14

27 12 0
                                    

Wave's POV

Nasa airport na kami and as usual dinudumog kami ngayon pero buti nalang may mga bouncer na humaharang para makadaan kami.

Paglabas namin sa airport dumiretso kaagad kami sa van dahil dadaan kami sa ent namin.

Magkatabi kami ni Sabrina sa dulo and napansin ko naman na naiirita si Kristine sa kanya.

"Wave sabay tayo magdinner mamaya" sabi niya pero hindi ako umiimik.

Gusto ko sana siyang tanggihan kagabe dahil sa sinabi niya pero sabi niya bigyan ko daw siya ng isang buwan para don. Isang buwan lang naman eh atsaka susubukan ko nalang din.

Habang nasa byahe kami napaka ingay ni Kristine kaya imbis na tahimik dito, puro bunganga niya maririnig mo eh.

"Can you please shut your mouth?" Mataray na sinabi ni Sab. Nagulat ako doon kasi naturally hindi naman ganyan kataray si Sab eh.

Nanahimik siya tapos sa kabilang bintana nalang tumingin. Ako kasi sa kabilang side tapos si Sab sa gitna.

Pagdating namin sa building namin nagsibaba na tapos pumasok sa loob kasi pinapatawag kami ng ceo kaya heto naupo kami sa chairs kung saan may mahabang lamesa. Ito na ata yung kakausapin ako or feeling ko lang.

Andito na yung ceo namin then humarap siya.

"Congratulations to all of you especially Sabrina and Wave"

Nagpalakpakan yung ibang artist.

"I just want to tell you na mas lalong dumami yung sponsors natin dahil sa main cast ng series. Maraming sponsors ang nag alok ng brands para i-model niyo and that's great job for us! Keep it up!" Sabi niya

"Alam ko pagod kayong lahat so you can go home na" sabi niya at nagsitayo kaming lahat

"Except you Wave. May kailangan pa ako sabihin sayo" sabi niya kaya umupo ulit ako.

"Hihintayin kita sa labas ah" sabi ni Sab then tumango ako.

Hinintay namin na makalabas silang lahat tsaka siya nagsalita.

"Wave I know kailangan mo na magpahinga because pagod ka na galing sa shoot but another network na nag offer sa atin ng high budget movie and ikaw ang gusto nilang gumanap doon"

"Pero gusto ko po muna magpahinga. Ilang buwan na po akong walang pahinga galing sa shootings" sagot ko.

"Alam ko Wave kaya kinakausap na kita para mapag isipan mo na muna"

"Anong genre ng movie?"

Binigay niya sakin yung script kaya binasa ko. Isa siyang action-romance movie. Ang plot ng story is about sa lalakeng pinatay ang mga magulang dahil sa nakabangga nilang company. Lumaki yung lalake at gustong maghigante para sa mga magulang.

May nakilala siyang babae na Franca yung name then palagi niyang nakakaasaran hanggang sa nainlove sila sa isa't isa pero nalaman ng lalake na ang mga magulang ng babae yung pumatay sa magulang niya.

Pinatay niya yung mga pumatay sa magulang niya kaya nilayuan siya ng babaeng mahal niya. Years passed naging mayaman na business man siya tapos nakita niya yung babae nagtatrabaho nalang sa isang restaurant bilang waitress.

Nakokonsensya man siya pero sinubukan niya pa rin lapitan yung babae. Nung una ayaw sumama sa kanya pero nung tumagal, sumama na sa kanya yung babae and wait there's more naging mag asawa sila.

Tinanggap ng babae ang ginawa niya kaya nagsimula sila ng panibagong buhay. Hindi alam ng lalake na may balak yung babae na patayin siya kaya habang natutulog sila, pinatay siya mismo ng asawa niya.

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon