68

20 7 0
                                    

Alli's POV

Nagising ako dahil ang tigas ng hinihigaan ko. Tae nagka stiffneck tuloy ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto

Teka? Nasa kama ako diba? Bakit--wait !

Tumingin ako sa katabi ko na ang himbing ng tulog. Shuta nakakahiya kay Jirooooo!

Hindi kasi kami nagtabi na matulog kaya doon ako sa kama tapos dito siya sa sahig pero putek bakit aaaaarrrggghhhh! Nakakahiya talagaaaaaaaa!

Bumangon ako tapos napansin ko na nakayakap pala siya sakin kaya dahan dahan ko tinanggal yung kamay niya sa waist ko.

Successful ko namang natanggal at tatayo na sana ako nang makita ko na nakaipit yung laylayan ng dress ko sa higaan niya.

Naman oh malas! Pinahiraman kasi kami ni Larraine ng night dress kagabe. Alangang choosy pa kami eh wala na kaming maisuot kung hindi yung costume.

Tinatanggal ko na yung nakaipit nang gumalaw siya tapos niyakap na naman ako pahiga. Nyetaaaaaaa!

Yael's POV

"Sabrina ano bang problema mo?"

"Siya!"

Nag aaway na naman kami dito sa kwarto dahil sa nangyare kahapon. Kailan ba matatapos to? Ayoko na eh puro nalang away.

"Sinabi----"

"Wave naaawa ka lang ba sakin?" Natameme ako sa tanong niya

"Sab---"

"Just fucking answer it Wave! Yes or no!" Sigaw niya sakin.

"It's not that Sabrina" sabi ko sabay hawak sa dalawang balikat niya. Umiiyak na naman siya sa harapan ko and magmula kagabe hindi niya ako kinakausap.

"I'll pretend na hindi nangyare yung kahapon Wave in one condition" sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Kiss me"

Nahihibang na ba siya? Tsk!

"No!" Sabi ko

"Sige ayaw mo? Aawayin ko yang si Berry ngayon" sinamaan ko siya ng tingin

"Sabrina bakit mo ba to ginagawa? Wala namang ginagawang masama sayo si Berry"

"You've kissed her, Wave for pete's sake!" Pinagsusuntok niya ako sa dibdib tapos hinayaan ko lang siya.

Mas okay na sakin yung ganito kesa kay Berry niya ibuhos yung galit niya.

"Ako naman palaging nasa tabi mo pero sa iba ka nakatingin at sobrang sakit nun sakin Wave! Sabi mo sakin I should make you fall for me but you still looking at her!" Hinawakan ko yung mga kamay niya tapos niyakap siya.

"Im sorry Sabrina. Im sorry" sabi ko tapos hinimas himas yung likod niya

Hindi ko talaga kayang magmahal ng taong di ko nagugustuhan. Iisa lang naman ang gusto ko at si Berry lang yon wala ng iba. Minsan mapapaisip ka nalang talaga kung magiging kami pa ba? Kung may chance ako? Pero paano si Sabrina? Ngayon palang nahihirapan na siya sakin.

Ice's POV

"Lumayo ka sakin baka sipain kita" sabi ng babaeng kaharap ko dito sa lamesa

"As if lalapitan kita eh halos kamukha mo lang yung yaya ko sa bahay eh" sabi ko. Look at her outfit naman kasi nakamaid outfit siya and sabi niya kanina cute daw tingnan pero nako anlayo sa word na cute yung sinasabi niya

Kung hindi lang dahil kay Addie, hindi ko papatulan yung event kahapon eh.

"Yaya? Hahahhaha ang cute ko namang yaya" sabi niya habang nagpapalaman ng bread. Kami kasi ang unang nagising. Paano ka ba naman hindi magiging eh ang lakas lakas ng hilik niya parang di babae.

"Bilisan mo na nga magpalaman yaya nagugutom na ako" sabi ko tapos binatukan niya ako

"Hindi mo ko yaya noh!"

Nagsilabas ng kwarto yung mga kasama namin. Yung iba tulog pa ata eh lalo na si Berry kasi kanina nung napadaan ako sa room nila anong oras na tulog pa.

"Icceeee"  tawag sakin ni Alexa "oh gising ka na pala" sabi ko

"Hihihi napaaga ba ako ng gising?" Malanding sabi niya sabay tingin kay Tommy

"Alam ko na yan nagpatintero kayo kagabe noh?" Tanong ko tapos di sila sumasagot

Hahahahah loko talaga tong couple na to kahit kailan.

Dumating na sila Addie at Yousten kaya sinamaan ko ng tingin "Addie dito ka sa tabi ko umupo" sabi ko then tumabi siya sakin sabay sinandal yung ulo sa balikat ko. Did you see that Yousten?

Tatabi sana si Yousten kay Addie "hep! Diyan ka na umupo" pigil ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya

"Excuse me fiance ko si Addie" sabi niya "sinabi ko bang hindi? Ngayon lang kayo maghihiwalay Yousten" sabi ko kaya umupo nalang siya.

"Tsk! Angel pa man din ang ayos mo kahapon pero demonyo ang ugali" natawa si Addie

"By tama na. Don't worry may kiss ka sakin mamaya" sabi ni Addie

"Hoy Ice wag mong inaasar yung pinsan ko at baka isaksak ko sayo tong knife" nilingon ko si Larraine

"Mag pinsan nga talaga kayo"

Dumating na yung ibang kasama namin kaya kompleto na kami dito sa lamesa.

"Oh guys magbreakfast muna kayo. Hinanda yan ni yaya para sa inyo" sabi ko

"Oh my gosh Larraine yaya ka lang pala ni Ice" sabi ni Jiro

"Hindi mo nga kami dinaan sa tigsasais na tinapay pero dinaan mo kami sa sandwich" reklamo ni Alexa

"Nadali mo!" Sabi ko sabay nag apir kami

"Breakfast palang kasi yan hindi pa yan yung yung meryenda ko para sa inyo tsk!"

"Ice asan si Lucian?" Nagsitinginan kaming lahat kay Berry except kay Larraine.

"Ehem ehem" may umubo ng peke sa tabi niya

"Ayos lang naman siya Lex actually kasama niya yung wife niya ngayon doon sa hotel" sagot ko

"Kain na tayo" sabi ni Yousten kaya kumain na kami.

"Berry ikaw ang kukunin naming chef  ah" sabi ni Addie tapos kumagat sa sandwich

"Oo na ilang beses ko na narinig yan kagabe Addie julit julit?"

Tommy's POV

Tapos na kaming kumain at hindi pa rin kami umaalis pero nakaready na yung mga gamit namin

"Guys mamayang 10 am susunduin namin kayo para sabay sabay na tayo sa resort ah" sabi ni Addie

"Ok!" Sagot naming lahat

"Hon namimiss ko na si Zane" sabi ng asawa ko na nakakandong sa lap ko.

"Alex ngayon lang naman nagbakasyon yung parents niya kaya pagbigyan mo na" sabi ko sa kanya

"Palibhasa hindi ka mahilig sa bata eh tapos lagi mo pang pinapaiyak siya kaya ayaw sayo"

"Grabe ka naman"

"Guys magsiuwi na tayo para makapagprepare na kayo mamaya" tumayo kaming lahat at kinuha na yung gamit namin.

Pumunta kami sa parking lot tapos sumakay sa kanya kanyang sasakyan.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon