niya? Pinuntahan niya yung Berry na yon.
Wala naman akong galit kay Berry pero alam mo yon? Patay na siya pero palagi sa kanya yung atensyon ni Wave!
At ito pa nakakainis ah 1 week nalang hinihingi ko sa kanya pero hindi manlang siya tumupad na ituring akong girlfriend niya! So syempre para ipakita sa kanya na may care ako para sa kanya, pinalitan ko muna si Lily kahit pinag uusapan ako ng mga ibang staff na kesyo artista ako pero pagdating kay Wave babagsak sa pagiging alalay lang tangina diba?
Naiinis ako sa ugali niya na parang invisible nalang ako sa paningin niya. Gaya kahapon todo punas ako sa kanya pero san siya nakatiningin? Doon sa Matilda na yon kaya lumalabas pagiging inggrata ko dahil sa babaeng yon eh. Gusto ko na minsan sampalin para makaramdam naman minsan.
"Tumahimik? Kailan mo ba ako kinausap? Kailan mo ba ako pinansin? Wave patapos na yung 1 week relationship natin pero shit puro ka kay Matilda nakatingin! Napag isip isip mo ba yung ginagawa ko sayo?"
"Sabrina ikaw ang may gusto na palitan si Lily and never kitang inutusan gawin yon!"
"Dahil doon ko nalang pwede ipakita sayo na mahal kita Wave! Uulitin ko mahal kita!!" Sigaw ko at nangingilid yung luha ko.
Napatingin siya sakin kaya tumalikod ako "ano bang meron sa Matilda na yon? She even doesn't know you pero alam mo yon? Todo habol ka sa babaeng hindi ka naman kilala" sabi ko habang pinupunasan yung mga luha ko.
Ineexpect ko na yayakapin manlang sana niya ako pero tangina ano pa ba aasahan ko? Andito na eh. Wala talaga siyang pake alam sakin ni kapiranggot!
"Alam ko siya si Berry, Sabrina. The way she talk, her actions and her face hinding hindi ko makakalimutan. Sinabi ko na sayo Sabrina na hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sakin dahil kung papipiliin man ako, alam mo naman na siguro ang sagot"
Napatakip ako ng bibig sa mga sinasabi sakin ni Wave
"Kahit ibang tao pa gumawa nyan sakin, ganun pa rin ang gagawin ko at hindi magbabago yon Sabrina. Mabait ka at maalaga kaya ayokong saktan ka. Mas gugustuhin ko nalang na iwanan mo ko mag isa kesa ipilit sakin ang sarili mo"
"Wave tama na!"
"I can't love you back Sabrina"
"TAMA NAAAA!!!" sigaw ko at tinakpan ang mga tenga ko.
Lumapit sakin si Wave at niyakap ako "Even if you play some dirty tricks, my answer will be the same kaya sana itigil mo na to. Mas lalo kang nasasaktan eh" hinagod niya yung likod ko.
"Wave mabait naman ako ah pero bakit parang karma pa sakin na hindi ikaw ang makatuluyan ko" tanong ko sa kanya.
"Hindi yan karma Sabrina. Sadyang hindi lang talaga tayo para sa isa't isa"
"At sinong babagay sayo? Si Matilda? Wave naman ibang tao si Matilda kay Berry! Sabi mo maldita at palaban siya pero bakit isang galaw ko sa kanya tumakbo kaagad siya sa boyfriend niya? Nakikita mo ba yung difference Wave? Hindi siya si Berry! Si Berry ay patay na Wave! Patay na siya!!!" Sigaw ko at tinulak siya.
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan Sabrina pero hindi magbabago ang tingin ko kay Matilda! Nagka amnesia lang siya kaya ganun siya!"
"Wave naman! Bakit ba gusto mong ipilit na si Berry yon? Kailan ba nabuhay ang matagal ng patay Wave? Kailan ba?" Pinagsusuntok ko siya sa dibdib pero hinayaan niya lang ako.
"You know I love Berry so much. I'm willing to take a risk kahit na mahirap gagawin ko para maalala niya ako. Ipapaalala ko sa kanya na ako si Yael na nagmamahal sa kanya"
"Sabrina mahal ko si Berry. Siya ang mahal ko hindi ikaw" nasampal ko siya ng malakas sa sinabi niya.
"Ang kapal ng mukha mo Wave!"
"Pinaramdam ko sayo na kahit ganyan ka, may magmamahal sayo at ako yon Wave. Nung mga panahong down na down ka nasa tabi mo lang ako para icomfort ka. I treated you as my boyfriend dahil kahit hindi pa nagiging tayo, mahal na kita. Nasaan ang Matilda na yon nung lugmok na lugmok ka sa sementeryo? Nasaan siya nung palagi kang umiiyak? Nasaan siya nung walang nagpapasaya? Wala Wave! Wala siya sa tabi mo at ako? Ako lang ang umiintindi sayo. Ginawa ko lahat para pasayahin ka pero anong ginagawa mo sakin? Sinasaktan mo ko Wave! Sa 1 week na hinihingi ko ni minsan wala kang ginawa para iparamdam sakin na girlfriend mo ko! Wala kang puso!" Sumbat ko sa kanya at tumakbo palayo.
Ayoko siyang makita! Sinasampal niya ako ng katotohanang hindi ko kayang pantayan si Berry.
Mahal ko si Wave and handa naman ako na palayain siya pero nagbago ang isip ko nung maalala ko na wala na ngang iintindi sa kanya, iiwanan ko pa.
Selfish ako pagdating sa pagmamahal at kung kinakailangang maging kontrabida ako gagawin ko. Hindi ako papayag na basta basta nalang saktan nila Matilda si Wave.
Inaalagaan ko siya tapos sila sasaktan nila?
Nung una okay pa ako kasi alam kong walang makakaagaw sa akin kay Wave eh pero nung makita ko na ibang iba ang tingin ni Wave sa kanya halos malupasay ako sa inis kay Matilda.
Just you wait Matilda. Hindi ko hahayaang saktan mo si Wave. Masaktan na ako pero wag lang siya.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomantizmThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...