50

23 7 0
                                    

Matilda's POV

Gabi na pero nandito ako sa tapat ng building nila at hinihintay na lumabas yung taong hinihintay ko.

Maya maya lumabas na siya kaya lumapit ako sa kanya tapos pinukpok yung baril sa ulo niya kaya nahimatay siya. Dinala ko siya sa backseat tapos tinalian yung kamay niya.

Sumakay na ako tapos nagdrive papunta sa mansion ko. This time kailangan ko na kumilos at hindi na pwede sakin ang kikilos lang kapag may nadamay pa.

Pagdating dito dinala ko siya sa isang secret hiding place ko. Tulog siya kaya pinaupo ko siya sa upuan tapos tinali siya doon. Kinuha ko yung cellphone niya tapos iniwan ko na siya.

Nilock ko yung room na yon tapos tinanggal ko yung cap ko and tinawagan si Addie.

Sinagot niya kaagad "Addie nakuha ko na siya. Kailangan na nating kumilos"

"Oo nakikita ko dito sa bintana yung ibang mga tauhan na nagbabantay"

"Good. All you need is to pretend and dapat wala kang alam sa nangyayare"

"What if iba ang nakuha nila dito?"

"Then proceed sa plan B. Just enjoy the game lang tutal siya naman may gusto nito eh. Hindi niya aakalaing madadamay ang taong napaka importante sa kanya"

"Sige. Babantayan ko yung iba"

Binaba ko na yung tawag sabay pumunta sa bahay ko then nagtake muna ako ng shower.

Nagbabad ako sa tub na parang tulala

Malapit na to matapos Yael kaya sana makaabot ako kaagad.

Hindi lang si Yael ang target ni Lyka kung hindi pati na kami kaya ginagawan ko na ng paraan para walang magalaw sa kanila.

Pumikit ako at nagpahinga muna.

*weeks pased*

Tapos na ang shooting namin and finally nakakapagpahinga na rin ako ng ilang araw.

Dumating ang maraming events, photoshoots at iba pa na puro kami lang ni Yael ang palaging nagkikita doon.

Hindi na kami nag uusap kaya heto, nasa interview kaming mga cast.

"So Matilda anong masasabi mo dahil finally tapos na ang shooting niyo with Wave"

Tinaas ko yung mic "nag enjoy naman ako sa lahat ng panahon na nakasama ko siya or sila"

"May mga nagtatanong na netizen na kung anong gagawin mo pagkatapos nito?"

"This is my first and last movie na po and hindi na ako tatanggap ng mga projects" sagot ko tapos napatingin silang lahat sakin.

"Matilda! Matilda! Matilda!" Sigaw ng mga fans ko kaya nginitian ko sila

"Bakit mo nasabing first and last movie? May ayaw ka ba sa mga nakatrabaho mo? Hindi ka ba komportable?"

"Sa katunayan ayokong mag artista pero may isang tao na palagi akong chinicheer up para sumali sa ganito. Wala akong naging problema sa kanila kasi masaya pa nga ako na nakilala ko sila"

Bigla akong kinabahan pagkatapos kong sumagot. Nakikita ko sa peripheral vision ko na may nakatutok sakin

"Last---" tumayo ako kaagad at hinanap yon tapos nakita ko na isa sa mga camera man ang may hawak ng baril.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tae hindi natinag "Matilda?" Tawag sakin nung host tapos umupo ulit ako "you looked so tense" sabi ni Yael sakin pero hindi ko siya pinansin.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon