19

23 10 0
                                    

Wave's POV

Nandito kami sa favorite restaurant ni Sabrina kung saan kami nagdinner nung nakaraan.

"Ang sarap sarap talaga ng pagkain nila dito" sabi niya habang ninanamnam bawat subo niya.

Aminado naman ako na masarap nga yung mga foods nila dito na talagang babalik balikan mo.

"Sino kayang chef nila dito? Kakaiba rin kasi yung pasta nila eh. May pasta sila na iba iba yung kulay ng sauce and meron ding lasagna na iba iba yung flavor." sabi niya

"Oo nga. Mautak yung chef nila dito" sabi ko then sumubo.

Maya maya dumating yung waiter dahil tinawag ko kasi kailangan ko na magbayad. Pinakita niya sakin yung bill.

"Cash or credit card?" Tanong niya. Kinuha ko yung wallet ko tapos nilabas ko yung credit card ko.

"Here" sabi ko sabay abot sa kanya.

"Wait! Can I ask kung sino yung chef niyo dito?" Tanong ni Sab

"Im sorry po maa'm but we don't have a courage to leak the chef's info sa mga customer po" sagot niya then umalis para i-swipe yung credit card ko.

"Aww sayang! Gusto ko pa naman siya makilala" sabi ni Sab habang nakapout.

"Fan ka ba niya?" Pabiro kong tanong

"Of course. Para kasing babalik balikan to tong restaurant na to" sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi kasi ako marunong magluto eh"

"Ako rin naman hindi" sabi ko

Natawa siya and then dumating na yung waiter at binalik yung credit card ko.

"Tara na alis na tayo dito" sabi ko then tumayo na kami.

Naglalakad na kami papunta sa pinto nang may pumasok na isang babae. Nakashades siya tapos mahaba yung buhok niya and aaminin ko ang sexy niya.

Napalunok ako nung dumaan siya sa gilid ko. Parang familiar yung lips niya pero di ko sure kung nagmeet na ba kami.

Napatingin ako sa likod ko and then nakita ko na nag give away yung mga staffs then naglakad siya gitna.

Nakangiti rin sila habang binabati siya.

"Wave"

"..."

"Wavee"

"..."

"Wave!" Napatingin ako kay Sabrina

"Bakit ka natulala diyan? Halika na dito" sabi niya kaya lumabas na ako.

"Anong nangyare sayo?" Tanong niya

"Wala wala"

Parang kilala ko yung babae na parang hindi. Ay ewan!

Ice's POV

Nandito ako sa room ni Addie.

Simula nung mabalitaan ko ang nangyare sa kanya, pinilit ko talaga ang manager ko na payagan ako na puntahan siya dito.

Addie is like a sister to me, ewan ko ba kung bakit inaasar ako ni Lucian na may gusto daw ako kay Addie. It's just that she resembles my sister na namatay kaya ayon parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

Speaking of the boy na sumiga sakin hindi ko alam na may gusto pala siya kay Addie syempre sino bang di magkakagusto dyan eh halos buong friends ko gusto siyang ligawan noon sa thailand.

Hinihintay ko yung mama ni Addie kasi umalis siya kanina eh sakto namang padating na ako, kaya ako na muna ang nagbantay dahil di naman burden sakin bantayan siya.

Dee (yan ang tawag ko sa kanya para naiiba)

"Dee wake up na. Magsashopping ka pa ng bag" natatawa ako

"Kapag nagising ka diyan, uubusin ko yung bag mo sa shop mo sa thailand"

"Dapat di nalang kayo umalis sa thailand eh. Masaya na nga kayo doon tapos pagdating dito ganyan pa aabutan ko"

Totoo yan kasi nung nasa thailand sila  palagi kaming lumalabas para kumain pero ngayon parang paggising ni Dee, kami nalang ang kakain. Wala na si Berry tapos may asawa na si Lucian. Hay.

Nakakamiss yung nasa studio lang kami ni Addie tapos tinuturuan ko siya ng steps then kapag nakabisado niya na, sasayawin namin sa harap ng camera.

Nakailang beses na kaming gumawa nun kasi gusto daw ni Addie na palaging sumasayaw habang si Berry? Sa c.r palang sumasakit na yung tenga namin kasi kumakanta na akala mo sirena with pumipiyok piyok pa.

Kawawa naman yung sister niya kasi kahit loka loka yon napalapit na rin ako sa kanya.

They don't deserve this kind of treatment because I already know them and wala namang panget sa ugali nila para gawin sa kanila to.

Naging hiatus muna ako sa showbiz para makapunta dito and para mabantayan siya. Sa ngayon, meron akong 1 month para magstay dito.

"I wish you're awake before I go back there" sabi ko.

Yousten's POV

Finally makakauwi na ako kasi tapos ko na lahat ng proposals ko.

I can't wait na makita si Addie kaya heto, nag iimpake na ako ng mga gamit ko.

Mukha man akong aso sa ngiti ko ngayon pero wala akong pake. Basta ako uuwi na ako ng pinas and kahit ano nalang magbantay sa kanya.

Ngayon na kasi ang flight ko pauwi dahil talagang uwing uwi na talaga ako.

Tinawagan ko si dad tapos sinagot niya.

"Zen how are you?" Bungad niya na nakangiti

"Im coming home na dad. Namimiss ko na siya eh" sagot ko

"Good thing na makakauwi ka na. Bumisita rin ako nung nakaraan sa kanya and I didn't notice na may ibang nagbabantay sa kanya" kumunot ang noo ko sa sinabi ni dad

"What do you mean na iba dad?" Tanong ko

Bago ako umalis nun bumisita kami ni dad kay Addie and nakilala niya na yung family niya. Kahit sila Alexa at Jiro kilala na rin niya.

"Im not familiar to him son but I know na hindi mo rin siya kilala. He looks like celebrity dahil sa disguise niya kaya hindi na ako pumasok sa kwarto" sabi niya

"Wala ba siya sa mga pinakilala ko noon sayo dad?" Tanong ko

"Wala son and kahit matanda na ako, tandang tanda ko yung mukha niya"

"Lalake tapos nakadisguise?"

Nagnod siya sa sinabi ko.

Sinong tao na naman umaaligid sa Addie ko? Imposible namang si Wave? Or baka si Wave?

"Dad baka si Wave or Yael lang yon"

"Sinong Wave?"

"Wait isesend ko picture niya sayo para makita mo"

Kumuha ako sa IG ni Wave ng picture niya then sinend ko kay dad.

"Yan si Wave dad. Baka siya lang nakita mo kasi celebrity din yan eh" sabi ko habang nakangiti

"No Zen. He's not the one I saw.."

Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi ni dad

The Maldita Girl's Unconditional Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon