36

23 7 0
                                    

Addie's POV

Kakadating ko lang dito sa hospital dahil hinatid kami ulit nila Berry. Sinuot ko na yung hospital gown then humiga.

"Addie aalis na ako ah" paalam sakin ni Hans then nagnod ako.

Nakakapagod..

Kakatapos ko lang kasi magtraining ulit eh.

5 am na

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Yousten na may dalang prutas at bulaklak tsk!

"Addie kanina ka pa gising?" Tanong niya sakin

"Eh ano naman sayo kung kanina pa ako gising?" Napalunok siya sa sinabi ko

"Add---"

"Umalis ka na" sabi ko then tumagilid

"Addie hindi mo ba ako kayang bigyan ng chance na makasama ka?"

"Hindi. Being with you is a very disgusting thing to do" sagot ko

"Addie hindi ko na muna hinihingi na makinig ka sakin pero sana naman hayaan mo ko sa tabi mo para alagaan ka"

Napabangon ako at hinarap siya "alin ba sa umalis ka na ang hindi mo maintindihan? Kailangan ko pa bang gumamit ng ibang language para matauhan ka?" Sigaw ko sa kanya

Pinilit niyang ngumiti "Addie wag ka namang ganyan" sabi niya at hinawakan ako. Pinalo ko yung kamay niya "Dont touch me!" Sigaw ko

"Tama na please? Itigil mo na yang kakapilit mo sakin kasi ayoko na Yousten. Uulitin ko, ayoko na!" Sabi ko tapos tumayo papunta sa bintana.

"Addie mahal kita" sabi niya pero kinuyom ko ang mga kamao ko

"Mahal? Sinong mahal mo? Sarili mo?" Bulyaw ko sa kanya. Napayuko siya tapos pinunasan yung mga mata niya then humarap sakin.

"Addie nung araw na---" tumalikod ako

"Ayokong makinig sayo" sabi ko

"ADDIE CAN YOU PLEASE LISTEN TO ME?!" sumbat niya na kinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nilapitan ko siya at sinampal "Yousten ayoko nga makinig sayo! Umalis ka na dito!" Sabi ko then tinutulak tulak ko siya palabas pero ayaw niya "hindi ka lalabas? Okay sige! Ikaw ang humiga diyan at ako ang lalabas" sabi ko at maglalakad na sana ako pero nagsalita siya.

"Addie inayos ko lahat. Aiko gave up on me and she said na puntahan na kita and wala na akong sinayang na oras kaya dumiretso ako----" I walked away and slam the door.

Ayokong makinig. Matigas man ang ulo ko pero ayokong makinig.

Alli's POV

"Jirooo!" Tawag ko sa kanya then napatingin siya

"Oh Lia bakit?" Tanong niya kaya lumapit ako.

"Aalis ka?"

"Oo"

"San ka pupunta?" Tanong ko habang nakangiti

"Sa girlfriend ko" sabi niya kaya napawi yung ngiti ko. Nakalimutan ko palang may girlfriend na si Jiro

"Pwedeng sumama? Gusto ko siyang makita eh" suggest ko

"Oh sure pero bibili muna ako ng flowers for her. Namimiss ko na kasi yung babaeng yon eh" sabi niya habang nakangiti.

Makikita mo sa mga mata niya na gustong gusto niya yung babaeng yon at parang ayaw niya na hiwalayan.

Hay nakakalungkot naman kasi mas madalas na siyang pupunta sa girlfriend niya while kami dito lang sa studio nag uusap minsan. Gabi na nung mapatingin ako sa orasan. Inabot kasi kami ng over time eh.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon