76

28 7 0
                                    


Addie's POV

Andito ako sa harap ng salamin. Kinakabahan ako gurls kasi taena first time ko na ikakasal. Dati pinapanood ko lang yon pero ngayon as ako na yung panonoorin nila.

"Anak" tawag sakin ni mama tapos lumapit sila sakin "ma.." malungkot yung boses ni mama nung tinawag niya ako

Umupo sila sa tabi ko "congratulations anak kasi ikakasal ka na sa lalakeng nagmamahal sayo" sabi ni papa tapos ngumiti sakin.

"Pa bat ganyan kayo? Ikakasal lang naman ako eh pero di ko naman kayo iiwanan" sabi ko tapos napapaluha na ako

"Oh wag ka umiyak anak kasi yung make up mo oh mabubura" kumuha si mama ng tissue tapos padampi dampi niyang pinunas sakin

"Hindi namin aakalain na mauunahan mo pa ang ate mo na ikakasal Addie. Napakatatag ni Yousten para sayo at nakikita namin lahat nang yon anak kaya hindi ka talaga magsisisi na siya ang pakakasalan mo"

Oo tamaa si mama napakatatag ni Yousten to the point na halos kahit itaboy ko siya, andiyan pa rin siya para alagaan ako.

"Ang wish lang namin sana sa inyo ni Yousten, sana magkaroon kayo ng masaya at malusog na pamilya. Sana hindi ka niya pabayaan Addie" umiyak na si mama sa harap ko.

Siguro kung yung totoong mama ko ang nandito baka hindi ko na kakayanin umattend dahil ayoko siyang iwan kaso nasa heaven na si mama eh.

Mama nakikita mo ba ako ngayon? Ikakasal na ako mama oh diba yun yung dream mo sakin noon? Gusto mong makita ko yung lalakeng magmamahal sakin ng totoo. Ito na yon ma andito na kami sa araw na ikakasal na kaming dalawa sa harap ng altar.

"Ma Pa salamat ah kasi kahit ampon niyo lang ako, minahal niyo ko bilang tunay na anak. Ni minsan hindi niyo pinaramdam sakin na naiiba ako kay ate" sabi ko sa kanila.

"Blessing ka samin anak kaya pinapahalagahan ka namin ng papa mo. Hindi ko na rin kasi kayang magkaanak kahit anong gawin namin kaya tingnan mo nag iisa lang yung ate mo"

May dumating na lalake "maam tara na po" sabi niya kaya nagpunas na kami ng mukha tapos tumayo na ako. Inalalayan ako ni mama sa gown ko.

Lumabas na kami ng kwarto tapos pumunta sa may sasakyan. "Addie mauuna na kami doon ah" sabi ni papa kaya tumango ako.

"Hoy umusog ka doon tabi tayo" sumulpot si Alexa na nakatuxedo 

"Aba ang pogi mo dyan sis ah" sabi ko then umusog tapos pumasok siya sa loob sumakay na rin. Sinara niya na yung door. Umandar na yung sasakyan.

"Oh my gosh sis ang ganda ganda mo today pwede bang magpalit tayo ng outfit" sabi niya sakin kaya natawa ako

"Sis naman para namang di ka nagsuot ng gown nung kasal niyo"

"Hindi nga naman" kumuha siya ng pamaypay tapos pinaypayan ako.

"Paano ba yan sis hindi ka na Addie the virgin" napahagalpak ako sa sinabi niya. Pinapanood kasi niya yung Jane the Virgin kagabe eh as in natatawa ako sa reaction niya doon.

"Tapos mo na ba yon?" Tanong ko?

"Hindi pa nga eh kasi sabi ni Tommy, wrong turn nalang daw panoorin namin. Hindi ko pa man din napapanood yon pero may nakita ako na may nagsusubuan doon sis bet ko yon hihi" natatawa talaga ako sa sis kong to. Pagdating talaga sa kamanyakan? Di malayong pwede silang maging partner ni Yousten hahaha.

"Parehas na parehas ka ni Yousten. Malibog ka rin talaga sis" sabi ko habang natatawa

"Hoy sis kapag boy yang magiging baby niyo ni Yousten gagawin ko talagang binabae yan nako" hinampas ko siya

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon