31

24 8 0
                                    

Jiro's POV

May event kami for the Glass skin cosmetics and halos patapos na yung event na hindi kami nag iimikan ni Alli.

"Guys asan si Alli?" Tanong ni Johnny

"Nasa restroom nagsusuka. Nahihilo daw siya kanina pa" sagot nung staff.

Pumunta ako sa tapat ng restroom at hinihintay ko siya lumabas.

Nagsilabas na yung ibang models doon and siya hindi pa kaya tinawag ko na siya "Alli" tawag ko and maya maya lumabas na siya.

Nilapitan ko siya "Alli okay ka lang?" Tanong ko pero di niya ako pinansin. Dire diretso lang siya naglakad habang nagpupunas ng bibig.

Naman oh!

Sinundan ko siya at hinawakan ko yung braso niya "All---"

"Bitawan mo ko!" Suway niya kaagad sakin tapos hinila niya yung braso niya.

"Alli kumain ka na ba? Bakit ka nagsususka?"

"Wala kang pake!" Sabi niya then naglakad na siya ulit.

Uminit ulo ko sa sinabi niya.

"Bahala ka! Tsk!" Iniwan ko siya doon at bumalik sa dressing room. Nakakainis siya!

Pumunta siya dito at umupo sa harap ng salamin. Halos di kami magkatinginan manlang.

Maya maya kinuha niya yung phone niya at may tinawagan "hello Zeke?" Bungad niya. Hindi ko pinapahalatang nakikinig ako sa sinasabi niya.

"Pasundo ako dito sa BGC, nahihilo na ako kanina pa eh"

Kumuha ako ng earphone then sinaksak ko sa phone ko tapos nilagay ko sa tenga ko pero walang music na nakaon. Paraan lang yan para hindi niya mahalatang nakikinig ako.

"G-ganun ba? Sige uuwi nalang ako mag isa. Pakisabi kay mommy ako na muna mag aalaga kay Hazel pag uwi ko basta magpahinga na muna siya dyan" sabi niya at parang obvious na may problema siya.

Maya maya binaba niya na yung phone niya tapos kinuha yung gamit niya palabas. Since tapos naman na yung event, sinundan ko siya sa labas pero habang naglalakad siya parang hindi siya okay.

Naaawa ako kay Alli gusto ko man siyang tulungan pero tae ang sungit eh.

"Alli!" Tawag ko sa kanya pero hindi manlang siya natigil sa paglalakad.

Napakamot nalang ako ng ulo "Alli!" Tawag ko ulit sa kanya pero kahit tingin manlang hindi niya magawa.

Sinundan ko siya at hinarap "Alli ano bang problema mo?" Tanong ko at inangat niya yung ulo niya. Umiiyak pala siya.

"Excuse me dadaan ako" walang gana na sabi niya pero hindi ako sumunod.

"Anong nangyayare sayo? Nung nakaraan ka pang ganyan" medyo tumaas yung tono ng boses ko.

"Pwede ba Jiro hindi kita pinake alaman ng ilang araw kaya pwede ba sana ganun ka rin? Nakakairita ka eh" napanganga ako sa sinabi niya

Talagang dumistansya siya sakin dahil sa mga sinabi ko sa kanya noon sa parking lot.

Hinawakan ko ulit yung braso niya "Alli" pero hinila niya ulit.

Bumuntong hininga muna ako bago gumawa ng next move.

"Lia!" Tawag ko sa kanya at napatigil siya sa paglalakad pero hindi niya pa rin ako tinitingnan.

Her name is Alliah Claire Fonte and yes siya nga si Lia na naging first love ko noon.

Pumunta ulit ako sa harap niya at hinawakan siya sa balikat "Im sorry sa mga sinabi ko sa parking lot. Galit lang talaga ako dahil sa ginawa mo pero hindi naman ibig sabihin nun araw araw na tayong magkaaway"

"Bestfriend ko lang tumatawag sakin niyan. Hindi naman tayo bestfriend so stop calling me Lia" sabi niya tapos nilampasan ako.

Pumikit ako at huminga ng malalim "you won. Oo ako nga yung nerd na bestfriend mo noon and hindi ko sinabi talaga sayo dahil matagal ko nang kinalimutan yon kaya wala na sakin yung pagiging magbestfriend natin. That day na sinampal mo si Yousten at umalis ka, pinaglaban kita sa kanila pero sino ba ako? Isang nerd na duwag kaya kahit lampa ako tinanggap ko lahat ng suntok nila sakin. Nagbago ako dahil pinaramdam mo sakin na hindi ako ganun kagwapo para maging boyfriend mo and you just left without saying goodbye Lia" nagkaharapan kami

Walang taong dumadaan dito sa hallway dahil busy sila mag wrap up.

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa pisngi "alam mo ba kung bakit kita nireject ha?"

"Then tell me bakit mo ginawa yon?"

"Dahil broken hearted ako Jiro. Ikaw nalang ang meron ako that time. Nireject ko yung confession mo dahil ayokong gawin kang rebound lang kasi importante ka sakin. Ayokong iwanan mo rin ako gaya ni Yousten kaya mas pinili ko nalang na ireject ka para mas tumagal pa yung friendship natin pero ano? Nagbago ka habang wala ako and nalaman ko yun lahat nung nabalitaan ko na sumasama ka sa mga ibang tao para uminom at maging basagulero. Hindi yon ang Jiro na nakilala ko dahil yung bestfriend ko noon mabait at mapagmahal na tao" pagpapaliwanag niya habang nakatingin sakin ng diretso.

"Hinanap kita mula noon hanggang ngayon dahil namimiss kita pero di ko naman aasahan na lalayuan mo ko. Sumali rin ako dito para makausap at makasama ka ulit kahit na failed na ako sa audition, gumawa ako ng paraan para makapasok dito and lahat nang yon dahil sayo Jiro! Ganyan ka kaimportante sakin pero palagi mo kong pinagtatabuyan" sabi niya na mas lalo siyang naiyak.

"Masakit man sa loob ko na iwasan ka, ginawa ko dahil yon naman ang gusto mo eh" dagdag niya

Hinila ko siya at niyakap "Im sorry Lia. Sorry sa mga sinabi ko. Tahan na please" sabi ko tapos hinihimas himas yung likod niya.

Napakalaking tanga mo Jiro! Puro sarili mo lang iniisip mo at hindi mo manlang naisip yung nararamdaman ni Lia after ka niyang hanapin.

Umiyak lang siya ng umiyak sa chest ko "tahan na Lia" bulong ko sa tenga niya then naramdaman ko na yung mga kamay niya pumulupot sa bewang ko.

"Bati na ba tayo?" Tanong niya

Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan yung mukha niya "oo na. Sorry ulit sa mga sinabi ko ah"

Sumubsob ulit siya sa chest ko tapos tumango.

"AYIIIEEEEE!!!!" Napatingin kaming dalawa sa likuran namin and nakita naming andoon na pala lahat ng staffs na pinapanood kami.

"Ikaw talaga Jiro ang hilig mong awayin si Alli tapos yun pala ikaw yung nerd na nagconfess sa kanya noon" sabi ni Johnny

"Maghanap ka rin kasi ng sayo hindi puro camera lang hawak mo" sabi ko then napatingin kay Lia. Hindi pa rin siya bumibitaw sakin at yung mga mata niya parang inaantok.

"Bakit ka pala nagsusuka kanina?" Tanong ko

"Puyat ako kagabe kasi si mommy inatake ng highblood kaya binantayan ko siya sa hospital. Hindi na rin ako nakakain kasi dumiretso ako kaagad dito" sagot niya

Bumitaw na siya sakin tapos tumingin ulit sa likod. Mga abangers talaga sila Johnny kasi kanina pa nakatayo dyan eh hindi manlang umalis.

"Gusto mo kumain?" Tanong ko

"Oo pero ayoko ng lugaw" sagot niya kaagad

"Ayan ka na naman sa kaartehan mo"

"Patapusin mo muna kasi ako Jiro!"

"Bakit ayaw mo kumain ng lugaw?"

Sumenyas naman siya na may ibubulong daw siya kaya medyo lumapit ako para maibulong niya sakin yung sasabihin niya.

"Ayoko ng lugaw kasi pakwan gusto ko. Yung muntik mo nang kupitan sa tabi ng lugawan" sabi niya kaya natawa ako

"Baliw ka talaga Lia. Tara kumain tayo ng pakwan" sabi ko then hinila siya palabas

"ANG SWEEETTTT!!!" Sigaw nila sa likod.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon