Addie's POV
Wala pa rin sila Kyle tapos si Berry naman hindi ko na alam kung saan dinala.
Madaling araw na at heto kami tinulugan na ng mga tauhan.
"Yousten" tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sakin "bakit?"
"Humanap ka ng pwedeng labasan kapag nakatakas na dito" sabi ko then lumingon lingon siya. Sumabog man yung warehouse pero yung ibang silid dito hindi nagiba kaya dito kami sa may gilid na nakatali.
"Sa may malayo may naaaninag ako na gate" sabi niya.
"Ganito itakas mo sila and ako na bahala dito"
"Addie no! Ayoko!"
"Yousten wala na tayong oras!"
"Anong gusto mo iwanan kita dito? Paano kung may mangyare na naman sayong masama ah? Paano kung di ka na makabalik ng buhay? Sino pa papakasalan ko kung wala ka na?" Reklamo niya nang bigla akong mamula.
"Kailangan kong hanapin si Berry!"
"Hindi kita iiwanan dito"
"Yousten mamili ka, irereject kita sa kasal na yan o iiwanan mo ko dito?"
"Irereject mo ko" diretsong sagot niya na mas lalo akong namula
"Isa Yousten itigil mo yan. Nasa panganib na nga tayo nagagawa mo pang maging sweet" sabi ko tapos natawa siya
"Addie please wag mong solohin to. Ayokong maulit yung dati kaya please hangga't kaya nating lumaban, hindi kita iiwanan" sabi niya kaya hinalikan ko siya pero smack lang.
"Oo na" sabi ko sabay ngumiti siya.
May katabi ako dito na kahoy kaya kinuha ko dahan dahan "ganito ako muna ang kikilos then dapat may magbabantay kay Yael"
"Ako na magbabantay sa kanya" napatingin kami sa nagsalita. Si Alexa pala kaya napayuko ako "s-sorry kung hindi ko sinabi sa inyo" sabi ko
"Tsaka tayo mag usap kapag nakaalis na tayo dito" sabi niya
Tumingala ako tapos tiningnan yung mga lalakeng natutulog. Hinawakan ko ng mahigpit yung kahoy tapos tumakbo sa kanila para ihampas yon.
Dalawa lang sila at kayang kaya kong itumba yan.
Nagising yung isa "Yousten!" Sigaw ko para maalarma sila. Tumayo na sila at nagsilusob sa dalawang lalake.
Yung isa kay Jiro tapos yung isa kay Yousten. Lumapit ako kila Alexa para alalayan si Yael. Patayo na sana kami nang may biglang sasakyan na pumasok galing sa taas.
Bumukas yon at niluwa sila papa
"Addie!" Tawag niya sakin then lumapit samin para alalayan din si Yael. May nakita ako na sasaksak sana kay Yousten pero kinuha ko yung dagger ko at hinagis sa kanya. Saktong tumama sa mata niya kaya lumingon sakin si Yousten tapos ngumiti.
"Hon ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Tommy na lumapit kay Alexa "oo si Yael kailangang dalhin na kaagad sa hospital" sagot ni Alexa.
Wala ng malay yung binugbog nila Jiro
"Jiroo!!" Tawag sa kanya ni Lia at niyakap siya.
"Ganito dapat yung iba magpunta na sa hospital. Kami na bahala dito ni Addie" sabi ni papa
"Tito sasama po ako" sabi ni Yousten "ako rin po" sabi ni Jiro
"Okay sige. Ma ikaw na bahala kila Alexa" tumango si Mama.
"Pumunta na kayo sa hospital baka hindi na kayanin ni Yael" sabi ni papa
"Asan si Berry?" Tanong ni Kyle
"Hindi ko alam kung saan nila dinala" sagot ko. Nilapitan ni Kyle si Yael sa sasakyan alam ko kahit galit yan kay Yael hindi siya sa masaya dahil sa nangyare.
"Dalhin mo to Jiro" sabi ni Lia sabay binigay sa kanya yung baril na hawak niya tapos binigay sakin ni mama yung shotgun niya then hinalikan ako sa pisngi "ipangako mo Addie na uuwi kayong ligtas ah" sabi ni mama sakin "opo ma uuwi kami kasama si Berry" sagot ko tapos niyakap ako ng mahigpit "mag iingat kayo ng ate at papa mo" tumango ako tapos kumalas na siya sakin
"Sige na sumakay na kayo" sabi ni papa tapos sumakay na sila Lia, Mama, Alexa, Tommy at Yael.
Kami nalang ang naiwan nila papa, Jiro, Kyle at Yousten.
"Ganito dapat maghiwalay tayo para malaman natin kung saan dinala si Berry" sabi ni papa
Biglang bumagsak ang malakas na ulan.
"Kyle kaya mo bang itrack si Berry ngayon?" Tanong ko kay Kyle tapos may inayos siya sa phone niya.
"Nasa sementeryo sila" sabi niya samin "tara na bilisan na natin" sabi ko tapos pumunta kami doon sa kotse na sinakyan namin nung nakidnap ako.
Walang susi kaya bumalik ako sa mga lalakeng walang malay tapos kinuha yung susi "tara na" sabi ko then sumakay na kami.
"Addie bilisan mo dahil ang alam ko malayo dito yung sementeryo na yon" sabi ni Kyle sakin kaya binilisan ko kaagad magdrive. Hindi pwedeng matapos tong story na to na ganito ang kahahantungan namin noh.
Binigay sakin ni Kyle yung phone niya para masundan ko yung location. Mabuti nalang hindi traffic dahil kung hindi malilintikan sakin yung mga mababangga ko.
*after 30 mins*
Nakarating na kami dito at nakita na namin si Berry na kinakalaban magisa yung mga tauhan ni Lyka.
Bumaba kami at sinugod yung mga tauhan niya "Berry alis diyan!"sigaw ni papa kaya lumingon si Bery kay Lyka tapos siya naman ang sinugod.
Berry's POV
Tumakbo ako papunta kay Lyka at sinakal siya pahiga. Pagod na ako at konti nalang susuko na yung katawan ko.
Ililibing na sana nila ako kanina pero sinipa ko yung takip ng kabaong tapos pinalaban ni Lyka yung mga tauhan niya sakin and oo yung iba napatumba ko pero yung iba sobrang lakas kaya nanghihina na ako.
Nahagip ni Lyka yung baril niya pero hinawakan ko yon pataas tapos naiputok niya. Tumigil na sila papa sa paglalaban tapos lalapit sana sakin pero pinigilan ko dahil baka matamaan sila. Nagkabaliktad kami ni Lyka ng pwesto kaya ako na ang nakahiga habang siya nakaupo sa ibabaw ko
"Dapat sayo mamatay!!!" Sigaw ni Lyka at tinutok sa dibdib ko yung baril.
Pumikit ako. Ito na ba talaga ang katapusan ko? Hindi ko na ba sila makakasama ulit? Hanggang dito nalang ba talaga ako? Gusto ko pa silang makasama. Gusto ko pang tumagal dito at ayoko pang mamatay. Mahal na mahal ko ang mga taong yan na palaging sumusuporta sakin at ni minsan hindi ako iniwan
*BANNNGGGGGG!*
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomansaThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...