32

23 8 0
                                    

Jiro's POV

Bumili kami ni Lia ng pakwan dito sa tabi ng lugawan. Isang buo ang binili namin kasi gutom na gutom daw si Lia mula kahapon na hindi pa daw kumakain.

Dinala ko muna siya dito sa tambayan namin ni Addie sa may seaside tapos hiniwa namin yung pakwan.

Buti nalang may dala akong utensils para may magamit kasi nung nandito kami dati ni Addie kumpleto talaga dala namin kahit rice cooker di niya pinatawad kulang nalang parang magcamping na kami.

Kumain na si Lia ng pakwan "ang sarap Jirrrooo!" Sabi niya at talagang puno yung bunganga niya ng pagkain.

"Hinay hinay ka nga kumain para kang uubusan eh" sabi ko

"Hindi pa ako kumakain Jiro mula kahapon pa eh anong oras na ngayon? Hapon na rin tapos puyat pa ako kaya ayan ang laki ng eyebags ko" sabi niya then sumubo ulit.

Napatingin siya sakin kaya kumuha siya ng isang slice at inalok sakin "ahhh" sabi niya

"Baliw kainin mo na yan" sabi ko

"Isa Jiro!" Sita niya sakin kaya binuka ko yung bibig ko at kinain yung isang slice.

"Ayan very good Jiro pasado ka na sa grade 1" natawa ako sa sinabi niya.

Ang sarap pala bumalik sa dati na halos kami lang dalawa yung palaging magkasama.

Alexa's POV

Nasa sala kami ni Tommy kasama sila Burnik at Galis. Sino sila? Sila yung twins na parehong beki na nagmana sakin.

Mga pamangkin ko sila sa side ni papa and tita ang tawag nila sakin. Subukan nila akong tawagin ng tito at talagang sasabunutan ko sila.

Anyway ang real name ni Burnik ay Bernardo Niko Gregorio tapos yung isa naman Garry Luis Gregorio. Oh diba ang gaganda ng mga pangalan ng mga junakis ko.

I have this habbit kasi na mahilig gumawa ng nickname minsan kapag natutuwa ako sa tao or bagay.

So ganito na nga nung highschool ako, doon sila nakatira sa talagang bahay namin and that time ako yung close na close nila.

So being The Queen of Lait, ginawan ko sila ng nickname. Ang tawag ko kay Bernardo Niko ay Burnik (Ber+Nik= sounds Burnik) then kay Garry Luis naman Galis (Ga+Luis= sounds Galis) and mawawalan ba ako ng nickname sa kanila? They're calling me Tita Gundugh hahahaha.

"Nik lumapit nga kayo dito" utos ko sa kanila dahil busy sila sa pagsusuot ng dress. Mga baklang to talaga

"I don't want tita Gundugh" sabi ni Lis at umiiling din si Nik

"Paghindi kayo nagsilapit dito parehas ko kayong lalagyan ng kipay sa mukha" sabi ko kaya nagsilapit kaagad sila.

"Good. Pakibanggit nga ang golden line na tinuro ko" sabi ko

"Tita Gundugh don't mean to be rude but she look so damn good" sabay nilang sabi

"Hon kung ano anong kalokohan tinuturo mo sa mga bata" reklamo ni Tommy.

Napaarko ang aking mahiwagang kilay "that's my junakis Tommy ano ka ba?"

"San sila lumabas?" Tanong niya. Umusok ang ilong ko "malamang sa invisible keps ko" sagot ko kaagad.

"Tita Gundugh wala bang boys dito?" Malanding tanong ni Lis "hoy magtigil tigil ka Lis ah. Kay bata bata mo pa puro boys na inaatupag mo" sita ko sa kanya.

"Ano ba yan tita Gundugh wala manlang kaming makitang pogi dites" reklamo ni Nik

"Hoy Burnik at Galis ikalma niyo yang mga kalanturan niyo dito kung ayaw niyong ibakat ko tong piso sa noo niyo"

"You're always strict talaga tita Gundugh" sabay nilang sabi.

"Girls, babae tayo kaya boys dapat lumalapit satin hindi tayo ang lalapit sa kanila"

"Anong satin? May asawa ka na hon ah baka balak mo pa maghanap ng tambay sa kanto" sabi ni Tommy

"Yes ganyan na ganyan si tita Gundugh nung kasama namin siya kahit mukhang demonyo yung mukha pogi na yon para sa kanya. Iwww" sabi ni Burnik at parang natirik pa ang mata

"Kaya nga sis walang taste si tita Gundugh" sabi naman nung isa.

Magsasalita sana ko kaso nagring yung phone ko and nakita ko na si Ice yung tumatawag.

"Who's that guy?" Tanong ni Galis at nakikipagsiksikan sakin para makita yung caller

Tinatawagan kasi ako ni Ice sa skype ngayon eh

"Me too let me see baka kakasya na sakin" sabi ni Burnik

"Magsitigil nga kayo" sabi ko at binugaw bugaw sila.

Sinagot ko na yung tawag at tinutok sa face kong maganda "Alexa pakitawag sila tita. May sasabihin yung doctor ni Dee satin" sabi niya ata parang hindi mapakali

"Tungkol saan Ice?" Tanong ni Tommy.

"Baka daw hindi na magising si Dee" sabi niya at medyo namumula na yung mata niya na parang iiyak.

Tangina bakit pati si Addie kukunin na rin? Ang sakit naman hayop! Nung una si Berry tapos ngayon si Addie.

"Sige pupunta na kami" sabi ko then tumayo na ako.

"Tita sasama kami" sabi nung dalawa

"Bilisan niyo magbihis" utos ko at nilapitan si Tommy.

"Ayusan mo si Zane sa taas hon" sabi ko then niyakap niya ako "magiging okay din ang lahat hon kaya relax ka lang" sabi niya then nilagay niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Paano hon kung pati si sis mawala na samin?" Tanong ko sa kanya na parang natataranta.

"Wag kang mag isip ng ganyan hon okay? Ikalma mo lang yung sarili mo" sabi niya tapos hinalikan ako sa noo.

"Thank you hon. Sige na puntahan mo na sa taas si Zane" sabi ko then tumayo na siya.

Maya maya nagsibabaan na yung dalawa and sumunod na si Tommy na buhat buhat si Zane.

Sumakay kami sa kotse tapos binigay sakin ni Tommy si Zane para magdrive papuntang hospital.

Hinawakan ni Tommy ang kamay ko. Kinakabahan ako guys kasi baka mamaya pagdating namin doon mangyare ulit yung nangyare kay Berry and baka hindi ko kayanin kung pati si Addie kunin samin.

Nagdrive na siya paalis at dumiretso sa St. Lukes Medical Center. Sinusubukan ko kumalma kaso parang ayaw ng loob ko.

Tinext ko sila mama, Jiro at Yousten na pumunta ngayon doon para marinig yung sasabihin ng doctor.

Ice's POV

Nandito na silang lahat pati na ang doctor ni Addie. "Base on our observations for Addie, she can't be awaken anymore because the trauma she have was a big injury for her that damaged her brain and it has no active cells to function again" sabi ng doctor at napanganga ang lahat sa sinabi niya.

Tumingin siya sa relo niya "Time of death 3:45 pm. Condolence for her" sabi ng doctor at umalis na

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon