Wave's POV
May mallshow kami dito sa Cavite ngayon. Andito rin ang ibang artist ng agency namin kaya marami talagang tao.
"So guys Im Trisha, your beautiful host today and this is my partner"
"Im Andrew, your handsome and gorgeous host for today" pakilala ng isa.
Nakaupo kami dito sa gilid na kasama yung mahabang table sa harap namin.
Maingay dito sa loob ng mall dahil sinisigaw nila ang mga pangalan namin.
"So guys handa na ba kayo sa mga pakulo ng mga beautiful and handsome artist natin!!" Sigaw ni Trisha at nagrespond kaagad yung audience.
"So dahil andito na sila sa harap niyo, sino ba ang gusto niyong mauna na magperform!!" Sigaw naman ni Andrew.
"Wave! Wave! Wave! Wave!!" Sigaw ng mga fans ko at napangiti ako kaya kumaway ako sa kanila.
"KYAAAAAHHHH!!!" Sigaw nila at talagang mabibingi ka sa sobrang ingay.
"So si Wave daw ang una nilang gustong makita na magperform. Tanungin muna natin si Wave kung ano ba ang ipapakita niya satin" sabi ni Andrew at lumapit sa akin.
"So Wave, ano bang ipapakita mo sa mga fans mo ngayon?" Tanong sa akin.
Tinaas ko ang mic ko tapos tinutok ko sa akin.
"Hmmm.. something hot?" Pabiro kong sagot at mas lalong nagtilian ang audience.
"What do you mean by something hot?"
"It's a secret muna syempre" sagot ko.
"Wave! Wave! Wave! Wave!!" Sigaw pa rin ng audience.
"Wait guys pipili kami ng lucky fan na pwedeng magtanong para sa mga artist natin dahil alam naman natin na yung iba ay gusto talaga nila makausap yung mga ibang artist. Take note po isang tanong lang ang pwedeng itanong. So let's start!"
Hindi tumigil ang tilian at namili na si Trisha ng isang fan.
"Ayon ate ikaw halika dito" sabi niya at lumapit sa isang babae.
"Para po kay Mike, chocolates or ako?" Maharot na tanong niya.
Natawa ako dahil sa reaction ni Mike "I think chocolates nalang hahaha mabubusog pa ako" sagot niya at nagtawanan yung ibang fan.
Namili naman si Andrew sa kabilang side "ikaw kuya, anong tanong mo at sinong artist ang gusto mong tanungin?"
"Para po kay Sabrina kung manliligaw ba ako sayo bibigyan mo ba ako ng chance?" Tanong niya at ang lapad pa ng ngiti.
Tinaas ni Sabrina yung Mic at nagsalita "of course. Every guy deserves it naman and hindi naman ako tumitingin sa physical appearance" sagot niya tapos ngumiti. Naghiyawan ang mga malalantod na lalake nung narinig yung sagot niya.
Namili na ulit sila "para po kay Wave, may girlfriend ka na po ba?" Tanong niya at nagsitahimik yung audience.
Hinawakan ko yung mic ko "I don't have a girlfriend pero may special someone na po ako" sagot ko saka ngumiti.
Patuloy lang sa pamimili sila Andrew at Trisha ng fan na pwedeng magtanong.
"Para po kay Wave, may plano ka na ba about sa dating thingy? Explain mo po please"
Tiningnan ko sila bago nagsalita "I don't have any plans right now and sa trabaho muna ako nakafocus ngayon. Hindi naman ako nagmamadali sa mga ganyan kaya as long as Im single pa, ineenjoy ko muna" sagot ko then binaba yung mic.
BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomanceThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...