Alli's POV
Hindi ako pumasok ngayon dahil narinig ko na absent daw si Jiro kaya tinawagan ko siya kanina kaso hindi niya sinasagot.
Hinanap ko siya bahay nila which is binigay din sakin ni Johnny yung address niya kaso wala daw siya doon. Nagpunta na rin ako sa seaside at lugawan na pinagkakainan namin kaso wala rin.
Napagisip isip ko na baka andoon kila Yousten kaso sabi ng dad niya pati daw si Yousten wala kaya kinabahan na ako kasi feeling ko nawawala sila eh. Nagdecide na ako na pumunta kila Addie and tama nga ako sa hinala ko. Nawawala sila Yousten kasama niya daw si Jiro at Alexa para hanapin si Addie kaso hindi pa rin daw bumabalik. Nag aalala na kami dito at hindi na namin alam ang gagawin.
"Tita sa tingin niyo po ba okay lang sila?" Tanong ko pero hindi siya sumasagot. Para siyang nadepress sa look niya pati yung asawa niya.
"Naulit na naman yung nangyare. Kailan ba nila talaga titigilan ang mga anak natin!" Sabi ni tito
"Hindi ko na kakayanin kapag pati yung dalawa nawala pa satin Pa. Gusto kong kumilos na tayo para sa kanila" sabi ni Tita
"Gusto ko rin po tumulong. Nawawala po yung bestfriend ko and alam ko na magkakasama lang sila" sabi ko. Aaminin ko natataranta na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin.
Maya maya may kumatok sa pintuan kaya nagkatinginan kaming tatlo "ako na po magbubukas" sabi ko sabay tayo. Naglakad ako papunta sa pinto tapos binuksan yon. May bumungan sakin na lalake "andiyan ba sila tito?" Tanong niya sakin
Tumango ako "pwede ba pumasok?" Tanong niya pa "pasok ka" sabi ko then sabay kaming naglakad paalis sa pinto tapos dumiretso kami sa sala.
"Kyle?" Tawag sa kanya ni tito. Kilala pala siya nila tito?
Kyle's POV
Nagpunta ako sa parents ni Berry para humingi ng tulong.
"Good evening po" sabi ko then umupo sa sofa
"Anong kailangan mo hijo?" Bungad sakin
"Kailangan ko pong humingi ng tulong sa inyo. Nasa panganib po yung buhay nila Addie ngayon"
"Teka paano mo alam? Sinama rin nila si Yousten at yung ibang tao na close sa kanila. Hindi ko alam kung bakit hindi nila magawang tigilan sila. Hindi pa ba sila masaya na napatay na nila yung anak kong isa?" Sabi ni tita na parang naiiyak.
Alam ko ito na yung tamang panahon para malaman nila na buhay si Berry. Hindi kailangang habang buhay itatago ko siya sa kanila.
"Hindi pa po patay si Berry" sabi ko sabay napatingin sila sakin
"Kyle ano bang sinasabi mo? Kung nagbibiro ka man pwede ba wag sa pagkamatay ng anak ko?" Sigaw sakin ni tita
"Tita hindi pa po patay si Berry. Buhay na buhay po siya ngayon" sabi ko at kinuha yung phone ko para hanapin yung picture ni Berry tapos pinakita sa kanila
"Ayan po si Berry ngayon" sabi ko tapos tiningnan nila.
"P-Pa yung anak natin b-buhay pa siya" sabi ni tita na hindi makapagpaniwala.
"Papaanong buhay siya? Sino yung nilibing namin noon?" Tanong sakin ni tito
Niyakap ni tita yung cellphone ko tapos umiyak "hindi po siya yung nasa warehouse nung sumabog po yon. Kinuha ko siya kasama si Grace kaso nahuli siya ng isang tauhan doon habang hawak ko si Berry na walang malay noon. Kung mapapansin niyo po 1 year kaming hindi nagpakita yun ay dahil hindi pa tapos yung problema natin ngayon. May mga nagbabantay sa inyo kaya hindi muna siya nagpakita dahil baka madamay kayo kaso nga lang nakuha na yung iba kahit hindi pa siya nakikita" paliwanag ko.
Tumayo ako para kunin sana yung phone ko kay tita kaso niyakap niya ako "salamat Kyle. Salamat dahil hindi mo siya pinabayaan mamatay." Sabi niya habang umiiyak sakin.
Ngumiti ako "mahal ko rin po si Berry and never pong nagbago yon" sabi ko tapos tumayo din si tito para yakapin ako "salamat dahil kahit hindi maganda ang first meet natin noon, hindi nagbago ang tingin mo sa kanya. Salamat Kyle" sabi niya sakin
Niyakap ko rin sila. Ang gaan sa pakiramdam na may natutulungan at napapasaya kang tao. I know kapag bumalik na si Berry sa kanila, back to normal na kami. Nakakalungkot man na hindi na kami yung parang dati na halos ako na maging asawa niya dahil sa pag aalaga ko sa kanya atleast naranasan ko na makasama siya sa maikling panahon nga lang.
Masaya na ako kahit bestfriend lang ang turing niya sakin dahil noon pa lang puro na siya Yael. Nasabi niya sakin na naging fan muna siya ni Yael kaso nung nagkakilala sila hindi niya daw expected na magkikita pala sila in person.
Kumalas sila sa pagkakayakap sakin "tutulong kami sayo para maligtas sila" sabi ni tito
"Sa ngayon may nangyayare na sa kanila doon kaya dapat kumilos na tayo"
"Tara doon sa lab" sabi ni tita then sumama kami nung babaeng kasama nila
"Im Alliah po nice to meet you po" sabi niya
"Im Kyle, nice to meet you too" sabi ko sabay ngiti.
Pumunta kami sa may gym tapos may fitting room doon tapis pumasok kami sa loob then hinila kami pababa.
Hindi na ako nagulat nung pagkabukas dahil alam kong mayaman sa baril yung parents ni Berry.
"Here" sabi ni tito sabay abot sakin ng pistol.
"Tito hindi po ako marunong humawak nyan" sabi ko
"Just in case lang naman Kyle" sabi niya then nilagay sa loob ng pants ko yon.
"I know hindi kayo ganun kagaling humawak pero pagdating dapat sa gyera may weapons dapat kayo" sabi ni tita
Si Alliah naman binigyan din ng isang pistol then yung papa at mama ni Berry kumuha ng mga malalaking baril.
"Isuot niyo to" binigyan kami ng bulletproof vest tapos sinuot namin.
"Nasaan sila ngayon Kyle?" Tanong sakin
"Nasa dating warehous po kung saan sumabog yung dati" sagot ko
"Tara pumunta na tayo sa garahe" sumunod kami sa kanya then sumakay sa parang elevator na sinakyan namin kanina tapos hinila naman kami papunta sa kaliwa then tumaas tapos bumungad samin yung garahe nila.
"Tara sakay na" sumakay kami sa sasakyan niya "magseatbelt kayo kasi baka di niyo kayanin"
Si tita naman pumunta sa gate para buksan yon tapos sumakay na sa sasakyan nang biglang may humarang sa harap
"Tito alam niyo po ba kung nasaan si Alexa?" Tanong niya
"Kinidnap sila kaya tumabi ka na diyan dahil nagmamadali kami" sagot ni tito
"Sasama po ako. Asawa ko po yung nandoon and hindi po ako papayag na masaktan siya" sabi niya
"Sumakay ka na dito bilis!" Sumakaya siya kaagad tapos tumabi samin.
"Im Tommy po" sabi niya then tumango kami
"Kyle" sabi ko
"Alliah po" sabi ng katabi ko sabay kaway.
Nagseatbelt kami tapos mabilis na pinaandar ni tito yung sasakyan. Para siyang nakikipagkarera sa mga sasakyan.
Wala na kaming oras kailangan na naming iligtas sila dahil kung hindi, pwedeng isa sa kanila ang mamatay.

BINABASA MO ANG
The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)
RomanceThis the book 2 of the story "And Im Just A Fan" Sa pagkamatay ni Berry, ano na nga lang ba ang mangyayare kay Yael? Muli bang mabubuksan ang puso ni Yael para sa ibang babae? O kaya naman ay hindi pa rin niya kayang kalimutan si Berry? At sino nga...