17

23 11 0
                                    

Alexa's POV

Ilang araw na akong hindi makatulog dahil sa kinikilos ni Tommy. Late na siyang umuuwi tapos hindi siya kumakain dito at kinakainisan ko pa yung maliit na bagay lang pinag aawayan na namin gaya ngayon.

"Hon kumain ka na dito" sabi ko at pinagsasandok siya ng makakain.

Kakarating niya lang galing trabaho tapos anong oras na 11 pm na halos tulog na si Zane sa taas.

"Busog pa ako" sabi niya na hindi manlang nililingon yung mga pagkain na hinanda ko.

"Tommy.."

Hininto ko ang ginagawa ko.

"May problema ba tayo?" Tanong ko

Then humarap sa kanya.

"Pagod ako Alexa please wag ngayon" sabi niya.

"Wag ngayon? Eh yung pag uwi ng late pwede? Yung hindi na rin kumakain dito pwede?"

Napatingin siya sakin.

"Alex ano ba? Pagod ako galing trabaho! Kailangan ko pa bang makipag talo sayo?!" Sumbat niya

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ganyan si Tommy kapag nag aaway kami. Sa trabaho naman mas gusto niya yung maagang umuuwi tapos kakain dito.

"Ilang gabi ka nang ganyan Tommy! Naiinis na ako sa ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya

"Ano bang problema mo Alex?!" Sinisigawan niya na ako.

"Tommy hindi ka naman ganyan dati ah. Bakit late ka na umuuwi? Bakit hindi ka na kumakain dito?"

"Sinabi ko naman sayo nagtatrabaho ako. Palagi mo nalang problema yang pag uwi ko ng late pati ba naman yung hindi ako kumakain dito napaka bigdeal pa rin?!"

Naikuyom ko ang mga kamao ko.

"Isa ka nalang Tommy ah. Kapag nalaman ko na ginagago mo ko sinasabi ko sayo hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan ka" sabi ko at maglalakad na sana ako pero niyakap niya ako sa likod.

"Im sorry Hon nabigla lang ako. Pagod kasi ako kasi palagi nalang kaming overtime pero hindi kita ginagago. Im sorry na please"

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin.

"Itapon mo nalang yung mga niluto ko diyan. Halos ikaw ang hinihintay kong kumain pero nawawalan na ako ng gana" sabi ko then umakyat sa taas.

Hindi ako naiiyak kung hindi naiinis ako. Wag na wag ko lang siya mahuhuli sa ginagawa niya kung hindi talagang hihiwalayan ko siya.

Biglang nagring yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko. Si mama pala tumatawag. Sinagot ko kaagad baka kasi importante.

"Hello Alexa may gagawin ka ba bukas?" Bungad niya

"Wala naman ma bakit?"

"Kasi hindi ko muna mababantayan si Addie bukas sa hospital dahil kailangan ko munang tulungan ang papa mo sa restaurant. Pwede bang ikaw muna magbantay?"

"Sige po ma no problem"

"Salitan naman kayo ni Ice nak. Siya yung kaibigan ni Addie from thailand and umuwi dito para bisitahin siya. Nakalimutan ko rin pala ibalik yung jacket na naiwan niya sa hospital nung nagbantay siya"

"Hmm may papagawa ba kayo sakin ma?"

"Actually meron, hindi ko kasi matawagan yung number niya dahil nakalimutan ko kung saan ko nailagay pero alam ko kung saan siya nakacheck in na hotel ngayon"

"Hmm ako nalang kukuha para sa kanya"

"Actually papunta na sa labas ng bahay niyo ngayon yung isang delivery staff ng resto. Pinakiusapan ko na ideliver nalang sayo dahil mas malapit ka kesa sa hotel na yon. Ikaw nalang sana maghatid sa kanya nak okay lang ba?"

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon