Kyle's Revelation part 1
Kyle's POV
After ng fanmeeting nun kinabukasan namasyal kami sa ibang lugar. Masaya naman dahil nakabalik na kami ulit dito.
Naglalakad kami sa hallway nang biglang may bumangga sakin at parang sinasadya pa. Babaeng nakajacket ng malaki tapos yung hood natatakpan na yung mukha. Paano ko nalaman na babae? Mahaba yung buhok at feminine ang katawan eh.
"Mis--" di ko naituloy dahil may inipit siya papel sa kamay ko kaya binuklat ko.
"It's me, Grace. Tawagan mo ko at may sasabihin ako sayo"
Ano naman kinalaman ko dito sa babaeng to? Tsk!
Itatapon ko na sana kaso nung mapatingin ako sa likod ko nakatingin pala siya sakin kaya binulsa ko nalang ulit.
Pagdating sa hotel andaming tao at ganun pa rin talagang dinagsa kami dito. Marami ng pulis sa baba para harangan yung mga makukulit na fans.
Naglalakad na kami nang makita ko ulit yung babae doon sa lobby. Seriously ano bang problema ng babaeng to?
Nagsimula akong maglakad palayo sa mga kasama ko pero napansin ni Wonwoo "eodie gayo? (where are you going?)" Tanong niya "hwajangsil (toilet)"sagot ko then nagnod nalang siya.
Papunta na ako malapit sa restroom nang may humila sakin dito sa may malapit sa kitchen.
"Miss can---" di ko naituloy dahil sumenyas siya sakin na manahimik daw ako kaya sumunod ako.
Nung huminto kami tsaka niya tinanggal yung hood niya and confirm nga na siya si Grace pero anong problema niya? Di niya ba alam na pwede ko siyang kasuhan sa ginagawa niya?
"Oh long time no see. Pasensya na wala akong oras sayo" sabi ko at nilampasan siya
"Kyle makinig ka! Ikaw nalang ang pag asa ko" sabi niya at hinila ako pero tinabig ko.
"Ano bang sinasabi mo? Gusto mo bang makasuhan ha?"
"Kyle alam ko masaya ka na sa buhay mo ngayon pero please lang kahit ngayon lang makinig ka sakin"
"Grace grade 12 pa tayo last na maging magclassmate ilang years na oh. Ano namiss mo ba ako kaya ka ganyan? Sorry pero kay Berry lang ako" sabi ko at naglakad na ulit.
"Mamamatay si Berry..." napatigil ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan dahil narinig ko yung name ni Berry.
"Pwede ba Grace iba nalang pestehin mo. Wag ako please lang wala akong oras makipaglokohan sayo"
"Ayaw mo maniwala? Sige hayaan nalang natin siya mamatay para mabawasan naman yung mga kaaway ko" sabi niya
Hinarap ko siya "Grace ano bang sinasabi mo?" Seryosong tanong ko.
"Ikaw nalang ang pag asa ko Kyle. Salbahe akong tao pero hindi ko kayang pumatay ng tao" tumingin siya sakin na parang nadedepress na. Magang maga yung mata niya kakaiyak at halata ko namang nagsasabi siya ng totoo.
"Makinig ka. Mamayang gabi kikidnapin nila Joy si Berry kasama yung babaeng amerikana. Gusto ko mang hingian ng tulong yung family niya pero nakabantay ang mga tauhan nila doon na sila Lyka" sabi niya
Hayop! Hindi ko pa nga nakakasama si Berry ng matagal tapos papatayin nila.
"Tell me anong plano nila?" Habang diretsong nakatingin sa kanya. Gusto kong manuntok ng babae ngayon dahil sa gigil ko.
"Papupuntahin nila si Wave. Siya yung pakay ng amerikanang babae at gagamitin nila si Berry para pumunta siya doon"
Wave? Hindi ba si Yael yon? Kailan pa nainvolve si Yael sa ganito? At bakit kilala niya si Berry? May nangyayare na ba sa kanila habang wala ako?
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomantizmThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...