44

21 7 0
                                    

Matilda's (Berry)  POV

Nandito kami sa venue kung saan gaganapin yung birthday ni Yael. Tumutulong din siya sa pagdedecor dito sa isang resto. May mga kasama si Sabrina na mga bata at barkada niya ata tsk! Alam niyang panggulo lang sinama niya pa.

Kami nag isip ni Kyle sa design tapos sa foods ako then yung theme si Sabrina. Navy Blue and White yung mga mga tela na nilagay namin tapos sa table naman black and navy Blue.

Mahilig din kaya ako sa blue kaya kapag sa damit ko hindi mawawala ang blue. May surprise daw si Sabrina sa kanya mamaya and yun ang hindi alam ni Yael.

Ngayon nagpipin ako ng tela dito sa wall na wala pang design.

"Kyle paabot naman ng thumbtacks" sabi ko habang nakalagay yung kamay ko sa wall na may tela

Inabot niya sakin yung isang box then  umupo ako sa ladder then binuksan yon para kumuha ng isa.

"Kyle paabot nung navy blue na tela" then inabot niya naman.

Habang naglalagay ako ng tela biglang may humawak sa ladder at napatingin ako "habulin mo kooo~" sabi nung bata at nagpapatintero pa sa baba

"Woy wag kayo dito" suway ko pero hindi sila nakinig tapos tuloy tuloy lang sila sa nilalaro nila

"Hoy ano ba!!" Sita ko nang magalaw nila yung ladder na kinatatayuan ko.

"Hoy!!" Sa sobrang galaw nila natumba yung ladder

Pumikit ako dahil alam kong babagsak na ako nang biglang nahulog ako sa pero parang hindi masakit.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nakapatong na pala ako kay Yael. Nagulat ako kasi paanong nandito kaagad si Yael? Halata din sa kanya na nagulat siya kaya tumayo na ako "s-sorry" sabi ko tapos tumalikod sa kanya.

Nakakahiya baka sabihin niya gustong gusto ko eh.

Lumapit si Kyle "Matilda dito ka lang muna ah bibili ako ng foods natin" sabi niya

"Bumalik ka kaagad ah wala akong kasama dito"

"Oo babalik ako kasi wala kang dalang sasakyan eh" pagbibiro niya then pinalo ko siya

"Sige na alis na ako" naglakad na siya palabas ng resto tapos ako naman tinuloy ko na yung dapat tapusin.

Pagkatapos ko magdecor pumunta ako sa restroom dahil naiihi ako. Pumasok ako sa isang cubicle tapos umupo para umihi.

May narinig akong ingay sa labas na papasok sa restroom "yun ba yung bitch na sinasabi mo Sab? Tsk! Kayang kaya kong sampalin yan" napataas ang kilay ko sa nagsabi nun.

Hindi ako nag ingay at pinakinggan lang sila "yes girl and to think of it hindi siya nangalahati kay Sabby"

"Girls behave lang. Mamaya pa yung surprise na yon" sabi ni Sabrina

"Tinawagan ko na sila Miko and sabi nila ready na daw yung mga tauhan niya sa red room hihihi. Oh my gosh Im so excited na makita yung babaeng yon na gumapang sa kakaiyak"

"Una kasi dapat niyan may hihila na sa kanya habang nagluluto sila and syempre kailangan natin umarte na nawawala ang malanding chef" boses yan ni Sabrina

"Ipa-gangrape mo na kaya Sabby para diretsong turn off kaagad si Wave"

"Hahahahha no need. Okay na sakin yung takutin siya hahaha"

"Kinuha mo na ba yung gamit niya?"

"Of course. Busy kasi siya makipaglandian kay Wave kaya kinuha ko na kaagad yung gamit niya then nilagay sa storage room. Mapagod siya sa kakahanap!"

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon