Berry's POV
Sabi ng doctor pwede na daw akong umuwi kaya heto ako nasa sasakyan ni papa. Namimiss ko na yung bahay namin eh.
Pagdating namin dito tinitigan ko muna yung bahay tsaka bumaba "welcome back Princess" sabi ni papa at inalalayan ako papasok sa bahay.
May mga tao dito na naghihintay sakin tapos nakangiti sila "welcome back sissy!" Sabi ni Alexa then nagbeso sakin tapos sumunod si Addie na humalik din sa cheek ko.
Ang saya saya ko dahil sa wakas nakauwi na ako sa mismong bahay namin.
"Welcome back anak" sabi ni mama tapos hinalikan ako. May mga pagkain na nakahanda sa mahabang table.
Lumapit sakin si Kyle "welcome back Berry" sabi niya tapos pinalo ko siya ng mahina "akala mo naman hindi tayo nagsasama araw araw" sabi ko then natawa siya.
"Masaya kami ng mama mo Princess dahil buhay ka at hindi ka pinabayaan ng diyos na mamatay pagkatapos ng lahat. Mahal na mahal ka namin at walang araw na hindi ka namin namiss ng mama mo." sabi ni papa habang nagpupunas ng luha.
"Aww~ tito why so sweet ngayon. Ilang garapon ng asukal ang nilaklak niyo ni tita?" Sabat ni Alexa kaya natawa kami.
"Berry ipangako mo na hindi mo na kami iiwanan ah. Papayag kaming magtravel ka sa ibang bansa pero hindi kami papayag kapag napunta ka ulit sa panganib" sabi ni mama "opo ma. Salamat kay Grace at Kyle ma dahil niligtas nila ako noon. Kung wala sila, baka wala rin ako sa kinatatayuan ko ngayon" sabi ko.
"Ano pa hinihintay? Group hugg!!" Sabi ni Alexa sabay naghug kaming lahat.
*after 3 days*
3 days na ang ang nakalipas pero hindi pa rin gising si Yael. Kapag nakikita ko na paalis na si Sabrina sa kwarto niya saka ako pumapasok palihim para tingnan siya.
Ngayon nag aabang ako dito sa labas para sa pag alis ni Sabrina kasi mga ganitong time siya umaalis.
Biglang bumukas ang pinto tapos lumabas si Sabrina na nagmamadali kaya pumunta ako kaagad sa kwarto ni Yael tapos sinilip siya. Pinihit ko ang doorknob para pumasok "sino ka?" Bigla akong nanigas nang may marinig ako na nagsalita.
Dahan dahan akong lumingon "Y-Yael g-gising ka na?" Tanong ko sabay lapit sa kanya. Ngumiti siya "ikaw pala" biglang pumasok yung doctor niya tapos mga nurse.
"Berry? Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni Sabrina at tinulak ako palayo kay Yael. "He's fine now" sabi ng doctor tapos umalis na sila. Sinubukan ni Yael bumangon "Sabrina stop it" sabi ni Yael. Mahina lang pero naririnig ko "g-gusto ko l-lang s-silipin si Yael" sagot ko kay Sabrina.
Tumaas ang kilay niya "Berry nag usap na tayo diba? Oh gising na si Yael baka naman gusto mong tumupad sa usapan" bulyaw niya sakin kaya napayuko ako.
"Sabrina tama na nga yan" sabi ni Yael tapos hinawakan siya sa kamay kaya napatingin ako doon. Naiinggit ako kay Sabrina ngayon dahil parang asawa niya na si Yael nung mga panahong hindi pa siya nagigising.
"May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Sabrina pero nginitian lang siya ni Yael "wala po" sagot niya habang nakangiti.
Hinalikan siya ni Sabrina sa cheeks tapos napatingin sakin si Yael kaya umiwas ako ng tingin. Ang sweet nila noh? Para akong tanga dito na hindi manlang umalis dahil parang nakakaistorbo na ata ako sa kanila.
Ang tanga tanga ko.
"Kapag magaling ka na, ako ang mag aalaga sayo sa condo mo okay? Hindi pa alam ng media to kasi sabi ko nagbakasyon ka kasama ko" sabi ni Sabrina
"Sure" sagot ni Yael. Kumikirot yung puso ko na parang unti unting dinudurog ni Yael.
Akala ko aabot pa ako.
Akala ko okay na
Akala ko ako pa rin
Akala ko lang pala
Dahil ang totoo si Sabrina na talaga ang mahal niya at ako? Wala na. Hindi ko na nakikita sa kanya yung Yael na nangungulit sakin. Parang feeling ko natalo na ako sa isang laro tapos yung supporters ko sa iba na sumama
"M-mukhang nakakaistorbo ata ako. Aalis na ako ah bye" sabi ko sabay takbo at tinakpan ko yung bibig ko dahil baka maiyak pa ako.
Tumakbo ako sa malayo sa kanila. Napahinto ako sa may tapat ng puno tapos dito ako umiyak.
Dati pangarap ko lang si Yael. Idol pa lang ang tingin ko sa kanya pero iba na ngayon eh. Sobrang lalim na ng feelings ko sa kanya. Akala ko pagkatapos nito okay na kami pero hindi pala ganun kadali yon. Pumapatak ang mga luha ko sa damit ko pero hindi ko yon pinansin dahil ang sakit sakit na.
Ilang beses ko ba kailangang sabihin na palaging masakit? Ang sakit talaga eh.
"Do you love him that much Berry?" Napatingin ako sa nagsalita at si Kyle pala na nakatayo na sa harap ko "K-Kyle" hinawakan niya ang kamay ko
"Ang tigas kasi ng ulo mo Berry eh"
"Kyle ang sakit na talaga"
"Kung nasasaktan ka, paano pa kaya ako na nakikita ka na nasasaktan?" Pinunasan niya yung mga luha ko gamit ang kamay niya.
"Let's go back to america" sabi niya sabay ngiti
Napatitig ako sa kanya "you need to move on na Berry" dagdag niya
Addie's POV
Magkaaway kami ni Yousten ngayon dahil naiinis ako sa kanya. Kagabe pa yan walang paramdam sakin kaya ngayon wala pa ring tawag or text manlang shuta namamahalan na ba sa load? Paloadan ko siya para naman makapagreply kainis.
"Addie anak pupunta muna kami ng papa mo sa kaibigan namin" sabi ni mama
"Sige ma" sagot ko lang tapos tinawagan si Yousten pero shuta hindi talaga sinasagot.
Yousten Sugino ano bang ginagawa mo? Kapag may kagaguhan ka na namang ginawa, babayagan talaga kita hanggang mabaog ka.
Nagpalit nalang ako ng damit tapos nag ayos para pumunta sa mall para maglibang.
Idedate ko yung sarili ko dahil wala si Yousten. Lagot talaga sakin yon kapag nakita siya nako kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Biglang dumating si Alexa "sisssss I have a bad news!"
Napatingin ako sa kanya "ano na naman yan sis?" Tanong ko habang nag aayos
"Si Yousten sis jusko may babaeng kasama" sabi niya na ikinatigil ko tapos tumayo
"ano?!" Sigaw ko
![](https://img.wattpad.com/cover/225474827-288-k897942.jpg)
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomansaThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...