67

22 6 0
                                    

Sabrina's POV

"Kyl---"

"Berry is not my girlfriend from the beggining"

Napanganga ako sa sinabi niya.

Hindi niya girlfriend si Berry?

"A-anong sinabi mo? H-hindi mo g-girlfriend s-si B-Berry?" Nauutal na tanong ko. Parang may kumurot sa puso ko

"oo hindi ko siya girlfriend. She really loves Yael, Sabrina and wala kang magagawa para pigilan yon. Hindi ikaw ang magdedecide para sa kanilang dalawa. Yes I admit na nagseselos ako pero naisip mo ba na kapag pinagpatuloy mo yung ginagawa mo na ipilit ang sarili mo, sasaya ka ba? Magiging kayo ba? Maybe oo siguro pero do you know the word 'pity'? No because you're just thinking about yourself Sabrina. Hindi mo alam yon dahil palagi mong iniisip na maaagawan ka kahit hindi naman sayo"

Bumagsak ang mga luha ko. Tangina ayoko na makarinig pa galing kay Kyle. Ang sakit niya magsalita

"Kyle stop" sabi ko sabay yuko

"No! Yan dapat ang tanggapin mo. Hindi ka niya kayang mahalin Sabrina!" Tinakpan ko ang mga tenga ko

"Kyle tama naaaa!!" Napaupo ako sa floor

"Kung mahal mo talaga si Yael dapat hayaan mo na siya" hinawakan niya yung balikat ko

Hindi pwede! Ayoko!

"No Kyle! Hindi pwede dahil kaya kong ipaglaban si Wave"

Totoo kaya yon? Naaawa lang ba sakin si Wave? Hindi naman diba? Tangina ang sakit!

Addie's POV

Gabi na and lahat kami pagod na pagod "guys I know pagod kayo ngayon kaya I suggest na dito nalang muna kayo matulog. Sa 3rd floor may mga kwarto doon pwede niyong gamitin muna"

Nakaupo ako sa tabi ni Yousten "baby kaya mo ba magdrive?" Tanong ko

"Hindi baby, pagod din ako" sagot niya

Sa flow ng event halos nangalay kami kakatayo dito tapos may nangyare pa sa room nila Tommy kanina. Langyang Berry yon hahahhaa nakahanap ng prince charming ah.

"Let's go" sabi ni Yousten tapos tumayo "di ko kayang maglakad by ang sakit ng mga paa ko" sabi ko

Bigla niya akong binuhat na parang bata. Nakaharap ako sa kanya tapos yung kamay niya nakahawak sa pwet ko buset na Yousten to nanghahawak kaagad.

"AYYYYIIIIEEEEE!!!" Naghiyawan sila dito.

"By ibaba mo ko" sabi ko habang nakatingin sa kanya "no. Sabi mo masakit yung mga paa mo kaya sige ganito nalang"

Yousten naman eehhhhh!!! Mukha tuloy kaming PDA dito buset nakakahiya

"Isa Yousten ibaba mo na ako maglalakad nalang ako"

"No. Tara na" sabi niya tapos kinuha yung bag namin na may laman na mga damit kasi nakacostume pa rin kami. Si Berry at Kyle nauna na pumunta sa 3rd floor.

Naglakad si Yousten tapos ako nakatingin lang ako sa kanya. Buset ang awkward kayaaaa "Yousten pwede naman kasing piggyback ride nalang bakit ganito pa napili mo" sabi ko

"Gusto kita titigan eh bakit ba?" Sabi niya. Taena kinikilig ako! Yumuko ako tapos ngumiti pero di ko pinahalata sa kanya kasi baka isipin niya gustong gusto ko noh!

"Baby you look beautiful today"

Puta paano kumalma? Tae tigilan mo yan Yousten nakoooooo!

"Maganda naman talaga ako" then yumakap ako sa leeg niya

"Ang swerte ko naman sa vampire na nagbubuhat sakin" bulong ko sa tenga niya tapos biglang namula yon kaya tiningnan ko yung mukha niya.

"Hahahhaha akala mo ikaw lang by" tumawa ako habang siya tahimik "stop it Addie baka kagatin ko leeg mo" sabi niya kaya tumahimik ako.

May naalala ako "baby natawagan mo na ba yung mag aayos sa wedding natin?" Tanong ko

"Oo kanina lang. Ang sabi nila settled na daw yung mga gagamitin kaya bukas pupuntahan na nila yung resort" sagot niya

Awwwwiiiieee~

"Nga pala by aattend ba si Berry? Siya sana kukunin ko na maghanda ng foods" sabi niya

"Talaga by? Oo naman aattend yon. Hindi pwedeng wala siya kasi ang kj niya na kapag ginawa niya yon"

"Gusto kasi siyang makita ni Yael doon by. Bat ba naman kasi ayaw pa siyang pakawalan ni Sabrina eh"

"By wala tayong magagawa doon. Si Yael lang talaga yung magdedecide kung hahabulin niya si Berry o hindi"

Nakapasok na kami sa isang kwarto then nilagay niya yung gamit namin doon sa kama tapos sinara yung door.

"Oh baba mo na ako" sabi ko pero tae anyare kay Yousten?

Kiniss niya ako sa cheek tapos bumulong "magpalit ka na kasi baka kagatin ko yan" nanlaki ang mga mata ko tapos napatingin siya sa boobs ko na medyo kita yung cleavage ko. Tinakpan ko yon "ang manyak manyak mo talaga Yousten!!!" Natawa siya tapos binaba niya na ako.

"Bilisan mo hahahaha" kinuha ko yung bag ko tapos pumunta sa c.r

Taeeeeeee! Napatingin ako sa salamin at totoo nga nako jusko!!! Buti nalang nakapagpigil si Yousten dahil kung hindi baka may nangyare na samin. Syempre sa honeymoon nalang yon noh.

May tub dito kaya tinanggal ko yung costume ko tapos nagbabad.

Hay buti nalang nakapagrelax relax na rin.

Berry's POV

Kanina pa ako nakahawak sa labi ko tapos natututlala pa ako.

"Sis ano hindi makamove on? Feel na feel pa rin?" Nilingon ko si Alexa na nandito sa kwarto namin ni Kyle "kasi naman sis ikaw kaya mawalan ng hangin kanina" sabi ko

Mawawalan na kasi ako ng hangin kanina kaya no choice na rin talaga ako kung hindi sumunod lang kay Yael.

"Well para sa inyo nagbibigayan lang kayo ng hangin but your fans naman iba ang iniisip sis. Look at this, may nag upload ng videos niyo tapos mostly puro fans niyo pa. May mga lumabas na ring article na naman about sa inyo" tiningnan ko yung video na sinasabi ni Alexa.

Oo nga ibang iba talaga iisipin ng fans sa ginawa namin na parang scripted lang ang lahat.

"By the way sis pupunta ka ba sa kasal ni Addie?"

Napayuko ako. Mauuna naman yung kasal nila Addie kasi wednesday yung wedding tapos yung flight namin sa thursday na.

"Makakaattend naman pero kinagabihan nun kailangan ko na umalis kasi mag iimpake pa ako" sagot ko

Usapan na namin ni Kyle yon eh atsaka nakabili na rin kami ng ticket kaya tuloy na tuloy na kami sa plano namin

"Bat kasi lalayuan kung mahal mo naman siya sis"

"Deserved siya ni Sabrina" diretsong sagot ko

"Eh ikaw? Di ka ba niya deserved?"

Nanahimik ako

Gusto kong ikwento lahat kay Alexa para naman gumaan yung pakiramdam ko.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon