Berry's POV
"Pupuntahan ko si Lyka" sabi ko kay Kyle habang nakaupo ako sa wheelchair
"Berry"
"Kyle please?" Wala siyang nagawa kaya hinatid niya ako sa room kung saan nakaconfined si Lyka. May mga pulis na nakabantay sa harap ng kwarto niya then nagpaalam kami na kakausapin ko siya kaya pinapasok ako.
Pumasok kami doon tapos nakita ko siya na nakahiga then napatingin siya sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin then napatingin ako kay Kyle "lalabas muna ako. Mag usap muna kayo" sabi niya tapos sinara yung pinto.
"Galit ka pa rin sakin? Ako na ang binaril pero ikaw pa galit?" Sabi ko
"Alam mo Lyka marami pang ibang pwedeng gawin kesa pumatay ng tao. Kung napatay mo ba ako magiging masaya ka? Hindi ka ba makokonsensya at kakayanin mong lumabas habang hinahanap ng mga pulis? Alam mo hindi mamamatay sana si Sammy noon dahil gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam na depressed pala siya sa pagkamatay ko na hindi pala ako. Just to think of it ha, gusto ko siyang kausapin pero pinangunahan siya ng takot kaya tumalon siya sa building. Gusto kong itanong kung masaya ba siya sa ginawa nila? Masaya bang may pinapahirapan sila na tao? Masaya ba kapag yung enemy mo namatay dahil sa kagagawan mo? Kaya Lyka alam kong galit ka sakin at ganun din ako pero kahit na marami kang ginawang mali sakin, pinapatawad kita. Hindi ako ganun kademonyo gaya ng amo mo kaya sana isaksak mo yan sa kokote mo. Kung demonyo lang ako baka ikaw pa nilibing ko doon" dagdag ko pero hindi siya nagsalita. May tumulong luha sa mga mata niya
"Patawarin mo ko kung nabaril ko man si Stacey. Patawarin mo ko kung pati love story ng amo mo, napasok ko. Patawarin mo ko dahil yung lalakeng gusto niya ay minahal ko. Patawarin mo ko sa mga naging kasalanan ko man sa inyo" nangilid yung luha ko at bumagsak sa mga pisngi ko kaya pinunasan ko.
"Sana hindi na maulit to Lyka. Pakisabi kay Stacey pasensya na kung pati siya nadamay" sabi ko at tumalikod na para itulak yung gulong ng wheel chair ko pero nagsalita siya
"Berry patawarin mo ko" sabi niya kaya napatingin ako.
"Patawarin mo ko sa mga kasalanan ko. Patawarin mo ko Berry" sabi niya habang umiiyak kaya nilapitan ko siya tapos niyakap.
Humahagulgol siya sakin tapos ako hinihimas ko yung likod niya "kalimutan mo na yon. Ang mahalaga okay na tayo" sabi ko sa kanya pero patuloy lang siya sa pag iyak.
"Sana mapatawad mo kami" dagdag niya tapos biglang may pumasok kaya kumalas na kami sa pagkakayakap.
Dumating si Stacey na nakawheel chair din "Stacey" tawag ko sa kanya pero tumayo siya sa wheelchair niya tapos lumuhod sa harap ko.
"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Lyka sa inyo. Please hayaan mo kong ayusin lahat ng gulo na ginawa niya sa inyo. Nung una ayokong sumama sa plano niya pero naaawa ako dahil ayoko na sa huli, iiwanan niya ako. Ayokong maghiwalay kami dahil ako nalang ang meron siya Berry. Wala na siyang mga kaibigan na lumalapit sa kanya kaya please Berry patawarin mo kami. Promise ilalayo ko si Lyka sayo at hindi na siya makakagawa pa ng gulo sa inyo" sabi niya habang umiiyak.
"Mahal ko ang pinsan ko Berry kaya please wag mo siyang ilayo sakin" humawak siya sa paa ko kaya hinawakan ko yung kamay niya "don't worry Stacey hindi ko siya ilalayo sayo at pawarin mo rin ako" sabi ko tapos ngumiti siya sakin.
Niyakap nila ako tapos yumakap din ako sa kanila.
Tapos na ang gulo pero kami kaya ni Yael?
"Alam ko gusto mo na siyang makita. Berry gusto ko sanang paggising ni Wave, sabihin mo sa kanya na pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa kanya. Handa kong pagbayaran lahat Berry at pangako di ko na kayo guguluhin ni Wave" sabi ni Lyka kaya ngumiti ako
"Gusto ko na siyang makita" sabi ko tapos pumasok si Kyle "pupuntahan ko muna siya" pagpapaalam ko sa kanila tapos tinulak na ni Kyle yung wheelchair ko tapos hinanap namin yung kwarto ni Yael.
Pumasok kami doon at nakita ko na may nagbabantay sa kanya doon. Kung hindi ako nagkakamali, si Sabrina yon.
Napalingon siya sa amin tapos tumayo. Lumapit siya sakin then tinitigan ako.
*PAAAAKKK!!*
Isang malakas na sampal ang inabot ko kay Sabrina at alam ko naman ang dahilan kung bakit niya ginawa yon.
"Sabrinaaa!!" Sigaw ni Kyle
"Shut up!!! You are all bunch of idiots!" Sigaw niya obviously galit na galit yung tono ng boses niya.
"Kung hindi dahil sayo, hindi mangyayare sa kanya yan! Kung hindi dahil sayo edi sana wala siya dito! Kung hindi ka dumating sa buhay naming dalawa edi sana masaya kami hindi sana siya umabot sa ganito Berry!! Masaya na kami pero anong ginawa mo? Nanggulo ka na nga, nandamay ka pa ng tao! Hindi mo alam kung gaano ko kamahal si Wave, Berry. Ano bang gusto mong gawin ko ha? Sabihin mo at ibibigay ko kaagad sayo. Gusto mo ba ng pera? Magkano ba para tigilan mo na kami. Alam mo okay na sana na dumating ka lang pero anak ng kambing naman bakit kinailangan niya pang umabot sa gintong sitwasyon Berry? Bakit?! Sagutin mo ko!!" Sabi niya tapos hinawakan yung damit ko.
Inaalog alog niya ako habang nakatingin ako sa kanya. Tama siya.
Kung hindi ako dumating edi sana okay pa sana si Yael, kung sana noon palang hindi na ako nagpakita sa kanya edi sana masaya na sila. Kasalanan ko to eh. Napaluha na naman ako "anong iniiyak iyak mo diyan? Hindi ba dapat masaya ka na kasi nakagulo ka na ng tao, nailagay mo pa sa mahirap na sitwasyon! Hindi ka dapat umiiyak diyan!" Sinubukan niya ako ulit saktan pero pinigilan ni Kyle
"Sabrina tama na! Hindi niya ginusto yung nangyare! Sa ginagawa mo hindi gagaling si Yael eh. Puro ka na nga talak, wala ka pang maitulong!" Sigaw din sa kanya ni Kyle
Galit na galit na din si Kyle sa kanya pero hinawakan ko siya para hindi na siya magsalita.
Humarap sakin si Sabrina "Berry pwede bang layuan mo na kami? Hayaan mo na kami ni Wave please lang oh. Ayoko na mangyare ito sa kanya ulit kaya pwede ba? Umalis ka na at layuan mo na kami parang awa mo na Berry" pakiusap niya sakin.
Napapikit ako sa mga sinabi niya.
Tangina ayokong iwanan si Yael pero kapag hindi ko yon ginawa, puro gulo lang ang maidudulot ko sa kanya. Mahal na mahal ko rin siya pero ayokong iwan siya kay Sabrina.
"Layuan mo na siya Berry nakikiusap na ako sayo layuan mo na siya. Tama na yung ganito dahil baka hindi ko na kayanin na mawala pa siya sakin nang tuluyan. Nagmamakaawa ako sayo Berry"
Minulat ko ang mga mata
Deserved ni Yael si Sabrina at oras na para layuan ko siya. Masakit man sa puso ko pero kailangan eh. Wala namang kami ni Yael kaya dapat layuan ko na talaga sila ni Sabrina.
Hinawakan ko siya sa balikat "alagaan mo siyang mabuti Sabrina. Ayokong lumayo pero para sa kaligtasan niya gagawin ko dahil hindi ko siya deserved. Mas deserve niya ang mga taong kagaya mo kaya please wag mo siyang hahayaan na mawala sayo" sabi ko habanag tumutulo yung mga luha ko.
Tumango siya "Berry magpakalayo kayo ni Kyle at wag na kayong magpapakita sa amin ni Wave" dahan dahan akong tumango tapos napalingon kay Yael na mahimbing na natutulog.
"Pwede ko ba siyang lapitan?" Tumango siya kaya tumayo ako kahit may sugat pa ako tapos niyakap ko siya.
"Yael!!!" Sigaw ko. Ang tagal kong hinintay ang panahon na finally abot ko na siya bilang Berry at hindi na bilang Matilda.
"Yael please wag kang bibitaw ah dahil kahit ayokong lumayo sayo, gagawin ko para hindi ka na madamay sa mga gulo na pinapasok ko. Sana maging masaya ka kay Sarina at sana mahalin mo talaga siya. Hindi mo ko naging girlfriend pero alam mo ba na sa loob ko higit pa sa pagiging boyfriend ang turing ko sayo. Ayokong umalis sa tabi mo Yael naririnig mo ba ako?" Hinawakan ako ni Kyle tapos hinimas yung likod ko.
Gusto ko na magwala. Tangina Yael labanan mo yan at wag kang susuko kahit hindi na kita makasama pero sana gumaling ka na diyan.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
DragosteThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...