Yael's POV
"Congrats Yael you won!" Sabi niya habang nakangisi sakin.
Kinuyom ko ang mga kamao ko at susuntukin na sana siya nang "sige ituloy mo para hindi mo na siya makita habambuhay" natigilan ako sa sinabi niya.
Kumunot ang noo ko
"Ano bang pinagsasabi mo Kyle?!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya
"Mag aegyo ka muna bago ko sabihin" mas lalo akong nanggigil.
Tae nagagawa mo pa akong utu utuin sa mga oras na to? Ano ka si Sabrina?
"Aegyo mo mukha mo!" Sabi ko sa kanya tapos nilampasan siya
Palabas na sana ako sa kwarto nang "NAIA terminal 2, 1:30 pm" natigilan na naman ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya
"Anong gusto mo? Ihatid pa kita bilang driver mo? Aba napakapogi mo naman" umupo ako sa kama
"HAHAHAHAHHAHA!!" Tumawa na naman siya na mas lalo kong kinairita.
"Tumawa ka pa Kyle talagang tatamnan ng kamote yang bunganga mo" sabi ko sa kanya habang masamang nakatingin
"What the hell Yael! Napaka slow mo naman" sabi niya kaya nahagip ko yung takip ng pot at ibinato sa paa niya kaso nakailag siya.
Umupo siya sa kama tapos may kinuha siya sa bulsan niya na papel "she's 2 weeks pregnant Yael congrats" napanganga ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko yon tapos nakita ko na check up niya yon tapos nakalagay yung name ni Berry.
Buntis si Berry? Buntis siya at ako ang ama? Oo nga ako nga!
Tumingin ako sa kanya "bakit mo sinasabi sakin to Kyle? Akala ko ba girlfriend mo siya?" Ngumiti siya "I saw Berry last night Yael. She was crying because of you and I realized na dapat hindi ako ang nagdedecide ng buhay niya at hindi ko rin dapat siya pinapake alam instead nasa tabi niya ako para icheer up lang siya. I have no rights para ilayo silang dalawa sayo and also she's not mine from the start because wala naman talagang kami. Berry loves you at kahit anong gawin ko, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin niya." sabi niya.
Ngumiti ako sa sinabi niya "it's already 12:30 so you should go na" sabi niya kaya napatingin ako sa orasan.
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya kaya niyakap ko siya "I love you Kyle!" Sabi ko tapos natawa ako
"Uy Yael di tayo talo. Say no to incest and no to bromance ako" sabi niya tapos tinulak ako
"HAHAHAHHAHAHAHAHHA!!!" Tumawa ako
Ang saya saya ko ngayon dahil finally wala ng pipigil saming dalawa ng wifey ko. Kumuha ako ng longsleeve tapos nagpalit ako then nagsapatos ako.
"Hoy Yael bilisan mo dahil nagchat si Berry sakin kanina na papunta na siya sa airport" sabi niya kaya kinuha ko yung papel na binigay niya sakin tapos tinitigan ulit yon.
Just wait me baby, your daddy is coming!
Lumabas kaagad ako sa kwarto tapos kinuha ko yung susi ng car ko. Wala ng oras para makipagchikahan sa inyo guys kailangan ko talagang sunduin yung wifey ko dahil kung hindi, pang habambuhay ko pagsisisihan yon.
Sumakay ako tapos nag drive paalis sa bahay. Hintayin mo ko Berry.
Hindi pwedeng lalaki yung baby natin nang hindi ko manlang naaalagaan. Handa akong gawin yung responsibilidad ko bilang ama para sa kanya. Isa na sa mga pangarap ko ang natupad at alam ko yung iba matutupad na rin kaya dapat mapigilan kita sa pag alis mo ngayon.
Berry's POV
Nandito na ako sa airport at kanina ko pa hinihintay si Kyle dahil nasa kanya yung ticket naming dalawa. Nakaramdam ako ng gutom kaya may nakita akong shop na nagtitinda ng leche flan shake. Kumuha ako ng pera tapos bumili ng large sized dahil dito ako naglilihi.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomanceThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...