60

22 6 0
                                    

Yael's (Wave) POV

Nakauwi na kami galing sa hospital and hindi ako iniwanan ni Sabrina sa pag aalaga. Minsan napapansin ko na siguro pagod na siya kaya sinasabi ko na magpahinga muna siya kaso ayaw niya daw.

Hindi na kami nagkita ni Berry simula nung nagising ako. Nagka issue na rin kami sa media kaya gustong magpatawag ng CEO ng press conference para sa aming dalawa next week. Sinabi ko yon kay Sabrina pero palagi niyang iniiba yung topic at parang ayaw pa ata ako payagang lumabas.

Kumakain kami sa bahay ngayon "Sabrina kailangan kong umattend next week" pag oopen ko ng topic tapos natigil siya sa pagsubo at tiningnan ako.

"No"
Binitawan ko yung spoon at fork ko "Sabrina yung CEO na ang nagpapatawag sakin ano ba? Palagi mo nalang ba ako itatago?"

"Oo Wave kung kailangan itago kita para hindi mo siya makita, gagawin ko"

"Napaka lame ng reason mo Sabrina. Hindi naman ako pupunta doon para makita siya eh"

Gusto ko siyang makita.

Gusto kong tanungin kung okay lang ba siya. Nung nagdedate kami ni Sabrina sinubukan ko na talagang kalimutan si Berry. Hindi ko siya pinapansin o kinikibo. Sinubukan ko rin na sumama palagi kay Sabrina pero hindi talaga eh.

Nung birthday ko noon naguilty ako sa sinabi ko sa kanya dahil pinaiyak ko na naman siya. Hindi ko na nga tinuloy yung celebration nun kasi parang nabadtrip talaga ako nun tapos hindi ko rin kinausap si Sabrina ng ilang araw dahil kinausap ko yung owner ng resto kung pwede ko bang makita yung cctv footage nila sa storage room. Tama nga si Berry dahil kitang kita ko doon na pinagtutulungan siya.

Gusto ko ngang hanapin siya para magsorry kaso nung patapos na ang shooting namin umaalis siya kaagad. Hindi siya masyadong tumatambay sa labas kasi pumapasok siya kaagad sa van nila tapos lagi pang nakabantay si Kyle kaya wala talagang chance na makausap ko siya.

Dahil puro si Berry ang iniisip ko hindi ko na nahaharap si Sabrina tapos lagi kaming nag aaway kasi nagseselos siya. Alam niyo yung feeling na parang nawawalan talaga ako ng ganang kausapin siya dahil di ko aakalaing magagawa niya yon kay Berry.

Hanggang sa nabalitaan ko na nawawala pala si Stacey kaya hinanap namin siya tapos si Sabrina naman pinipilit niyang lumabas kami pero hindi ako pumapayag kasi busy ako na hanapin yung manager ko. Alangan namang sa kalagitnaan na nawawala na si Stacey, makipagdate pa ako sa Sabrina.

Lahat kami nag aalala at wala talagang nakakaalam kung saan siya hahanapin. Nung tinawagan ko si Stacey nun nagulat ako kasi si Berry ang sumagot tapos halata sa boses niya na galit siya.

"Wave nag usap na kami kaya pwede ba ikaw naman ang sumunod?"

Tumayo ako "wala na akong gana" ganito kami palagi ni Sabrina. Palaging away pero minsan hindi na ako kumikibo kasi siya rin naman nag aalaga sakin eh.

Papunta na ako sa taas nang "Wave palagi ba talagang si Berry ang iniisip mo? Ako na ang nandito pero bakit kahit anino ko hindi mo kayang pansinin. Pinipilit mo na pumunta para ano? Para kausapin siya? Paano naman ako? Palagi nalang ba akong iseset aside Wave?"

Nilingon ko siya "Sabrina yung issue ang pinag uusapan natin dito ngayon pero bakit palagi mo siyang pinapasok sa usapan?"

"Dahil yun ang nakikita ko sayo Wave! Halata naman sayo na gusto mo na siyang kausapin eh pero ayoko!  Gusto ko na magdamot Wave at ipamukha sa kanya na kahit wala siya nandito naman ako sa tabi mo" tumayo siya tapos lumapit sakin

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" Tanong niya sakin tapos naluluha na yung mata niya

Pinunasan ko yon "Im sorry Sabrina pero kahit ipilit ko, hindi ko talaga kaya eh" sagot ko kaya yumuko siya.

"Wave masaya na sana na wala siya eh at solong solo na kita pero iba pa rin talaga si Berry para sayo. Parang kahit anong ipilit ko na pantayan siya, talagang mataas na siya"

Sorry Sabrina pero hindi talaga kaya. Kahit yung puso ko ayaw makinig sakin na kalimutan siya. Siguro nga ganun siya kaimportante sakin kaya kahit magsama tayo ng ilang buwan, siya at siya pa rin ang hinahanap ko.

Humarap siya sakin at pinilit na ngumiti "sige papayag ako na pumunta ka pero kasama mo ko. Hindi ka pwedeng makipag usap o tumabi sa kanya" nanahimik ako. Ganyan kahigpit si Sabrina sakin kaya hindi ko parang kahit lapitan ko si Berry, still may haharang at haharang pa rin.

"Fine" sagot ko at dumiretso na sa kwarto ko. Bumagsak ang katawan ko sa kama tapos yung utak ko parang lutang.

Nakatingin ako sa kisame at wala akong ibang naririnig kung hindi ang paghinga ko lang.

Kailan kaya kita makakausap ulit ngayong okay na ang lahat?

Biglang nagring yung phone ko sa drawer kaya kinuha ko kaagad. May unknown number na tumatawag. Sino naman kaya to? Sinagot ko tapos tinutok sa tenga ko yung phone

"Hello?" Bungad ko

"Hi son how are you?" Napabangon ako sa boses na yon.

"M-mom?"

"Yes ako nga. Akala ko hindi mo sasagutin eh. By the way asan ka ngayon?"

Lumuwa ang mga mata ko "a-andito kayo sa pinas?"

"Oo Yael bakit ayaw mo na ba kaming umuwi?"

"It's not that mom. Teka kailan pa kayo nakauwi?"

"Last week lang son. Pumunta ka dito ngayon sa bahay ni mama para makita ka na namin ulit"

Ngumiti ako "oo mom pupunta ako" sabay tayo at kumuha ng jacket sa cabinet

"Bilisan mo nandito na sila Kyle" natigilan ako.

Bumilis bigla yung tibok ng puso ko "kasama ba ni Kyle yung girlfriend niya?" Tanong ko

"Oo son kaya bilisan mo para makilala mo na rin siya"

Hindi alam ni Mom na kilalang kilala ko yung sinasabi niyang girlfriend ni Kyle.

Naglakad ako palabas ng kwarto tapos nakasalubong ko si Sabrina "papunta na ako mom. Mamaya na tayo mag usap pagdating ko" sabi ko tapos pinatay yung tawag.

"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong niya sakin

"Dumating na yung mom ko at gusto nila akong makita" sagot ko

Ngumiti siya "sasama ako sayo"

"What?"

"Sasama ako sayo na pumunta sa mom mo" sabi niya kaya nanlumo ako sa sinabi niya. Makikita ko nga si Berry pero andiyan naman si Sabrina

"Ako nalang"

"No Wave. Hindi ka pa ganun kagaling kaya kailangan mo ng maghahatid sayo doon. Don't worry behave lang ako doon"

In the end wala akong nagawa tapos pumunta kami ng garahe at sumakay sa kotse.

"Manong sa bahay mo kami dalhin" sabi ko sa driver then nagdrive na siya

Panira naman si Sabrina ngayon oh.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon