Matilda's POV
Nakarating na kami sa beach resort kanina pa and heto sila yung iba nagsiswimming na at yung iba naman naggigrill ng mga foods.
Habang kami naman ni Kyle nandito sa sand na nakaupo palang
"Hindi ka pa ba magpapalit?" Tanong ko
"Hindi ka pa nga rin nagpapalit eh"
"Alangan namang sabay tayo sa c.r"
"Bakit hindi kung ikaw lang din naman"
"Bastos ka talaga Kyle. Sige na magbihis ka na doon mamaya na ako" sabi ko
Yung ibang cast nakaswimsuit na pero ako? Ayoko pa magpalit.
Tumayo siya "sige pero after ko magpalit, magpalit ka na rin" sabi niya then nagnod ako tapos umali na siya.
"Hay nako kaya siguro hindi nagpapalit dahil hindi siya makinis" may boses ako na narinig and kilala ko naman na yon
"Hindi makinis? Bakit kuminis ka ba sa suot mo?" Tanong ko sabay napatingin sa suot niya. She's wearing a mermaid style two piece tsk! The heck!
"Bahala ka na nga diyan hmmp!" Sabi niya then lumapit sa tubig.
Patayo na ako nang makita ko si Yael na nasa likod ko lang pala tapos nakasuot ng trunks niya then topless siya pero imbis na pansinin ko dinaanan ko nalang.
Ayoko na makipagtitigan sa kanya.
Dumating si Kyle na nakasuot ng blue short tapos topless na rin siya tapos may dala siyang sleeveless hood na white. Lumapit siya sakin "magbihis ka na doon" sabi niya tapos tumango ako.
Pumunta ako sa kwarto namin ni Kyle then kumuha ako ng blue two piece para partner diba? Favorite ko kasi yung blue hihi. Sinuot ko yon then tumingin sa salamin "ayan dapat hindi tayo nagpapakabog sa ganito" sabi ko then nagpose pose pa hahahaha. Lalong nagiging hot ang itsura ng katawan ko dahil sa tattoo ko sa legs ko. Naglagay ako ng sunblock para hindi masunog yung balat ko mamaya.
Lumabas na ako ng kwarto and to be expected napanganga yung mga boys na nadadaanan ko. Alangan namang ikahiya ko pa yung katawan kong flawless diba? Kailangan isampal sa mukha ni Sabrina the feelingera na never akong nagpapatalo sa ganitong klase ng pagandahan.
Nakita ko si Kyle na lumalangoy na pati sila Yael. Napatingin siya sakin pero umiwas kaagad. Yes? Bakit nakatingin ka po?
Naglakad ako palapit kay Kyle "ba't yan ang suot mo? Diba dapat yung isa?" Sabi niya
"Hindi yon kulay blue" sagot ko. Umahon siya tapos binigay sakin yung hood niya "wear this" napakunot naman ang noo ko "ihhhh Kyle naman eh" pagrereklamo ko.
"Berry sobrang revealing ng suot mo oh tapos pwedeng pwede pa matanggal yung pagkakatali nung strap ng bikini mo sa likod" oo nga noh? Pero kasiii namannnn
Kinuha ko yon at sinuot "tara na swimming na tayo" sabi ko then ngumiti siya.
Hindi pa rin ako marunong lumangoy kaya ayan kapit lang ako ng kapit sa kanya.
Nagpunta kami sa malalim "Kyle ayoko na dito" sabi ko sabay kapit sa kanya
"Paano ka matututong lumangoy kung palagi kang takot?"
Bumitaw ako sa kanya "pag ako nalunod ah bibigwasan kita ng bonggang bongga"
"Edi lulunurin nalang kita para tapos ang problema"
Hinampas ko siya "bwiset ka!"
Tumawa siya "Kyle gusto ko magfloatingggg" napatigil siya "okay fine dapat ibalance mo yung katawan mo ah" sabi niya then inangat ako pataas.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomanceThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...