Berry's POV
May kamay na humila sakin at pinaharap ako sa kanya "Berry please talk to me" sabi niya.
"Y-Yael tapos na yung oras natin kahapon so dapat hindi na tayo nag uusap ngayon" sabi ko
"I told you aayusin ko to Berry please wag mo naman ako takbuhan"
Hindi ako makatingin sa kanya kasi feeling ko maiiyak ako. Kailangan ko na siyang layuan dahil ayoko na mag away pa kami ni Kyle.
Nag away kami kasi hinahanap niya ako hanggang madaling araw. Yun yung first time ko na nasigawan ko si Kyle kanina dahil pinipilit niya ako tanungin kung saan ako nagpunta. Naaawa nga ako sa kanya kasi nung nasigawan ko siya hindi na siya umimik sakin.
Naguilty ako sa ginawa ko kanina kaya magsosorry sana ako kaso lumabas na siya ng kwarto nun. Alam ko nag aalala sakin yung bestfriend ko and I appreciate it.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako kinikibo ni Kyle kahit na lumalapit ako sa kanya.
"Yael tama na please? Pinagbigyan na kita sa gusto mo diba?" Medyo garalgal na yung boses ko shuta!
"Hindi yon ang sinasabi ko Berry---"
"Eh ano pala? Yael tapos na yon. Tigilan mo na ako" humarap ako sa kanya na parang nagtutubig na yung mga mga.
Kailangan kong maging matigas ngayon. Hindi na dapat ako pumayag sa gusto ni Yael dahil kung ang kapalit nun ay palagi kaming mag aaway ni Kyle, kailangan ko na dumistansya.
"Pagtapos ng lahat Berry? Ano yon nanaginip lang ako na may kausap ako kagabe?!" Tumataas na yung boses niya sakin.
"Pwede ba Yael bumalik ka na sa Sabrina mo! Ito ang tatandaan mo, kahit maayos mo yan lahat, sasama pa rin ako kay Kyle! Ayokong maging masaya habang may mga tao sa paligid ko na nasasaktan!" Tinulak ko siya palayo sakin
"Wifey please wag naman ganito. Diba okay na tayo kagabe? Please bawiin mo yung sinabi mo" sabi niya tapos umiyak na siya sa harap ko.
Tangina ayokong tingnan si Yael. Mas lalo akong nagiguilty sa ginagawa ko ngayon. Bumagsak yung mga luha ko pero pinunasan ko kaagad.
"Wifey please bawiin mo yon" napaluhod na siya sa harap ko at hinawakan yung binti ko
"Wifey Im begging you please"
Tumingin ako sa ibang side"Yael ayoko na. Tigilan mo na ako please lang!" Umiling iling siya "no Wifey ayoko. Ikaw lang ang gusto ko Berry kaya please wag mo na ako iwan kasi ang hirap ng palaging may kulang sa buhay ko. Ikaw ang palagi kong hinahanap at ikaw lang ang pangarap ko na makasama habambuhay"
Mas lalo aking nadudurog sa mga naririnig ko
Tumayo ka na diyan Yael please lang kasi nahihirapan din ako.
"Yael pagod na ako. Pagod na ako na awayin ni Sabrina at pagod na rin ako na isipan ka. Tama na yung dati na hindi kita kinakausap bilang Matilda" sabi ko sa kanya tapos napayuko siya
"Hindi mo na ba ako mahal?" Diretsong tanong na kinagunaw ng mundo ko.
Mahal na mahal kita Yael sobra pa sa inaakala mo
"Hindi na Yael" sagot ko tapos tumayo siya
"Pero sabi mo mahal mo ko Berry. We even di----" sinampal ko siya para di niya matuloy yung sasabihin niya
"Hindi na kita mahal Yael! It's just part of our time kagabe pero ngayon hindi na kaya pwede ba?! Layuan mo na ako!!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
Napahawak siya pisngi niya tapos tumulo ang mga luha niya. Nanahimik siya tapos tumingin siya sakin "Berry I love you" tapos niyakap ako pero tinutulak ko siya
"Yael ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko pero hindi siya natitinag
"Please Berry I will do everything basta wag mo na ako iiwan" sabi niya at ang higpit ng pagkakayakap niya sakin.
"Ayoko na sayo!" Tinutulak ko pa rin siya hanggang sa nakita ko sa di kalayuan na palapit si Kyle samin at parang galit na galit.
Hinila niya si Yael sakin "gago ka!" Nagulat ako nang bigla niyang suntukin si Yael.
"Kyle tama na!" Pigil ko sa kanya pero pinagsusuntok niya lang si Yael "palagi nalang ikaw! Ako ang nauna kay Berry pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sakin!" Sigaw ni Kyle
Kakaibang Kyle yung kaharap ko ngayon
Pinipigilan ko siya pero tangina ayaw magpatinag. Puro dugo na yung bibig ni Yael "Kyle ano ba tama na sabi!!" Sigaw ko pa rin hanggang sa may dumating na mga tao dito tapos hinila nila si Kyle kay Yael
"Ano bang nangyayare sa inyo?!" Sigaw sa kanila ni Jiro habang si Tommy at Lucian naman hinahawakan yung dalawa. Dumating din sila Sabrina at Alexa
"Wave anong nangyare sa mukha mo?" Tanong ni Sabrina dahil dumudugo yung labi niya.
"Wag niyong hahawayaang magkalapit yang dalawa" sabi ni Ice then lumapit si Alexa kay Kyle "ano bang nangyayare sayo Kyle? Kung lasing ka na matulog ka na doon!" Sigaw ni Alexa
"Lasing si Kyle?" Tanong ni Sabrina tapos napatingin siya sakin at lumapit "it's all your fault!"
*PAAAAKKKK!!*
Sinampal ako ni Sabrina "Berry!" Tawag sakin ni Yael tapos tinulak si Sabrina.
Naluluha na naman ako dahil kay Yael. Naaawa ako sa itsura niya ngayon na kahit binugbog na siya ni Kyle, still hindi siya lumaban tapos ako pa rin ang nilalapitan niya "okay ka lang?" Tanong niya pero tinulak siya ni Kyle
"Okay lang siya!" Hinila ako ni Kyle palayo sa kanya "Jiro ilayo niyo na si Kyle kasi lasing na yan. Kaninang umaga pa yan umiinom at ikaw Sabrina wag ka basta bastang nananampal dahil wala kang alak sa nangyare!" sabi ni Alexa
"Hindi ako lasing!"
"Kyle umayos ka nga!" Sigaw ko nang mapatingin siya sakin
"Berry I'm just worried about you dahil ayaw ka niyang bitawan kanina pero bakit ganyan ka?" Sabi niya sakin
Hinila ko siya "tara na umalis na tayo dito" biglang may humila sakin
"No Berry!" Hinawakan ako ni Yael. Tiningnan ko yung mga mata niyang lumuluha
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na siyang itaboy sakin kaya dapat sa susunod na move ko dapat bibitaw na talaga siya kahit masakit, titiisin ko dahil hindi niya deserve masaktan sa taong kagaya ko. Dapat minamahal niya si Sabrina dahil siya ang nandiyan palagi para sa kanya.
Durog na durog na ang puso ko dahil sa mga oras na to parang hihinto ang mundo ko kapag tuluyan ko na siyang iiwan.
"Yael wag mo na kaming guluhin pa! Ayoko na sayo at nagsasawa na ako na makita ka palagi! Ayaw na kitang makita kaya please tantananan mo na ako!" Mas lalo siyang napaluha sa sinabi ko pero sa loob loob ko? Baliktad lahat ng sinasabi ko sa kanya.
Please Yael sana maging masaya ka kay Sabrina
Umalis na kami ni Kyle doon habang palihim ako na umiiyak. Believe me Yael hindi kita gustong saktan, sadyang hindi ko lang alam ang gagawin ko kapag tinuloy natin maging masaya habang yung mga tao sa paligid natin nasasaktan
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomanceThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...