Berry's POV
Nakarating na kami dito sa resort at andaming tao na invited.
Inaayos na ring yung pwesto kung saang gaganapin yung kasal bukas. Nung nakarating na kami dito may dalawang rooms na sinabi si Addie. Una room for girls so syempre expected niyo na girls lang talaga nandoon except kay Alex alam ko namang hindi yan naninilip eh.
So sa isang room merong dalawang bed dito na malalaki tapos hinati hati kami sa tatlo. First bed sila Alli, Larraine at Sabrina tapos sa kabilang bed kami nila Addie at Alex magkakasama. Ganun din sa boys room sabi ni Yousten kanina. Sa first bed daw sila Hans, Ice at Tommy tapos sa kabilang bed sila Yousten, Yael at Jiro.
Malayo layo din tong lugar na pinuntahan namin kasi umabot na ng 3 pm nung makarating kami dito.
"Girls labas muna tayooo may live band sa labas" sabi ni Larraine samin
"Sure sasama ako" tumayo si Alli pati yung iba hanggang sa kami nalang ni Sabrina ang naiwan dito.
Tumayo ako para kumuha ng towel tapos papunta na ako ng c.r nang magsalita siya "Berry..." natigilan ako nung tawagin niya ako kaya nilingon ko siya.
"Im so done with you and Wave. Hindi mo ba talaga kami titigilan? Talaga bang may lahi kang malandi?" Sabi niya sakin kaya nilapitan ko siya
Ano daw? May lahi akong malandi?
*PAAAAAKKKKK!!!*
"Sabrina sinusubukan kong lumayo sa inyo pero mapipigilan mo ba si Yael na lapit ng lapit sakin? Kung sana sinabihan mo rin siya na layuan ako para naman diba hindi lang ako ang nag aadjust"
Tumayo siya para tapatan ako
*PAAAAAKKKKK!!!*
Sinampal niya rin ako "nag usap na tayo Berry noon na lalayo ka sa kanya para sa safety niya pero hindi eh napakalandi mo talaga. Akala mo hindi ko nakita yung nangyare kahapon? Well napaka galing mo gumawa ng paraan ah halatang scripted yon kaya nadali mo kami sa acting mo"
Acting? Sinasabi niya ba yung nahulog ako kahapon, scripted? Aba hutanes!
"Sabrina hindi yon scrip---" nilampasan niya ako
"Ayoko na makinig sayo Berry. Totoo nga sinabi sakin ni Wave dati na kulang pa ang different word kung ididescribe ka tsk!" Lumabas siya ng kwarto tapos naiwan ako na natameme sa sinabi niya.
NAKAKAINIS KA BERRY!!! BAKIT PA KASI TINAWAG MO SI YAEL KAHAPON?
Pumunta ako sa c.r para maligo.
Yael's POV
Nandito kami sa backstage dahil kumakanta yung mga kaibigan ni Yousten doon sa stage.
Andito sila Tommy, Jiro, Yousten, Kyle, Hans ata yung name nung isa tapos Ice naman yung parang suplado then ako.
"Guys marunong ba kayong gumamit ng instruments?" Tanong ni Yousten
"Oo naman ano kala mo samin? tanga?"pambabara sa kanya nung Ice
Ewan ko ba kung paano naging kaibigan nila Berry at Addie yang taong yan. Kanina pa kaya kami nyan sinusungitan akalan mo may regla eh.
"May marunong sumayaw, may kayang kumanta tapos may kayang gumamit ng instruments" sagot nung Hans
"Sinong kayang kumanta?" Nagtaas ako ng kamay tapos si Yousten at Kyle. Nagkatinginan kami ni epal pero umiwas na kaagad siya tsk!
"Eh sa sayaw?" Tanong ni Ice tapos nagtaas ng kamay si Jiro, Tommy, at Hans.
"Good. Kami na nila Yael sa kakanta tapos kayo nalang sumayaw" sabi ni Kyle
"Go. After niyo nalang kami sasayaw kasi we need to rehearse pa" sabi ni Tommy
"Tatlo lang tayo? Kahit isa pa sana" sabi ni Yousten
Oo nga naman kahit isa pa sanang member para mas okay at hindi kulang sa hahawak ng instruments.
"Count me in" napalingon kami sa nagsalita
"Oh Lucian good timing ka kailangan nila ng isa pa" sabi ni Ice tapos ngumiti.
Yan yung ex ni Berry diba? Ano yon isang ex, isang naging ex crush tapos isang bumabakod in one frame?
Lumapit siya sakin tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Aba syempre kala niya siya lang may kayang tumingin ng ganyan? Kaya ko rin noh tsk!
"Ganito dapat may kanya kanya tayong instruments. Sino sa dalawang electric guitar?" Tanong ni Lucian. Nagtaas ako ng kamay tapos si Yousten at ako.
"Ako na sa drums" sabi ni Lucian "edi ako muna kakanta?" Tanong ni Kyle
"Oo dapat paisa isa tayong kakanta para may time yung dancers" sagot ko.
"Okay magprepare na kayo ng kakantahin kasi within 15 mins tayo na ang magpeperform" sabi ni Yousten.
"Okay dapat teamwork tayooo" sabi ni Tommy tapos nilagay yung kamay sa gitna namin.
"Kaya nga dapat dito walang nag aaway at nagbabarahan" -Hans tapos nilagay yung kamay sa ibabaw ng kamay ni Tommy
"Game ako" -Jiro
"Hays okay fine" -Ice with irap pa ang loko
"Guys fightinggg!" -Yousten
Kami nalang tatlo ang nagtititigan. Taena bat ba kasi nakasama ko pa sila naman oh.
"Fighting!" - Lucian tapos pinatong rin yung kamay niya
"Fighting!!" Sabay kami ni Kyle tapos pinatong yung mga kamay namin.
Para kaming grupo na magpeperform sa isang contest.
"Fight! Fight! Fight!" Sigaw namin lahat tapos nag akbay akbayan kami.
"Guys maghanda na kayo ng kakantahin" sabi ni Lucian kaya kanya kanya na kaming nagsikilos.
"Sa mga sasayaw dito tayo" sigaw ni Ice kaya sumunod sa kanya yung iba.
"Yousten malapit na kaming matapos ah kayo na susunod" dumating yung isang kaibigan niya "sige pre" respond ni Yousten
May naisip na ako na pwede kong kantahin mamaya and yun ay 'I Lay My Love On You' by Westlife since medyo lutang yung ibang audience kasi puro sad song yung tinutugtog nung mga kumakanta. Ewan ko ba kung mga broken hearted ata o hindi eh.
Kumuha ako ng guitar dito tapos nagpractice muna ako para mamaya smooth nalang yung pagkanta ko.
"Mukha tayong band dito" sabi ni Lucian
"Oo nga parang yung apat na kumakanta sa stage" sabi naman ni Yousten
"Anong kakantahin mo?" Tanong sakin ni Lucian pero tiningnan ko lang siya
"Oh come on bro hindi ko aagawin si Berry kasi I have my wife there oh" sabi niya kaya napalingon ako sa audience tapos may nakita akong babae na cute kamukha niya si Pornnappan Pornpenpipat (NeNe). Kung di nyo kilala edi isearch niyo nako uso gumamit ng google
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomanceThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...