Wave's POV
Nandito ako sa prisinto dahil gusto kong makausap si Sammy.
(siya po yung obssessed fan ni Wave sa book 1)
"Bibisitahin ko po si Sammy Geli" sabi ko sa pulis pero tiningnan niya lang ako.
"Si Sammy Geli po bibisitahin ko" oh ayan binaligtad ko na para kahit papaano maintindihan niya.
"Ahh si Geli nasa hospital siya ngayon dahil nagtangka siyang magpakamatay kahapon sa loob ng c.r"
"P-po? Saang hospital po?" Kumuha siya ng sticky note at may sinulat na address doon.
"Ayan diyan mo siya puntahan and sana kausapin mo na rin" inabot niya sakin yung note at umalis na ako.
Cancelled ang shooting ko ngayon dahil may sakit daw yung leading lady ko kaya in the next three days pa daw ang next shooting.
Sumakay ako sa sasakyan ko tapos nagdrive papunta sa address kung saan siya nakaconfine.
Pagdating ko dito tinanong ko kung meron ba silang Sammy Geli dito. Sa room 342 daw kaya pumunta kaagad ako doon. Pagdating ko dito nakita ko na may dalawang pulis na nagbabantay sa harap ng room niya.
"Bisita po ako ni Sammy. Pwede po ba pumasok?" Tanong ko at pinapasok naman ako.
Pagdating ko sa loob nakita ko yung itsura niya na parang hindi mo na makikilala. Pumayat siya at sobrang stress nung mukha.
"Sammy.." tawag ko sa kanya.
Napabangon siya at yung mga mata niya parang humihingi ng tulong.
"Wave I don't know what to do. I saw her.. I saw her believe me. I saw her. She's still alive please help me Wave. She's going to kill me." sabi niya at para siyang nababaliw. Hinawakan niya ako ng mahigpit.
"W-who? Tell me and I'll help you"
"That girl who died in the warehouse Wave" natulala ako sa sinabi niya at tinanggal ang kamay niya.
Imposible! Kitang kita ko kung paano sumabog yon at may nilibing na katawan.
Pumasok ang doctor at nakita niya ako.
"Are you his guardian?" Tanong niya at tumango ako.
"Sa tingin ko kailangan na magpatingin ni Sammy sa psychiatrist. She's suffering from depression and it makes her na feeling niya anytime may mananakit sa kanya. May mga bagay siya na nakikita pero hindi natin nakikita and that's not a normal"
"Is there a way para may magamot siya?"
"Probably meron at yun ay kailangan niya ng mga taong mag eentertain sa kanya para hindi niya nararamdaman na mag isa lang siya"
Napatingin ako sa kanya. Sa isang taon na nakalipas ni isang relative niya wala akong kilala.
"That's all. I have to go"
Lumabas na siya at kami na lang ang naiwan dito.
"Sammy I think you need to see a psychiatrist for you"
"No! Im not crazy Wave. Im not!" Sabi niya at hinawakan ako pero tinanggal ko.
"Did you eat?" Tanong ko.
"No"
"Then wait me here. Im going to buy some foods for you"
Hindi siya umimik kaya lumabas na ako. Paglabas ko kwarto niya lumabas na ako ng hospital para maghanap ng pagkain.
Sumakay ako sa sasakyan ko at pumunta sa isang market. Bumili ako ng prutas para kay Sammy. Di naman kasi ako ganun kademonyo para hayaan lang siya.
Speaking of Sammy pala nagulat ako sa mga sinasabi niya. Imposible naman yon kasi patay na siya. Kung hindi man siya yon eh sino pala yung nilibing namin? Guardian angel ni Berry? Ay nako ano ba tong iniisip ko.
Sumakay na ako para makabalik na sa hospital.
"Kahit na hindi totoo yung sinasabi mo, iniisip ko na sana totoo na buhay siya" sabi ko habang nagdadrive.
Pagdating ko sa tapat ng hospital nakita ko na nagkakagulo ang mga doctor dito kaya lumabas ako.
Lumapit ako kung saan sila nagkukumpulan.
"Nababaliw na ba siya? Anong nakain niya para patayin ang sarili niya?"
"Mukhang depress siya kaya niya ginawa yan"
Kahit na maraming tao, nakipagsiksikan ako para makita yon.
Nagulat ako dahil ang nakita ko ay isang babae na nakahiga habang naliligo sa sarili niyang dugo.
"S-Sammy?" Tawag ko sa kanya.
Kinuha siya kaagad ng mga nurse at sinugod sa loob. Sumama ako sa kanila hanggang sa ipapasok na sana siya sa ibang room nang harangin ako .
"Hanggang dito nalang po kayo sir. Kami na po bahala sa kanya" sabi ng isang nurse kaya napatigil ako.
Umupo muna ako at feeling ko pinagpapawisan ako. Dapat hindi ko nalang siya iniwan.
"Wave I don't know what to do. I saw her.. I saw her believe me. I saw her. She's still alive please help me Wave. She's going to kill me."
"I saw her believe me"
"She's going to kill me.."
"She's still Alive.."
Bumabalik sa utak ko yung mga sinabi niya kanina. Gusto ko man siyang paniwalaan pero mas naniniwala ako sa mga nakita ng mata ko. Imposibleng mabuhay ang patay at gantihan siya.
"Wave I don't know what to do. I saw her.. I saw her believe me. I saw her. She's still alive please help me Wave. She's going to kill me."
Sa sobrang inis ko sinuntok ko yung pader dahil wala manlang akong nagawa para humaba pa ang buhay niya.
Sinisisi ko ang sarili ko dahil iniwan ko pa siya.
Jiro's POV
"Ang init naman dito" reklamo ng katabi ko dito. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"You're not that flawless so stop that attitude of yours. Hindi ka nakakatuwa" sabi ko at umalis sa tabi niya.
Nandito kasi kami sa park para sa photoshoot namin.
Kanina pa kami dito dahil hinihintay namin yung ibang staff na parating na.
"S-sorry. Hindi naman yon ang meaning ng sinabi ko kanina. What I mean is sobrang init na dito and you know summer pa diba?"
Hindi ko namalayan na nandito na pala tong babaeng to. Hindi ko siya inimikan at umalis ako. Palagi siyang dikit ng dikit sa akin eh naiirita ako sa ganung galawan.
"Teka Jiro hintayin mo ko" sigaw niya at sumusunod pa rin sakin. Napasapo nalang ako ng noo ko dahil sa inis.
"Pwede ba Alli kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang wag mo na muna ako sundan? Nakakairita ka eh" sabi ko.
"Wala naman akong ginagawang masama sayo ah" aba sumasagot pa.
"Ayokong dumidikit ka sakin kaya pwede ba layu layuan mo ko. Naiinis na ako sayo kanina pa" sabi ko
Yumuko siya "s-sige. Pasensya na kung naiirita ka sa ginagawa ko" sabi niya at naglakad na palayo sakin.
Ganyan dapat straight to the point para manahimik siya kaagad.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomantikThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...