Wave's POV
Last day of shooting.
Sobrang busy na talaga namin ngayon dahil patapos na to ngayon.
Nasa boracay kami ngayon dahil dito gaganapin yung scene na kung saan babalik si Leah (Sabrina's Role) at babalikan ang mga alaala nila Matthew (my role)
Nakakabitin man pero wala eh hanggang doon nalang daw talaga sabi ng scrip writer.
Nag announce pala si Direk na may outing kami in the next 2 days daw and ang gusto niya doon kami sa japan mag outing oh diba ang layo hahahhaa. Sagot daw ng ceo yung budget namin and ang gusto ni direk ay doon sa Noboribetsu Hot Spring na malolocate sa Noboribetsu, Hokkaido, Japan.
Gusto daw kasi ng ibang staff na makapagrelax sa hot spring kaya ayon lahat ayon nagdecide sila na sa japan daw para mas refreshing. Ayoko sana sumama kaso pinilit ako ni direk.
"Wave ready na ba kayo dyan?" Tanong niya and nagthumbs up lang ako.
"Neung.. song.. sam.. Action!" Sigaw ni direk kaya napatingin kami sa kanya.
Ano daw? Neung ano? San napulot ni direk yon? Madalas kapag iba yung binabanggit niyang words na hindi kami familiar ibig sabihin may pinanood na series yan bago nagshooting.
"Direk ano po?" Tanong ko at nagsitinginan lahat sa kanya.
Blangko lang ang mga itsura namin na nakatingin sa kanya.
"I-I mean 3.. 2.. 1.. in thailand. Kasi nanood ako ng BL series kagabe guys edi nacarried away ang lolo niyo kasi yun na yung naririnig ko kaya ayon naaadapt ko na. Ay guys try niyo panoorin yung series na yon maganda yon pramis!"
Sabi niya tapos tinaas pa ang kamay na nangangako pa talaga.
"Direk ano bang title para mapanood na namin mamaya"
"Sesend ko nalang yung link sa inyo. So balik na sa trabaho"
Umayos na kami ni Sab.
"Wave nahihiya talaga ako sa last scene natin. Pwede bang umatras nalang?" -Sabrina
Dito kasi sa last scene maiimagine ni Leah na nasa tabi niya si Matthew then may magaganap na kiss scene. Parehas kami ni Sabrina na umayaw doon dahil nga parehas kaming hindi marunong non pero sabi ni direk samin subukan daw namin manood ng mga kiss scenes sa movies.
Sa sobrang abala ko na bisitahin si Berry palagi, hindi ko na nahaharap manood kaya ayan pati ako naiilang.
"Just imagine na boyfriend mo kahalikan mo" sabi ko
"Nasisiraan ka na ba Wave? Diba nga NBSB ako so paano ko gagawin yon. Kahit kailan timang ka talaga" sabi niya at binatukan pa ako.
"Okay ready!!" Sigaw ni Direk.
"3.. 2.. 1.. action!"
Lumayo si Sab sa akin para maglalakad siya mamaya papunta dito.
"Matthew bakit mo ko iniwan.. handa na akong tanggapin ka ulit pero bakit? Bakit kung kailan handa na ako tsaka ka nawala? Tsaka mo naman ako iniwan" sabi ni Sabrina habang umiiyak.
Naglalakad siya papunta sa dagat habang nakatingin sa sunset.
"Dito tayo unang nagkakilala diba? Dito rin ako pumunta dahil wala ka na" yumuko siya at pinunasan ang mga luha niya.
Curious ba kayo sa nangyare sa role ko kung paano siya namatay?
Nakidnap si Matthew tapos binugbog ng mga tauhan ng fake girlfriend niya. Nalaman ni Leah yung nangyare at siya mismo humarap sa babaeng yon. Paaano ba nalaman ni Leah na nakidnap si Matthew? Well bumalik siya sa place kung saan niya iniwan yung lalake kaso pagbalik niya cellphone nalang ni Matthew ang nakita niya. Kinabahan siya that time tapos nagulat siya nung tumawag yung fake girlfriend ni Matthew.
Pinapunta siya sa isang warehouse at doon nakita niya yung lalakeng mahal niya na naliligo na sa dugo. Sinubukan niyang itakas siya pero nahuli sila nung babae then tinutukan siya ng baril sa malayo. Sa kasamaang palad nakita yon ni Matthew kaya humarang siya para saluhin ang bala na tatama kay Leah.
Dumating ang mga pulis para hulihin yung babae dahil bago pa pumunta si Leah nakaon ang gps niya kaya nalocate siya ng mga pulis.
Hinuli nila yung babae habang si Leah umiiyak sa tabi ni Matthew. Sinugod na kaagad nila sa hospital si Matthew kaso dead on arrival na pala kaya namatay siya.
Tragic noh? Gaya samin ni Berry.
Hayyy parang relate talaga ako.
Lumapit ako kay Sabrina at niyakap siya sa likod. Ito yung part na ng imagination niya.
"M-Matthew" tawag niya tapos ngumiti ako.
"Bakit mo ko niligtas? Kung hindi mo ginawa yon sana buhay ka pa" sabi niya habang lumuluha.
I wiped her tears.
"Because I love you Leah" sabi ko habang nakatitig sa kanya. Yumakap siya sakin pagkatapos kong sabihin yon.
"nakakapagod na.. ayoko na ng ganito.."
Bigla akong natulala sa sinabi niya.
"Y-yael nakakapagod na.. ayoko na ng ganito.."
Ganyan na ganyan ang sinabi niya nung huling kita ko sa kanya.
"Cut! Wave anong nangyare sayo?"
Napatingin ako kay direk.
"Sorry direk may naalala lang" sagot ko.
"Uulitin dyan sa mismong scene na yan"
Tumango kami ni Sab
"3.. 2.. 1.. action!"
"nakakapagod na.. ayoko na ng ganito.." sabi ni Sabrina.
Hinawakan ko siya sa mukha. Sinusubukan ko na maimagine si Berry ang kaharap ko kaya pumikit ako.
Maya maya minulat ko ang mga mata ko.
Siya na ang kaharap ko. Napangiti ako dahil effective naman ang ginawa ko.
"Mahal kita Matthew" sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Unti unti kong nilapit ang labi ko sa labi niya. Naalala ko nung hinalikan ko si Berry nung gabing nakitulog kami kila nanay Carmela. Sobrang saya ko kaya nun.
Naramdaman ko ang malambot na labi niya kaya ako na mismo ang nag first move. Pumikit siya and pumikit na rin ako para mafeel yung paghahalikan namin.
"Cut! Very good Wave and Sabrina!" Sigaw niya kaya napamulat ako. Nakita ko na si Sabrina na pala ulit ang nasa harap ko at hindi na si Berry.
Lumapit sakin si Lily na may dalawang tubig at wipes.
"Such a good kisser Wave akala ko ba hindi ka marunong?" Tanong sakin ni direk pero hindi ko siya pinapansin. Kumuha ako ng wipes at pinunas sa labi ko.
"So guys wrap up na para makauwi na ng maaga" sabi niya then pumunta kami sa may tent.
"Anyare sayo Wave? Parang kanina feel na feel---" pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.
"Stop it Lily. Ginawa ko yon dahil ibang tao ang iniisip ko" sabi ko kaagad.
Nagliligpit na yung mga staff and magpapalit na sana ako kaso nagsalita na naman si direk.
"Guys picture muna tayo for the last day of shooting" sabi niya kaya nagsipunta na kami kung saan siya nakatayo.
"Wave and Sab sa gitna kayo umalis ka dyan Kristine" sabi ni direk.
Pumwesto na kaming lahat and pinahawak kay Lily yung camera.
"1.. 2.. 3.. smile!"
*click*
*click*
*click*
Naghiwa hiwalay na kami then nagpalit na ako ng damit.
Finally natapos na rin.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomanceThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...