52

22 7 0
                                    

Berry's POV

"Goodbye Berry. Sleepwell"

*BANNNGGGGGG!*

"BERRRRYYYY!!!" Sigaw ni Yael

Napahawak ako sa hita ko na tinamaan din ng bala. Tumakbo si Yael at pumunta sakin "noon wala akong nagawa para sa kanya pero ngayon hindi na ako papayag na mawala pa siya kahit ang kapalit pa nun ay ang paglayo ko sa kanya" sabi niya kay Lyka

"HAHAHAHHAHAHAHA!!! NAKAKAKILIG NAMAN ANG LOVESTORY NIYO HAHAHHAA!!"

*BANNNGGGGGG!*

"YAEEEELLLL!!!" Sigaw ko tapos nilapitan siya kaagad. Tinamaan siya ng bala sa dibdib.

Tangina iniingatan ko nga siya tapos babarilin niya lang tangina!

"B-Berry" sabi niya tapos napahiga. Napahagulgol ako lalo dahil hindi ko gusto yung itsura niya ngayon.

Hinawakan ko siya sa kamay "Yael" banggit ko sa pangalan niya tapos niyakap siya

Umiyak ako ng umiyak dahil sa kanya. "Finally tinawag mo na rin ako sa totoong name ko" sabi niya sabay ngiti pero biglang may lumabas na dugo sa bibig niya.

"Yael bakit mo ginawa yon? Mas gugustuhin ko pa na mapunta ka kay Sabrina kesa mangyare to sayo" sabi ko

Hinawakan niya ako sa mukha "ayoko na maulit yung dati na halos nanonood lang ako habang ikaw nagpapakahirap. Kung hindi mo kami niligtas noon edi sana patay na rin kami diba" pinilit niyang ngumiti pero may lumabas na luha sa mga mata niya.

"Oh ano pa hinihintay niyo? Ilibing niyo na yung isa bilisan niyo" utos ni Lyka at nilayo sakin si Yael

Hindi ako masyadong tumayo dahil maya tama din ako.

"Hinding hindi ka magtatagumpay sa ginagawa mo Lyka!" Sigaw ko

"Hindi magtatagumpay? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? You can't even walk na nga tapos ang lakas pa ng loob mo magsalita ng ganyan!"

"Wala kasing nagmamahal sayo! Wala ka ngang kaibigan manlang eh" sigaw ko pero sinampal niya ako

"May nagmamahal sakin at yon ay yung taong pinatay mo. Kung tutuusin dapat hindi na nga kita pinabayaang buhay ngayon eh. Dapat kanina palang pinatay ko na kayong lahat!"

"Hindi lahat ng bagay, pwede mong makuha Lyka! Isa ka lang alalay ni Sammy!"
Inapakan niya yung hita ko kaya napaaray ako.

Addie's POV

"Ilibing niyo na siya ng buhay!" Sigaw niya kaya nilagay si Berry sa isang kabaong tapos tinakpan.

"Oh say goodbye na to your sister" sabi niya sakin

Akala mo mananalo ka? Pwes hindi!

Lumabas na sila tapos kami nalang ang naiwan dito kasama yung ibang mga tauhan niya.

"San niyo siya dadalhin?!" Sigaw ko.

Lumingon si Lyka sakin "kung saan dapat siya nakalibing ngayon" sabi niya sabay tawa.

Bago umalis sila may tracking device na nakalagay sa ilalim ng combat shoes niya.

Nakita ko yon kanina nung sumipa siya at alam ko na ang ibig sabihin nun na kapag umalis siya alam na namin kung saan siya mahahanap.

*Flashback*

"Anong gusto mong pag usapan?" Tanong ni Berry

"Namimiss kita" sagot ko

"Amplastik mo" natawa ako sa kanya

May kinuha ako sa bag ko at inabot sa kanya "look at this. Nakita ko yan sa lalakeng nagmamanman sa bahay eh so being so curious, sinapak ko siya para makuha yan" sabi ko

"Picture mo tapos may mapa sa likod?" Tanong niya

"Oo sa tingin ko nagsisimula na siya sa mga plano niya"

"Hindi ko pa siya nakikitang gumagalaw sa agency nila Yael dahil feeling ko kilala niya na kaagad ako kahit di ko pa siya nakikita"

"So anong plano?" Tanong ko

"Giving them a bait" sagot niya

"Paano?"

"Simple lang alam kong mautak si Lyka pero kailangan mas advance yung plan natin kapag kumilos na siya"

"So paano nga?"

"Tulungan natin sila sa gusto nila. Gusto ka nilang kidnapin edi sige sumama ka sa kanila"

"Yan ang plan A?" Tanong ko then tumango siya

"Plan B ko kung hindi ikaw ang nakuha nila at iba ang gagamitin nila laban sakin"

"So sa plan A sasama ako sa kanila and then what's next?"

"Kukunin ko si Stacey na nagbabantay kay Yael. Hindi pwedeng makuha niya si Yael kaya dapat maunahan ko siya kaagad" kinuha niya sakin yung picture at inabot kay Kyle

"You know what to do Kyle" tumango siya then humarap sakin

"Kailangan ko na silang makita Addie" sabi niya.

After ng pag uusap namin sa plano namin lumabas na ako sa resto tapos may nakita ako sa di kalayuan na parang sumusunod sa akin kaya nagmadali akong maglakad papunta sa sakyan ko. Puta hindi pa ako handa dito.

*weeks passed*

May event sila Berry kaya pumunta ako dahil baka ngayong araw na to may umatake na sa kanya.

Nandito kami sa loob then sila Berry naman nasa stage together with host tapos may nakita ako na lalakeng may hawak na baril kaya pasimple kong hinila siya sa labas.

"Anong kailangan mo ha?" Sabi ko at sinandal siya sa pader. May mga nagsidatingan na kasama niya and alam kong gagawin nila yon.

Hinawakan nila ako tapos sinubukan ko na tumakas pero useless and kasama yon sa plano kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Kinuha nila yung phone ko para itext si Berry and tama nga ako dahil sa di kalayuan nakita ko na siya habang ako naman sinakay nila sa itim na sasakyan.

It's part of our plan.

Umalis na kami sa lugar na yon then pumunta kami sa dating warehouse tapos pumasok kami.

*End Of Flashback*

Si Kyle nalang ang choice namin. Dinala si Yael sa tabi namin "pre okay ka lang ba?" Tanong ni Yousten sa kanya

"Okay lang pre" sagot niya sabay umubo ng dugo.

"Yael makakaalis din tayo dito kaya dapat kayanin mo" sabi ni Alexa na lumuluha pa.

May kinuha ako na dagger na nakaipit dito sa longsleeves ko. Sinadya kong dalhin to dahil alam ko na itatali nila kami kaya pasimple kong kinuha yon.

Medyo nahihirapan akong kunin kasi nasa likod nakatali yung kamay ko kaya hinila ko yung sleeves ko para dumulas yung dagger pababa.

"Yousten" bulong ko kaya napatingin sakin si Yousten "Addi---"

"Ssshh" sabi ko kay Yousten agad baka kasi mapansin nila kami then nung nakuha ko na yon saka ko kinikis sa tali na nakalagay sa kamay ko.

Konti paaaaa

Konting kiskis paaaaaa.

Ayan naaaaaaa

Natanggal ko yung tali sa kamay ko pero di ko pinakita dahil andito pa sila. Yung kanang kamay ko sa likod yung ginamit ko para matanggal yung tali ni Yousten sa kamay "wag kang papahalata. Tanggalin mo rin yung tali nila" bulong ko tapos binigay sa kanya yung dagger.

Dahan dahan niyang tinanggal yung tali ni Jiro sa likod tapos si Jiro naman ang nagtatanggal sa tali ni Alexa.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon