43

24 8 0
                                    

Matilda's POV

"Wave say aahh" ngumanga si Yael tapos kinain yung sinubo sa kanya ni Saba

Kahapon pa ako naiirita sa dalawang yan. Kahit saan ako pumwesto nakikita ko sila and hindi ko alam kung sinasadya ba nila gawin sakin yan.

"Here's your food" sabi ni Kyle at binigay sakin yung plastic na may burger at drinks.

"Mamaya na ako kakain. Masyadong masakit sa mata yung view" sabi ko at tumayo

"San ka pupunta?" Tanong niya sakin "restroom lang" sagot ko tapos naglakad na ako papasok doon.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Berry kaya mo to wag kang papaapekto sa dalawang yon. Kaya mo yan fighting!

Lumabas na ako tapos saktong nakasalubong ko si Sabrina na nakangiti pa "oh andyan ka pala Matilda" then kumaway pa pero inirapan ko lang nang magsalita "thanks sa pagreject mo sa kanya atleast ngayon natauhan na siya and luckily moving on na" sabi niya kaya napatigil ako.

Humarap ako sa kanya na may plastik na ngiti "your welcome Sabrina" then ngumisi ako "naaawa kasi ako sayo dahil kahit sinong tao dito, ayaw pumatol sayo" sabi ko sabay irap.

"Oh come on Matilda kalimutan mo na yung away natin. Nagmove on na ako doon kasi narealized ko na babagsak at babagsak pa rin sakin si Wave kahit na talo ako palagi sayo"

Napatawa ako sa sinabi niya tapos tumingin sa kanya "kailan ka ba nanalo?" Sabi ko na parang nang iinsulto

Yang mukhang yan akala mo napaka inosente pero kulong kulo pala yung loob sakin

"By the way I just want to invite you sa birthday ni Wave sa wednesday kasi surprise ko sa kanya yon so sana nandoon ka para naman may maitulong ka sakin as a friend diba" hindi pa rin nawawala ang ngiti niya

"Sure kung gusto mo ako na rin ang gift mo sa kanya eh" sabi ko tapos nawala yung ngiti niya. Fuck you Sabrina!

"Hahaha you're too proud of yourself Matilda hahahhaa"

"Of course compare naman sayo" then umalis na ako doon.

Naglakad ako padabog hanggang sa nakita ko na parang papunta sa direksyon ko si Yael kaya tinaas ko ang kamay ko at kumaway "Hi Wave!" Sabi ko pero dinaanan niya lang ako

Hindi niya manlang ako nagawang tingnan at parang wala lang ako nung dumaan siya. Nung malayo na siya lumingon ako sa likod at tiningnan siya na papalapit kay Sabrina.

"Bakit ka nandito?" Malanding tanong niya tapos kumapit sa braso ni Yael

"Malapit na matapos yung shooting so I suggest na magdate tayo" sabi niya habang nakangiti. Binaba ko yung kamay ko dahan dahan habang nakatitig lang ako sa kanila.

Paalis na sila sa restroom tapos kaakbay siya ni Yael "sureeee! Gusto ko yan!" Sabi ni Sabrina tapos papalapit sila ng papalapit hanggang sa napatingin sila sakin pero saglit lang then naglakad na palayo.

Napanganga ako sa nangyare

Huminto si Sabrina tapos lumingon sakin "gusto mo ba isama sila Kyle? Para double date diba?" Suggest ni Sabrina pero hindi tumitingin sakin si Yael "wag na" sabi niya then tumalikod na ulit.

Feeling ko kumirot ang puso ko kay Yael. Bakit siya naging ganyan? Sabagay ito naman gusto ko eh yung dumistansya sa kanya.

"Y-Yael.." banggit ko sa name niya tapos napaupo sa floor. Tang ina hindiiiiii!!!!!

Tumakbo ako at humanap ng lugar kung saan pwedeng umiyak. Yung walang makakakita kung gaano ako kahina ngayon dahil sa kanya.

"Yael bakit naman ganon?" Sabi ko at pinagsisipa yung mga bato sa paanan ko.

Hindi tumitigil yung pagluha ko kahit pinupunasan ko

Ang sakit puta!

Umiyak lang ako ng umiyak dito hanggang sa mailabas ko yung sama ng loob ko. Oo masama ang loob ko sa ginawa niya dahil naulit na naman yung ganito yung pagiging cold niya sakin.

Maya maya may humila sakin at napayakap ako sa chest niya. Alam ko na kung sino to "shhhh stop crying Berry" sabi niya tapos hinagod ang likod ko.

Hinila ko yung coat niya at umiyak ng umiyak.

"Kyle.. s-si Y-Yael..." sabi ko habang umiiyak

"Wag mo na muna siya isipin dahil may shooting pa kayo and last scene nalang pwede na tayo umuwi" sabi niya

Pinaharap niya ako tapos kumuha siya ng panyo para punasan yung mukha ko "nabura na yung make up mo oh dapat hindi ka na muna umiyak eh"

"K-kasi----" nilagay niya yung hintuturo niya sa lips ko "stop it. Mag ayos ka na dahil hinahanap ka na ni direk" sabi niya kaya tumahan na ako.

"Hindi iyakin si Matilda diba. Si Matilda ka ngayon hindi si Berry" inakbayan niya ako at naglakad na kami papunta kila direk.

"Matilda saan ka ba nanggaling?" Tanong ni direk

"Im sorry direk nadulas kasi si Matilda" palusot ni Kyle then humarap siya sakin "stop crying na okay? Gagamutin natin yan mamaya" sabi niya tapos tumango ako.

"Pakibilisan naman kasi may lakad pa ako" pagpaparinig ni Wave tapos cold siyang nakatingin sakin.

Gagawin na namin yung scene na iniwan ko siya kasi nalaman ko na siya ang pumatay sa parents ni Franca.

Tumayo na siya sa may bintana tapos ako naman nakaupo sa upuan

"Lights.. Camera.. Action!"

Tumingin siya sakin tapos lumapit ako para hawakan siya sa braso "you didn't kill them, did you?" Tanong ko at umaasang hindi ang sagot niya.

Ang cold ng expression ng mukha niya

Bigla niya akong tinulak ng malakas at napadapa ako sa sahig.

Aray tangina!! Ang sakit! Yung paa ko parang napilay. Yumuko ako at sinusubukang magsalita "L-Leoo-----"

"Cut!!!" Sigaw ni direk "Matilda why stuttering? Ayusin mo yan again" sabi niya

Sinubukan kong tumayo nang marinig ko na nagsalita siya "tsk! What a lame act" sabi niya nung makatayo ako.

Feeling ko maiiyak na naman ako pero hindi pwede. Kailangan ipakita ko na wala akong pake alam

Tumayo ako at bumalik sa upuan.

"Take 2! Action!" Sigaw ni direk tapos tumayo ulit ako at hinawakan siya "you didn't kill them, did you?"

Tinulak niya ako pero this time parang yung pagtulak niya sakin may halong galit dahil literal na napasubsob na ako sa sahig. Napatingin ako kay Kyle na tumayo dahil lalapitan sana ako pero umiling ako.

Ang sakit nung pagkakabagsak ko at feeling ko nadamay pati yung siko ko sa lakas ng impact ko sa sahig.

"Leo, why? Why did you do that?" Tanong ko habang namimilipit sa sakit pero yumuko ako para hindi halata.

"Because they also killed my parents Franca. They deserved to die in my own bare hands because your parents killed those innocent people Franca!" Sigaw niya

Sinubukan ko na tumayo pero sa kamalas malasan nadulas ako "Cut!!!" Sigaw ni Kyle tapos lumapit sakin na mukhang nag aalala

"Are you okay?" Tanong niya sakin pero hindi ako umiimik tapos napatingin siya kay Yael ng masama "sorry direk pero uuwi na kami" sabi niya pero pinigilan ko "okay lang ako"

"Are you sure Matilda? Kaya mo pa ba?" Tanong sakin ni direk pero sumagot kaagad si Kyle "even if she's okay, I won't allow her to repeat her scene tsk!" Sabi niya tapos binuhat ako na pangbridal then humarap kay Yael "don't vent you anger on her Wave or else I might punch your face! Tsk!" Warning ni Kyle at umalis na kami doon.

"Kyle dapat di mo nalang ginawa yon" sabi ko habang buhat niya ako "I saw that Berry. Iba yung acting lang sa may galit talaga eh" sabi niya

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon