51

24 7 0
                                    

N/A's POV

Tinuloy ni Lyka ang plano niya na kidnapin yung mga friends ni Berry tapos dinala sa warehouse na kung saan dinala noon sila Berry.

Hindi lang si Yael ang kinuha niya kung hindi pati na rin sila Yousten, Alexa at Jiro na kasama na ni Addie sa warehouse ngayon.

Wala silang alam sa nangyayare. Nakatali silang lima sa mga upuan. Sinusubukan nilang sumigaw at humingin ng tulong pero walang nakakarinig sa kanila.

Alexa's POV

Taena ano bang nangyayare sa amin dito? Ano naman kinalaman namin sa babaeng kumidnap samin?

"Good thing na nandito kayong lahat" sabi ng babaeng nakasuot ng red coat and red skirt tapos maikli yung buhok  with eyeglasses na medyo sosyal tingnan.

"Hoy impakta pakawalan mo nga kami dito. Hindi ko alam kung anong kasalanan namin sayo para gawin mo samin to!" Sigaw ko

"Ano bang nagawa namin sayo?!" Sigaw din ni Yousten

"Actually wala pero yung kilala niyo meron" sagot niya

Amputa yon pala may kasalanan pero bakit kami ang tinarget

"Eh putangina mo pala eh" sabi ko at sasampalin sana ako pero

"Sige subukan mo saktan siya kung ayaw mo patayin ko siya!" Napatingin kami sa sumigaw sa may gate

B-Berry? Buhay si Berry?

"Berry?" Tawag ko sa kanya

May hila hila siyang babae tapos may hawak na shotgun

Lahat kami dito blangko ang expression ng mukha "she's not Berry" lumingon ako sa nagsalita. Alam ni Yael na siya si Berry diba so anong sinasabi niya?

"Buti naman at dumating ka na" sabi ng babae

Pinakawalan ng babae si Addie then nilagay yung kamay niya sa leeg ni Addie.

"Hoy wag na wag mong idadamay si Addie sa kalokohan mo!"sigaw ni Yousten

Nakabantay samin ang mga tauhan niya tapos si Berry naman nilagay niya rin yung kamay niya sa leeg ng babaeng hawak niya.

"Ibaba mo yang baril mo dahil kayang kaya kong pakainin ng bala tong pinsan mo" sabi ni Berry

Thank god buhay siya pero sino pala yung sinugod dati sa hospital?

"Aww~ Im scared na Matilda or should I say Berry hahahahhaha"

Natawa si Berry "paano ka nga naman matatakot eh halos lima ang hawak mo boba" sabi niya naman

"Tama na! Itigil mo na to!" Sigaw ni Yael

Berry's POV

"Alam mo okay na sana na si Wave ang target ko eh kaso buhay ka pa palang bwiset ka" sabi niya sakin habang nanggigigil.

"Noon nagawa niyo na akong patayin pero ngayon ako na gagawa sayo niyan!" Sigaw ko tapos tinulak yung pinsan niya then hinugot yung baril ko para sugurin siya.

Nabitawan niya rin si Addie "Addie pakawalan mo sila" sigaw ko tapos hinarap si Lyka. Sinuntok niya ako sa dibdib ng malakas kaya napaatras ako.

Hindi ko alam na may alam pala siya sa ganito. Nakita ko na susugurin ni Stacey si Addie kaya pinaputukan ko ng baril yung hita niya para di niya mapigilan siya

"AAAAHHHH!!" Sigaw niya then napadapa siya tapos hinarap ko si Lyka na babarilin din sana si Addie pero sinipa ko yung kamay niya.

"Ako ang harapin mo!" Sabay suntok sa lalamunan niya

"Tsk! Matagal kong hinintay na makaharap ka Berry kaya gusto kong mabigyan ng hustisya si Sammy" binaril niya ako sa balikat kaya tumalsik yung dugo ko sa damit ko.

"Berry!!!" Sigaw ni Alexa kaya napaluhod ako tapos lumapit si Lyka at sinipa ako sa mukha.

"Ito ang dapat napapala mo! Dapat sayo namatay na noon pa!!" Sigaw niya sabay tapak sa balikat ko.

Lalapit sana sila Yael sakin pero nahuli sila ng mga tauhan ni Lyka kaya tinali na sila ulit kasama na si Addie.

Hinila niya ako pataas tsaka pinagsisipa "kulang pa yan sa mga ginawa mo kay Sammy! Kung hindi dahil sa pangengealam mo sa kanilang dalawa ni Wave edi sana hindi siya namatay!!" Sinuntok niya ako ng malakas sa mukha.

Nilapitan niya si Stacey na namimilipit sa tama niya "okay ka lang ba?" Tanong niya sa pinsan niya pero sadyang hindi niya kaya. Kaya naman binuhat siya ng mga tauhan ni Lyka palabas

Lumapit sakin si Lyka "kapag pati si Stacey nawala sakin, magbabayad ka kasama sila!" Sigaw niya sabay sampal sakin.

Masasakit yung mga binibitawan niyang sampal at suntok sakin. Mabigat din ang kamay niya gaya sakin.

"Berry okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sakin ni Yael kaya nilingon ko siya pero hindi ako nakapagsalita.

Lumabas si Lyka kasama yung ibang tauhan tapos may naiwan na dalawa dito na silang naghahawak sakin.

"Berry thank god buhay ka" sigaw ni Alexa tapos nakita ko na umiiyak na siya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko nung una palang eh. Alam kong gagamitin niya sila Yael sakin.

Hindi ko sila iniimik dahil kasalanan ko kung bakit sila nandito. Kung noon pa sana na hindi nalang ako bumalik edi sana walang nangyareng ganito. Kung noon palang hinarap ko na kaagad si Lyka edi sana hindi kami aabot dito.

"Addie mag sabi ka nga ng totoo. Alam mo ba na buhay si Berry?!" Sigaw sa kanya ni Alexa pero napayuko lang si Addie.

"B-Bakit niyo tinago samin to ha? Hindi na ba kami considered as family sa inyo? Kung una palang sinabi niyo na kaagad edi sanang hindi tayo umabot sa ganito!" Sigaw niya samin kaya napaluha ako pero hindi ko pinakita sa kanila.

"Wag mong sigawan si Addie, Alex! Pare parehas tayong nakidnap dito kaya imbis na pairalin mo yang init ng ulo mo, mag isip nalang tayo kung paano tayo makakatakas dito" sagot sa kanya ni Yousten

"Bitawan niyo ko!" Sigaw ko sa dalawa pero masyado silang malakas.

"Bakit mo nga ba nagawa ito Berry?" Biglang nagsalita si Yael kaya napatingin kami sa kanya "nagpakilala ka pang ibang tao dahil ba dito? Alam mo na ba na mangyayare to sa una palang?" Tanong niya sakin

Tumulo ang mga luha ko tapos napayuko ako ulit "I can't believe na magagawa mo samin to Berry. Ilang beses mo kong pinagtabuyan dahil lang dito? Tsk! " dagdag niya

Bumalik si Lyka "any habilin for your loved ones?" Tanong niya then pumasok ang isang kabaong na puti.

"A-Anong gagawin niyo sa kanya?!" Sigaw ni Alexa then nilingon siya ni Lyka "ilalagay siya sa place kung saan talaga dapat" then binuksan niya yon

"Come on boys ilagay niyo na siya" utos niya kaya dinala ako doon at pinahiga

"Tama na! Wag na wag niyo na siyang sasaktan!" Sigaw ni Yael

"Sorry Wave but Sammy died because of her"

Lumayo sakin si Lyka at tinutukan ako ng baril.

"Goodbye Berry. Sleepwell"

*BANNNGGGGGG!*

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon