16

22 11 0
                                    

Wave's POV

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive.

Nasa sasakyan kasi kami tapos nung sinundo niya ako may bouquet na ng flowers sa backseat.

Hindi siya sumasagot at napansin ko na familiar yung lugar na pinupuntahan namin ngayon.

Huminto siya sa pagdadrive "tara baba ka na" sabi niya tapos nagtanggal ng seatbelt. Kinuha niya rin yung flowers sa likod. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ni Sabrina ngayon. Bumaba nalang ako at sumunod sa kanya.

"Tell where is she" sabi niya kaya napanganga ako sa sinabi niya.

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Ayaw mo sabihin? Hmm sige hahanapin ko nalang siya" sabi niya at nagsimula na maglakad pero hinila ko siya.

"How did you knew?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Sinundan kita isang beses lang pero hindi sa mismong puntod niya" sagot niya. Binitawan ko siya "tara doon" turo ko then naglakad kami papunta sa puntod ni Berry.

Nilagay niya yung flowers sa harap ng lapida "Hi Berry! Im Sabrina Montero" ngumiti siya sakin.

"She's one of my fans Sab. Kung ididescribe ko siya, the word 'different' lang masasabi ko. Matapang, maldita, palaban at maalaga siyang tao" sabi ko kay Sabrina.

Umupo kami sa harap ng lapida.

"Wave I want to ask her permission bago tayo magdate. Gusto kong magaan ang pakiramdam mo bago ka sumama sakin."

She holds my hand.

"Berry, pwede bang idate ko si Wave? Promise hindi ako gaya ng ibang babae na inaakala mo. I liked Wave for a long time and to be honest, I saw him crying because of you. I wanted to make him happy Berry so that I will do everything and give all of my efforts to show how much I love him" she said.

"Promise I will take care of your man so don't worry about him"

She smiled

"Narinig mo ba yon? Pumayag na si Berry sa sinabi ko"

I smiled at her.

"Thank you Sabrina for doing this" I said.

"Whether I can't beat you for being brave for protecting him but I swear, you would be happy for him because he have a girl like me hahaha"

I laughed at her

She stood up and offer her hand to me

"Let's go Wave, we still have a date"

I hold her hand and stood up

"Berry goodbye Berry" I said then we walked away from her.

"Im so excited na sa date natin Wave"

Sumakay na kami sa loob then umalis na sa sementeryo.

Nagdrive na siya papunta sa Enchanted Kingdom.

Maraming tao and I don't know kung dudumugin ba kami dito.

"Let's go"

"Wait hindi tayo nakadisguise"

"Don't worry I already have our things" sabi niya then kinuha yung bag niya.

Kumuha siya ng cap tapos sinuot niya sakin na nasa harap yung likod nung cap then sinuotan niya ako ng shades then siya naman tinali niya yung buhok niya then naglagay ng retainer tapos eye glasses naman na nagmumukha siyang nerd.

"Ayan. Let's go na" sabi niya then lumabas na kami.

Pumasok na kami sa entrance tapos bumili ng ticket.

"San tayo Wave?" Nakangiti niyang tanong.

"Hmm san ba gusto mo?" Tanong ko rin.

"Sakay tayo sa mga rides"

"Rides? Sure" then hinila niya na ako.

*After Hours*

Ang saya saya naming dalawa pagkatapos namin sakyan lahat ng rides dito.

"Kain muna tayo" sabi ko

"Treat mo?"

"Oo treat ko na. Ikaw naman nanlibre kagabe kaya sige ako naman ngayon"

Pumasok kami sa isang ice cream parlor then nag order kami ng iba't ibang flavors ng ice cream.

"Ayan. Ampogi mo pala kapag nakasmile eh" sabi niya sakin nang mapansin ko na may ice cream yung tip ng ilong niya.

Kumuha ako ng tissue tapos pinunasan ko yung ilong niya.

"Ang kalat mo kumain Sab" sabi ko.

"Ikaw nga rin eh ayan oh may balbas ka na nga" sabi niya then pinunasan niya yung taas ng labi ko.

"Wave may fireworks show mamayang gabi panoorin natin" obvious na obvious sa kanya na ang saya saya niya.

"Sure" then ngumiti ako. Tinapos na namin yung pagkain namin and napansin ko na gabi na nga pala.

Tumayo siya "tara na magsisimula na" hinila niya ako palabas tapos parehas kaming tumakbo papunta sa sinasabi niya.

Nakita namin na nagsisimula na yung fireworks "ANG GANDAAAA!!" Sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya.

Thank you Sabrina for making me happy. Siguro nga oras na rin para mag move on ako kay Berry. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa ni Berry.

Thankful naman ako dahil kahit papaano napagaan ni Sabrina ang pakiramdam ko. Parang nakahinga na ako ng maluwag gaya noon.

"WAVE I LIKE YOUUU!!!" Sigaw ni Sabrina kaya ngumiti ako sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya "Thank you Sabrina for this day" sabi ko.

"Ayoko ng thank you Wave, gusto ko ganito ang sabihin mo sakin sa susunod 'Sabrina will you be my girlfriend?' Ganyan ang gusto kong marinig sa next date natin hahaha"

"Puro ka kalokohan"

Pagkatapos ng show naglakad na kami sa exit.

"Grabe ang sa----" hindi niya naituloy dahil may bumangga sa kanya na muntikan na siyang ma out of balance.

"Sorry" sabi nung bumangga halatang hindi pa sincere.

Lumingon ako sa nabangga ni Sabrina "Sorry hindi--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako na nasa harap ko siya.

"K-Kyle?" Tawag ko sa kanya

"Oh it's you pala Wave" sabi niya at parang ang formal ng pagkakatawag niya sakin.

"Long time no see. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nagtaka naman si Sabrina.

"Kasama ko ang girlfriend ko" seryosong sabi niya.

Sa pagkakaalam ko sikat na sikat na si Kyle ngayon sa korea pero bakit parang hindi siya dinudumog ngayon dito?

"Kyle!" May boses ng babae na tumawag then pumunta sa kanya para yakapin siya. Babaeng nakasuot ng beret hat na blue then nakacoat ng black.

"Sorry, I have to go" sabi ni Kyle at hindi manlang kami nilingon ng girlfriend niya.

Paalis na sila Kyle nang mapansin ko na parang ang sama ng tingin niya samin ni Sabrina. Don't tell me may gusto siya kay Sabrina?

"Wave who's that guy?" Tanong sakin ni Sab

"He's my cousin. Tara na uwi na tayo" sabi ko

Bakit parang feeling ko galit sakin si Kyle? Alam na ba niya ang totoo? Na patay na yung babaeng nagugustuhan niya?

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon